Chapter 19

5.7K 202 2
                                    

"Next month na ang 10th anniversary ng school ..gaya po ba ulit ng dati?" saad ni Valerie.

Napabuga siya ng hangin. "Bakit ba laging may po nakakabit sa mga salita mo?" aniya habang nakahalukipkip at nakasandal sa sandalan ng swivel chair niya.

Ngumiti ito at nagkibit ng balikat. "Dahil prinsesa ka ng mga puting lobo kaya dapat lang na igalang kita," tugon nito.

Muli syang bumuga ng hangin.

"Pero anak ka ng dating diyos ng mga lobo at kakambal mo ang diyos natin ngayon mga lobo,"saad niya.

Bahagya itong tumawa." Pero isa akong pangkaraniwan lobo dito sa kinaroroonan natin ngayon,mahal na prinsesa,"anito na panay ang sulyap sa flower vase.

Tangka niya iyun alisin dahil nga allergic ito sa bulaklak.

"Okay lang,mahal na prinsesa hindi naman siya masyado matapang sa pang-amoy ko..hmm,kayo po ba ang naglagay niyan sa mesa niyo?" anito.

"No," tugon nya.

Agad na ngumisi ito. "Ahh,si Sir Axel.." anito na sinabayan pa ng pagtango.

"Ang sweet ng mate niyo," anito.

"Pinipitas niya ang mga bulaklak ng escualahan," aniya na pilit na sinusupil ang ngiti.

Ngumisi ito at dahil matalas ang pakiramdam nilang mga lobo. Alam nito ang tunay na nararamdaman niya.

"Oh well,my princess..back to our topic," may ngiti sa mga labi nito na binalik ang unang pinag-uusapan nila.

"Gaya ng dati pa rin,ikaw na ang bahala," aniya.

"Okay..may bago akong nadiscover na catering..masarap sila magluto..sila ang kukunin ko," anito.

Tumango sya.

"Hmm,siguro naman kahit papaano sisilip kayo..masaya naman yun kasi walang rules,party talaga para sa anniversary ng school niyo.."anito.

Nagkibit siya ng balikat. " Titignan ko,"aniya.

Eh nandun naman si Mate eh,anang ng wolf niya.

"Okay,"tugon nito.

Bigla siya nakaramdam ng excitement para sa gabing iyun. Sa gabi ginaganap ang totoong selebrasyon dahil sa umaga pulos activity lang o palaro sa bawat kurso at sa gabi ang party na kung saan malayang makakapagsaya ang mga istudyante, at mga guro pati na rin ang ilang staff ng escualahan niya. Security guards,maintenance staff at ng mga nasa canteen area.

Bumuga siya ng hangin. Sana nga kahit minsan maranasan niyang makisaya sa iba.

Oh kahit si mate lang,sapat na...

Tinitigan niya ang gumamela. Sigurado siya bukas ng umaga napalitan na ulit ng bago iyun.

Mukhang mauubos nito ang gumamela sa paligid.

Sana next time roses naman..anang ng wolf niya.

" Gumamela is enough,wolf.."

Tss,sakali lang naman..

"Paano kayo nagkakasundo ng wolf niyo?"

Bigla napukaw ni Valerie ang pag-uusap nila ng kanyang wolf.

Nakangiti ito nakatingin sa kanya. Nakalimutan niya kasama nga pa pala niya ito.

She sighed.

"Cute naman siya eh," aniya.

Hala,gawin ba kong puppy! I'm a wolf..a beautiful and georgous wolf,hmph!

Tumawa si Valerie.

"Yung wolf ko,ayaw niya ng cute kasi hindi daw siya puppy," anito.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

"Ang totoo naasar siya ngayon sakin," aniya.

Sabay silang natawang dalawa.

Ang ipanganak na isang lobo ay isa sa pinakamagandang bagay na natanggap niya. She's special with the ability na hindi magagawa ng mga pangkaraniwan tao.

She and her wolf.

They are very great to live in this world. Sa mundong-Colai man o sa mundo ng mga tao.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon