Chapter 44

6.3K 222 10
                                    

Agad na nagmulat ng mga mata si Mia-Ashly at agad na namulatan niya ang gwapong mukha ng kanyang ama.

"Ama?!!"bulalas niya at mabilis na niyakap ng mahigpit ang ama na mahinang tumawa sa inakto niyang iyun.

"Ama..nandito kayo.." usal niya na punong ng pangungulila sa ama.

Puno ng pagmamahal na hinaplos nito ang buhok niya. "Oo naman..pinag-alala mo ako,mahal kong prinsesa..nag-aalala din sayo ang iyong ina pero hindi naman siya pwede sumama sakin rito kaya...bumalik ka na sa mundong-Colai," malambing nitong tugon sa kanya.

Agad na naalala niya ang kasintahan. "Si Axel Jax?"

"Ang lalaking itinakda sayo.." anang ng ama.

Tumango siya. "Nakilala niyo na siya,ama? Gusto ko siya makita," aniya.

Masuyong hinaplos ng ama niya ang kanyang pisngi.

"Anak,nasa mundong-Colai siya ngayon.."

Natigilan siya sa sinabi ng ama.

"Ho? Bakit ama?"

"Kailangan niya humarap sa mga Anda para sa basbas bilang itinakda siya para sayo at maunawaan niya ang pinagmulan mo..kaya wala kang choice kundi bumalik satin dahil nandun siya..pero alam natin na nakasaad sa propesiya na ikaw ang pipili para sa inyo dalawa ng mate mo,mananatili ka dito kasama ang mate mo o babalik ka satin kasama siya,"tugon ng ama niya.

Wala pa siya maisasagot sa ama hanggat hindi nila napag-uusapan ni Axel Jax ang bagay na yun.

Niyakap niya ang ama na puno ng pagmamahal na niyakap siya pabalik.

"Namimiss ka na namin,prinsesa ko.." usal ng ama sa buhok niya.

"Namimiss ko na rin po kayo ni ina,ama.." madamdamin niyang saad habang mahigpit niyang yakap-yakap ang ama.

Mabilis na sinalubong ni Mia-Ashly ang kasintahan pagkalabas nito sa bukana ng kweba kung saan doon ang daanan patungong mundong-Colai.

Agad na niyakap siya ng binata ng makita siya.

"Thank God,you are safe now.." puno ng damdamin usal ni Axel Jax habang buong higpit na yakap-yakap siya.

"Mahal na mahal kita,Mia-Ashly.." madamdamin pa rin nitong usal.

Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang gwapong mukha nito. Gusto niyang maiyak ng makita nanunubig ang mga mata ng binata.

"Ligtas na ko,Axel Jax..mahal na mahal din kita,kaya huwag ka ng mag-aalala pa,wala ng mangyayari masama satin,okay?" masuyo niyang saad rito.

Siniil siya nito ng madamdamin halik na tinugon naman niya agad.

"Doon na lang tayo sa mundo niyo,doon safe ka..tayo. Ayoko na dito,Mia-Ashly..ayoko ng maulit ang trahedya yun," nakikiusap nitong saad.

Siya lang ang makakapagpasya sa kanilang dalawa.

Pinakatitigan niya ang kasintahan. "S-sigurado ka bang gusto mo manirahan sa mundo namin..habang-buhay?"paniniyak niya.

She choose to scarifice her life for his mate kaya naman hahayaan na niya na ito naman ang magsakripisyo sa kanilang dalawa.

Agad na tumango ng sunod-sunod ang kasintahan.

" Okay..sa mundong-Colai tayo mamumuhay habam-buhay,"pasya niya.

"Thank you,my princess..." pagsiil muli sa kanya ng halik ng kasintahan.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC 🎉
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon