Mabilis ang tibok ng puso niya na parang bang tumakbo siya ng ilang kilometro sa bilis niyun.
Pero..masarap sa pakiramdam niya na maramdaman na malapit ito sa kanya. Damn,he want to touch her and..hold her.
Naikuyom niya ang mga palad sa biglang naisip na iyun.
Maghunus-dili ka,Axel Jax Shuck! Sita ng isip niya.
Palihim siyang humugot ng malalim na hininga upang kalmahin ang nagwawalang puso.
Damn you,heart!
"Do you want something to eat?" pukaw sa kanya ng malamyos na boses nito.
Tila huminto ang pagtibok ng puso niya ng marinig ang boses nito. Tumikhim siya bago pa man siya makagawa ng kahihiyan sa harapan nito.
Damn it,ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganito. Parang isang high school boy na pinansin ng crush niya. Nakakatuliro! Nakakawala sa sarili! Heck!
"Uh,okay lang sakin na kahit ano.." basta nanggaling sayo..piping saad niya.
Tumango ito at tinungo nito ang isang mini refrigerator.
Hmm,kumpleto sa gamit ang tree house na ito!
"I have here a mango pie..kumakain ka ba nito?" anito saka pinakita sa kanya ang isang pabilog na lalagyan na may bawas ng kalahati.
Napangiti siya. Naalala niya na mahilig ito sa mangga nalaman niya iyun kay Valerie na manunungkit ng mangga at siya pa nga ang nanungkit ng mangga para rito.
"You love mangoes.." usal niya sa naaaliw na tono.
Bahagya itong tumawa na siyang muli nagpahinto sa tibok ng puso niya.
Kagat nito ang pang-ibaba labi at may nahihiyang ngiti ito habang binubuksan nito ang takip ng lalagyan.
"Kind of.." anito.
He chuckled. "Yung mango chips ang gusto kong kinakain..pero masarap ang mango pie,"nakangiti niyang turan.
Tumingin ito sa kanya. " Gusto ko din ng Mango Chips.."
Nakangiti na tumango siya.
"Pwede kitang bilhan..kung okay lang sayo?" nanantiya niyang saad.
Matiim siya nitong tinitigan.
"Okay lang naman sakin,salamat.." anito sa malambing na boses.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Posible bang kiligin ang isang lalaki na tulad niya?
Hell,yeah!
"Here,have a seat and enjoy my favorite mango pie,"anyaya nito na lumapit siya sa maliit nitong kusina.
Agad na humakbang ang mga paa niya palapit rito at kung siraulo lang siya baka mismo sa tabi ng dalaga siya tatabi.
"Thank you,Mia-Ashly," saad niya ng makaupo sa upuan na gawa sa kahoy.
Napangiti siya ng magsalin ito ng mango juice sa mataas na babasagin na baso.
"Thank you," amuse niyang saad.
Ang sarili naman nito ang nilagyan ng pagkain.
Hmm,maasikaso,I like that!
"Kamusta ang pagtuturo mo dito?" pagbukas nito ng usapin ng makaupo ito sa harapan niya.
Pinapanuod niya ang bawat galaw nito. Ang paggalaw ng buhok nito na halatadong malambot base na rin sa magandang bagsak ng mga hibla niyun na bahagyang tumatakip sa maganda nitong mukha.
Agad na tinuon niya ang mga mata sa platito niya ng mag-angat ito ng mukha.
Tumikhim siya bago niya sinagot ang tanong nito.
"Okay naman..enjoy ang magturo sa mga istudyante rito,lahat sila magagaling," aniya.
Tumango ito. "Sa opinyon ko,magagaling ang mga istudyante dahil magaling ang guro nila," anito.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Damn it! Kinikilig talaga siya!
"Masarap pakinggan ang opinion mo," aniya .
Bahagya itong ngumiti. Napupuna niya na tila nahihiya itong ngumiti bagamat na pinapakita nito iyun pero may kalakip na hiya.
Damn,she's so perfect to me!
Tumikhim siya. "Gusto ko sana ulit magpasalamat sa pagtanggap mo sakin rito sa kabila ng huling records ko na pinagtrabuhan kong escualahan," pagbubukas niya sa usapin iyun.
Ayaw niya maputol ang pag-uusap nila dahil gustong-gusto niya marinig ang malamyos at malambing nitong pananalita.
"Hindi ako nanghuhusga ng tao dahil lamang sa pagkakamali,hindi tayo perpekto," matiim nitong saad.
Tumango siya at nasisiyahan siya na hindi ito katulad ng mga tao humusga sa kanya.
"Isang pagkakamali ko na naging affectionate ako sa istudyante kong iyun..siya ang dahilan kung bakit nangyari iyun. Hindi ko alam na iba pala ang dating sa kanya ng pakikipaglapit ko sa kanya..may kapatid akong babae pero pumanaw na siya dahil sa cancer and I love her so much kaya siguro naging malapit ako sa mga istudyante kong babae na mas bata sakin dahil sa pangungulila ko sa bunso kong kapatid,"pagkukwento niya rito.
Mataman na nakinig ito sa kanya ng mga oras na iyun.
"Inaasahan ko na unti-unti mo ng nakakalimutan ang nangyari sayo sa istudyante mong iyun?"matiim nitong saad.
" Yes..isang nakaraan na lamang iyun para sakin at napapalitan na iyun ng kasulukuyan kung nasaan ako ngayon,"aniya at mataman niya pinakatitigan ito.
"Good to hear that," anito.
"Ngayon kong masasabi na nawala man ang lahat sakin sa kinalakhan kong lugar nahanap ko naman rito ang nawawala sa buhay ko.." saad niya habang nakatitig sa magagandang mata ng dalaga na nakatitig rin sa kanya.
"Masaya ako na nahanap mo yun rito," anito habang nakapagkit pa rin ang kanila mga mata sa isa't-isa.
"Yes ...nasa harapan ko na siya," usal niya.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Kurt Adam#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf