Chapter 1

7.3K 241 4
                                    

Hello sa nakachat ko before na nagrequest ng character name niya. Nang Mia-Ashly at Axel Jax,sana reader pa kita hehe sensya na natagalan bago sayo..salamat.

20 years ago..

Isang mahiyain ngiti ang pinukol ni Prinsesa Mia-Ashly sa dating Panginoon ng mga lobo na si Zei.

Kasulukuyan siyang nasa munting tirahan nito na siyang sumalubong sa kanya sa labas ng kweba mula sa mundong-Colai.

"Nagagalak ako na makita kang muli,mahal na prinsesa,"bati nito at bahagyang yumuko sa kanya.

Sa totoo lang nahiya siya sa ginawa nitong iyun dahil isang dating panginoon ito ng mga lobo at siya pa ang niyuyukuran nito. Isang mahiyain ngiti ang pinukol niya sa dating panginoon.

"Sayang wala ang aking mag-iina para makilala ka nila,nasa bakasyon kasi sila ngayon.." nakangiti nitong turan sa kanya.

"Ganun din po ako,palagi po kayo kinukwento sa akin nina ama at ina at nagagalak po ako na makita at makilala po kayo,mahal na panginoon,"saad niya sa mahiyain tono.

"Zei na lang,Mahal na Prinsesa."may ngisi sa mga labi nitong turan sa kanya."Sigurado ako na magugustuhan mo dito sa mundo ng mga tao,mahal na prinsesa,"anito.

May inabot itong parisukat na kulay puting kahon sa kanya at agad na inabot niya iyun mula sa dating panginoon.

"Nandyan ang lahat ng kailangan mo para mabuhay dito sa mundo ng mga tao.." anito sa hawak niyang kahon.

Namamanghang tinitigan niya ang hawak na kahon."Salamat po..Ma-uh,Zei,"saad niya at agad na tinama ang huling pagtawag niya rito.

Isang gwapong ngisi ang sumilay sa mga labi nito.Hinaplos nito ang ibabaw ng kanyang ulo. "Wala kang dapat ikabahala habang nandito ka sa mundo ng mga tao..ienjoy mo lang ang papanatili mo dito."masuyong saad ng dating panginoon.

Totoo nga ang sinabi ng kanyang ama at ina. Hindi maipagkakailang na dati nga panginoon si Zei.

He's very sweet. Ang gwapong ngisi sa mga labi nito na siya nagdudulot ng kakomportablehan sa pakiramdam niya. Tila inaassure ng ngising iyun na ligtas siya at hindi siya nito pababayaan.

"Ahm,pwede po ba akong magtanong?"maya-maya saad niya.

Agad naman tumango ang dating panginoo."Sige lang,Mahal na Prinsesa.."

"Ang sabi ni Amang Hari,kaya nandito ako sa mundo ng mga tao ay dahil sa lalaking itinakda sakin,sabi po niya itanong ko raw po sa inyo kung paano ko malalaman na siya nga ang mate ko?"kuryuso niyang tanong kay Zei.

Ngumisi ito sa kanya na lalong nagpaaliwalas sa napakagwapo nitong mukha.

Itinuro nito ang sarili nitong dibdib sa mismo tapat ng puso nito ang isa nitong daliri."Ang puso mo..siya lamang ang makakaalam kung siya nga ang lalaki para sayo,titibok yan na hindi normal sa tibok ng puso mo ngayon. Alam mo yun,yung doble-doble ang tibok kaysa sa normal na pagtibok ng puso natin?"may magiliw nitong pagsagot sa tanong niya.

Tumango siya sa sinabi nito. Isinaisip ang sinabi nitong iyun.

Puso. Iyun ang makapagsasabi kung sino ang lalaki nakatakda sa kanya.

Ang pagkakaalam niya na ayon sa kanyang amang Hari nalaman nito mate nito ang inang Reyna niya dahil sa physical na contact. Sa ibang Hari naman ay sa pamamagitan ng eye contact.

Nakakamangha lang isipin.

"Ganun po pala,sige po,salamat po.."pasasalamat niya na may kaakibat na mahiyain ngiti.

"Magandang umaga,mahal na Prinsesa!" pagsulpot ng isang magandang babae.

Agad na natuon ang mga mata niya sa bagong dating na babae.

"Valerie,anak.." baling rito ni Zei." Mahal na prinsesa,ito ang aking mahal na anak,si Valerie,"pagpapakilala ni Zei sa anak nito sa kanya.

"Wow! Ang ganda pala ng Prinsesa ng mga puting lobo,"puri nito sa kanya at pakiramdam niya namula siya sa sinabi nito.

Niyakap siya nito at nagustuhan niya iyun dahil magaan agad ang loob niya rito.

Nahihiyang ngumiti siya rito. Napakaganda rin nito at...hinding maikakaila na anak ito ni Zei dahil sa ngisi na nakapagkit sa mga labi nito.

"Ikaw na bahala sa kanya,anak,aasikasuhin ko pa ang iba pang Prinsesa na darating.." anang ni Zei.

"Opo,ama.."tugon nito sa dating panginoon.

Kasulukuyan..

Tahimik na pinagmamasdan ni Mia-Ashly ang buong paligid mula sa kinatatayuan niya sa likod ng wallglass na gawa sa makapal na salamin. Heavy tinted iyun at sa loob lamang makikita kung ano ang nasa labas ng salamin.

Nasa pribadong opisina siya kung saan sa pinakadulo ng unibersidad na pag-aari niya nakatayo iyun. Wala siyang pinahihintulutan na may makalapit sa opisina niya. Wala siyang pinapayagan,iyun ang numerong unong patakaran niya sa teritoryo niya. Bilang may-ari ng Esferial University wala na kahit sino pa ang nakakakilala sa kanya. Wala na kahit sino.

"Good morning!"

Agad na nilingon niya ang bumating iyun.

" Valerie.." tugon niya rito at nginitian ito. Tila magkapatid na nga sila ni Valerie mula ng dumating siya sa mundong ito.

"May papipirmahan sana ako? Okay lang ba,mahal na prinsesa?" anito na pinakita pa sa kanya ang hawak nitong mga papel.

"Sige,pasok ka," nakangiti niyang tugon.

Si Valerie ang siya nagmomonitor kung ano na ang nangyayari sa labas ng opisina niya. Ito rin ang nag-aasikaso ng mga kakailanganin ng pag-aaari niya. Nakakatuwang isipin na hindi siya pinababayaan ng pamilya ng dating Panginoon ng mga lobo na si Zei.

Itinuring siya nitong isang pamilya kaya kahit naiiba siya sa mga nakapaligid sa kanya pinaramdam ng mga ito na wala siya dapat ikabahala at ikatakot sa bawat araw na pananatili niya sa mundong ito habang hinihintay niya ang pagtatagpo ng lalaking itinakda sa kanya ng propesiya.

Hindi siya maiinip sa paghintay rito dahil nagugustuhan rin niya ang pananatili niya sa mundong ito kahit na hindi siya nakikihalubilo sa mga tao.

Maganda ang mundong ito. Magulo man at may pangyayari man na ikakasakit ng mga tao sa sarili nila hindi ipagkakaila na isang napakaganda pa rin ang mundong ito.

Ang mundong kung saan natagpuan ng kanyang ama ang kanyang ina na isang bagay na siyang pinagpapasalamat niya sa naglikha sa mga tao.

Nasasabik na siyang matagpuan ang lalaking itinakda sa kanya. Ang kanyang mate.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon