Chapter 42

5.2K 182 9
                                    

Kinailangan niyang mag-overtime dahil sa darating na final exam para sa unang semester. Siya ang nakatoka ngayon para sa final exam paper ng department niya. Nag-iisa na lang siya sa faculty nila at nagpaalam naman na may pupuntahan lamang ang kasintahan at babalik din pakalipas lang ng ilang oras kaya naman minamadali na niya ang mga hawak na papel para kapag dumating na ang kasintahan uuwi na sila agad.

Tahimik na ang buong unibersidad ng lumabas siya ng faculty niya. Papunta na siya ng opisina ng kasintahan para doon ito hintayin ng bigla na lang may dalawang lalaki na sumulpot sa harapan niya.

Agad na nangunot ang nuo niya. Hindi pamilyar ang mga ito sa kanya. Pareho pang may hawak na sigarilyo.

"Magandang gabi,Sir!"pagbati ng lalaki na nakasuot ng itim na sombrero. Balbas sarado ito kaya hindi niya masyado aninag ang buong mukha nito.

"Mukhang ginabi na kayo," anang naman ng isang lalaki na semi-kalbo. Malaki ang katawan nito tila bang isang goons. Ganun din ang isa.

"Uh,Oo..magandang gabi din sa inyo,may maitutulong ba ko sa inyo?" nanantiya niyang saad sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito habang humihitit ng sigarilyo.

Bigla siya kinutuban ng hinding maganda. Pero sana walang masamang mangyari.

Saka paano nakapasok ang mga ito gayun wala ng nakakapasok sa loob ng escualahan ng ganitong mga oras.

"Meron,Sir..kilala niyo ba si Ma'am Nimfa?" anang naunang lalaki.

Agad siyang tumango." Oo,nagtuturo siya dito,bakit niyo siya hinahanap?"kuryuso niyang tanong kahit may kakaiba siyang nararamdaman sa pakay ng mga ito.

Na tila bang hindi si Ma'am Nimfa ang pakay ng mga ito. Kundi,siya.

Naikuyom niya ang mga palad. Sana hindi muna dumating ang kasintahan. Nag-aalala na siya baka makita ito ng dalawang lalaki na tila may dalang panganib.

"Ah ganun ba..siguro,ikaw yung katrabaho niya na nanakit sa kanya,tama ba?"

Fuck! Sinasabi na nga ba niya!

"Sino ba kayo?" matapang niyang saad sa mga ito.

Ngumisi ang medyo kalbong lalaki.

"Kami ba? Kami lang naman ang pinsan niya na handang gantihan ang lalaki nanakit sa pinsan namin," pagtalim ng mga mata nito sabay bunot ng kung ano sa likuran nito.

Napatiim-bagang siya ng itutok sa kanya ng lalaki ang baril.

Nakangisi naman sa kanya ang isa.

"Wala sa pamilya namin ang pwede manakit na kahit sino lalo na sa isang dayuhan na tulad mo!" anang nito.

"Pasalamat ka wala ka sa bahay mo malamang kasama ka na sa nasusunog," dugtong nito sabay tawa ng malakas.

Nagngalit ang mga bagang niya sa sinabi nito. Ito ang sumunog sa inuupahan niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin ito ni Ma'am Nimfa sa kanya!

Ni hindi nga siya nito pinapansin mula noon at ngayon nasa harapan niya ang kamag-anak nito para gantihan siya.

Fuck!

"Mahal na mahal ka ng pinsan namin pero dahil sayo nasasaktan siya kaya naman,Sir...para naman patas kailangan maiganti namin siya sayo," nakangisi saad ng may hawak na baril.

Mabilis ang utak niya kaya agad na hinampas niya ng bitbit niyang bag ang kamay nito na may hawak na baril. Tumalsik iyun ng ilang dipa na kinabigla ng dalawang lalaki.

Shit! Where's the security guard here?!

Mabilis na tinadyakan niya ito sa sikmura na ikinauklo nito at sinunod niya ang pangalawa lalaki pero dahil mas malaki ang katawan nito sa kanya nakailag ito sa tangka niyang pagtadyak rito. Nabuway siya at bago pa siya makabawi nahablot siya nito ang malakas siya napasinghap ng sikmurain siya nito na kinaluhod niya sa damuhan.

Nakita niya ang mabilis na pagkilos ng isa at dinampot ang baril sa damuhan. Isang suntok sa panga niya ang pumukaw sa kanya kaya malabo na siya makakailag kung ipuputok na sa kanya ang baril na iyun.

Mia-Ashly...

Isang malakas na putok ng baril ang pumainlanlang at pinakiramdaman niya ang sarili kung saan siya tinamaan pero wala siya naramdaman sakit. Napadilat siya at ang magandang mukha ni Mia-Ashly ang namulatan niya.

"Mahal na prinsesa!!!" si Valerie.

Mabilis na sinalo niya ang dalaga sa mga braso niya.

"Ako na ang bahala rito,dalhin mo ang prinsesa sa black forest..." si Zei ang narinig niyang iyun.

"Mia-Ashly..." nanginginig na usal niya habang yakap niya ang walang malay na kasintahan sa mga bisig niya.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon