Chapter 34

5.4K 225 12
                                    

Hindi niya alam kung papaano niya tatanungin ang kasintahan sa sinabi nitong iyun.

Damn,she's really look serious what she said awhile ago.

Paano kung isa nga itong lobo?

Damn,hindi kapani-paniwala yun!

Tahimik lang ang kasintahan habang papunta sila sa bahay niya. Gusto nito pumunta sa inuupahan niyang bahay dahil may isang bagay raw ito na pag-aari nito na nasa kanya.

Hell! Pinapatay na talaga siya ng kuryusidad! Bigla-bigla tila nagbago sa paningin niya ang kasintahan.

Napahigpit ang hawak niya sa malambot na kamay nito. Sumulyap ito sa kanya na seryoso pa rin ang anyo. Hindi na siya umimik.

Nang makapasok sila sa bahay niya nauna ito pumasok sa may kusina niya at agad naman na sumunod siya rito. Naabutan niya itong hawak nito ang puting bote na may gintong takip.

Seryoso na humarap sa kanya ang dalaga. Ganun na lang ang pagtitig niya rito. Ibang-iba ito ngayon.

"Mia-Ashly," sambit nya sa pangalan nito.

Namulagat siya ng masaksihan na mabuksan nito ang bote.

Damn! Hindi nga niya mabuksan yun eh! Di hamak na mas malakas siya kaysa sa dalaga para mabuksan yun!

What the hell?!

Napukaw siya ng magsalin ito sa wineglass ng laman ng bote. Namangha siya ng makita ang matingkad na puting likido.

Kasingkulay ng buhok ng kasintahan.

Agad na nabaling ang atensyon niya sa dalaga ng ilapag nito ang bote sa tabi ng baso.

Matiim at seryoso pa rin ang anyo ng dalaga. Kinakabahan na siya,yun ang totoo.

"Isa akong..prinsesa sa mundo na pinagmulan ko," saad nito na nagpaawang sa bibig niya.

Agad na gumitaw sa isip niya ang sinabi ng mag-amang Zei at Valerie.

Na tangi ang prinsesa lamang daw ang makakapagsabi sa kanya ukol sa alak na binigay sa kanya ni Zei.

Napakurap-kurap siya.

She's..she's a princess?!

"Magkaiba tayo ng mundo na pinagmulan,Axel..at..iba rin ako sayo.." saad nito ng marahan na tila ba na gusto nito maunawaan niya iyun ng mabuti.

"A-anong ibig mong sabihin?" maya-maya saad niya.

Dumako ang mga mata nito sa baso na may puting likido.

"Ang alak na ito ay nagmula sa mundong-Colai..ang mundo kung saan ako pinanganak at bilang prinsesa ng aking distrito.." anito.

Nanatili siyang Walang imik.

Isa lang ang pumapasok sa isip niya at pinupunto ng pag-uusap nila ng dalaga.

She's a wolf...isang lobo ang kanya kasintahan!

"Isa akong lobo at ang nakita mong larawan sa desk ko..it's me..me and my wolf,"satinig nito na nasa isip niya.

" Kung..kung kaya mo akong tanggapin..y-you drink it,simbolo ito ng pagtanggap mo sakin,"anito na hindi tumitingin sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad ng makita niya ang pangamba at sakit sa maganda nitong mukha.

And..she's look scared...

Tila nanikip ang dibdib niya sa nasaksihan niyang iyun.

Mahal niya ang dalaga. Mahal na mahal.

Hindi niya kaya makita itong nasasaktan..dahil lang na magkaiba sila ng katauhan.

Dinampot niya iyun at ininom. Hindi iyun mapait. Matamis ang lasa at nasaid niya iyun ng ilang segundo lang.

Mulagat na napatitig sa kanya ang kasintahan.

"Mahal kita,Mia-Ashly..at kahit ano ka pa,tanggap kita.." sinsero at puno ng kaseryusohan niyang saad.

Nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata ng kasintahan at mabilis na niyakap siya.

"M-mahal din kita,Axel Jax.."

Napangiti siya. Sa wakas narinig na niya ang tatlo Salitang iyun.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon