Chapter 11

5.4K 189 0
                                    

Halos hapon-hapon natatagpuan niya ang sarili na nagkukubli sa labas ng pribadong opisina ni Ms.Esferial. Mas pinagtakhan niya ngayon na may nadatnan siyang upuan sa pinagkukublihan niya. Alam niyang nilabag na niya ang utos ng may-ari ng unibersidad sa pagpunta niya sa parte iyun na mahigpit na pinagbabawal ni Ms.Esferial.

Hindi na din malamok roon. Ayaw niya isipin pero hindi kaya alam ni Ms.Esferial na lagi siyang nandito?

Naipilig niya ang ulo. Imposible yun. Pinagbabawal nga sila na lumapit sa lugar na ito pero heto siya nangahas at nilabag niya ang batas na yun. Kapag nahuli siya paniguradong hindi magiging maganda ang consequence niyun pero gusto lang niya makaiwas kay Ma'am Nimfa na tila obssess na sa kanya. Hindi na niya nagugustuhan ang ginagawa nito. Hindi na nga niya itinuloy pa ang iniisip niya na lumipat ng faculty dahil naisip niya baka pagsimulan pa iyun ng hindi magandang komento mula sa mga kapwa guro nila. Sino ba ang mapapahiya?

Ang dalagang guro ang mapapahiya dahil sa kanya at ayaw niya gawin komplikado ang lahat.

Marahas siyang napabuga ng hangin. May kinse minuto na siya nakaupo roon at hindi siya pwede umalis doon hanggang hindi lumilipas ang kalahating oras bago umalis ang pinagtataguan niya. Hindi mangangahas ang huli na lumapit sa kinaroroonan niya kaya safe na safe siya roon na hindi siya nito makikita.

Habang nagpapalipas ng oras pinakiramdaman niya ang paligid. Natutukso siya na sumilip sa loob ng opisina sa kahit anong paraan pero agad din niya winawaksi sa isipan iyun. Dinadagdagan lang niya ang kasalanan niya sa may-ari ng lugar na ito.

Damn,sana lang walang CCTV sa pinagtataguan niya!

Muli siyang napabuga ng hangin at napakislot siya ng makarinig siya ng galabog mula sa loob ng opisina.

Napigil niya ang hininga at bumilis ang pagtibok ng puso niya. Kinabahan siya bigla. Posibleng nasa loob si Ms.Esferial.

Heck! Huwag naman sana malaman nito na naroroon siya!

Lalo dumoble ang kaba niya ng makarinig muli siya ng ingay mula sa loob.

Shit!

Dinampot niya ang bag at sinukbit iyun para lisanin na ang lugar na iyun. Baka kapag nagtagal pa siya roon malilintikan talaga siya.

Damn,ngayon lang siya kinakabahan ng ganito katindi!

Hindi pa man siya tuluyan nakakalayo roon ng bigla naman nakita niya ang pagdating ng babaeng guro.

Shit!

Mabilis na bumalik siyang muli sa pinagkukublihan niya.

"Ang tagal naman niyang umalis.."bulong niya sa sarili.

Pinalipas muna niya ang limang minuto bago siya nagpasya na umalis ulit roon.

Nakakailang hakbang pa lang siya ng bigla naman sumulpot sa harapan niya ang Dean.

Muntik na siyang mapamura ng malakas at nanlalaki ang mga mata niya sa kabiglaan.

" M-Miss Rostov..."gulat na usal niya.

Bumukas sa maganda nitong mukha ang pagkagulat ng makita siya roon.

"A-anong ginagawa mo dito,Sir Axel Jax?" maang nitong saad.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata sa sobrang kahihiyan. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig.

He's dead now! Nahuli na siya!

"M-ma'am..hayaan niyo po sana ako magpaliwanag?"nangangambang usal niya rito.

Mataman siya nitong tinitigan at pagkaraan bumaling naman ang mga mata nito sa likuran niya.

"Ngayon ka lang ba pumunta dito?" matiim nitong saad na kinayuko niya.

Damn you,Axel Jax. Tapos ka na ngayon!

Umiling siya. "Maraming beses na,Ma'am.."matapat niyang pag-amin.

Napaangat siya ng mukha ng hindi ito nagreak. Napalitan ng pagkamangha ang pagkagulat nito.

Hindi ba ito galit sa pangahasan niya?

Pero aaminin niya kahit papaano nabawasan niyun ang kaba na dumudunggol sa kanya ng mga oras na iyun.

"Okay,I want to hear your explain in my office now," anito pagkaraan.

"Yes,Ma'am.." agad na tugon niya rito.

Okay,Axel Jax Shuck,humanda ka na sa consequences na paglabag mo sa batas ng unibersidad.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

This is so shame!

Natatakasan nga niya si Ma'am Nimfa pero hindi niya matatakasan ang kasalanan niyang paglabag sa pinag-uutos ni Ms.Esferial!

Laglag ang balikat niya na sumunod kay Ms.Rostov.

Ito na ba ang huling araw niya sa lugar na ito?

Mapapatalsik na ba siya dahil sa kapangahasan niya?

Ayaw niyang mag-isip ng ganun pero kailangan niyang tanggapin ang kabayaran ng kasalanan niya.

Binigo niya ang sarili.

Binigo niya ang taong nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa.

Sinayang niya ang binigay nitong pagkakataon na makapagsimula siyang muli.

Damn,Axel Jax.

Hindi ka talaga nag-iisip. Naturingan ka pa naman edukado. Ano itong ginawa mo?!

Sana hindi ganun kalupit si Ms.Esferial.

Sana maunawaan nito ang idadahilan niya kung bakit siya lumabag rito.

Acceptable ba yun,Axel Jax?

Duwag ka lang kasi at ayaw mong tapatin na si Ma'am Nimfa. Tingnan mo ngayon. Sino ang napahamak?

Ikaw di ba?

Hopeless ka na talaga,Sir Jax!

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon