Chapter 21

5.3K 209 3
                                    

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap si Ms.Esferial. Ang mga araw na hindi niya ito nakita ay talaga nakaapekto sa kanya.

Aminado siyang ilang araw na rin siyang wala sa mood. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang 10th anniversary ng Esferial University. Naging masaya ang buong umaga dahil sa iba't-ibang aktibidad na ginanap ng araw na iyun at siya naman panaka-naka lang nakikisali sa kasiyahan madalas siyang sumilip sa private office ni Ms.Esferial at biguan siya na matyempuhan ito.

Nasaan kaya ito? Abala ba ito ng sobra kaya wala ito sa opisina nito?

Bakit hindi niya tanungin si Ms.Rostov?

Agad na hinanap niya ang dean nila na si Valerie Rostov. Nagsisidatingan na ang lahat para sa night party. Ang totoong selebrasyon na pinakahihintay ng lahat. May live band na kinuha at talagang buhay na buhay ang gabing iyun.

"Axel,where are you going? Kinuha kita ng red wine!" pagtawag sa kanya ni Ma'am Nimfa.

"I'm looking for Ms.Rostov," tugon niya rito.

"Ah si Dean..nandun sa entrance sinasalubong yung mga special guest natin,Sina Mayor at Gov.." anito.

Tumango siya.

"Here,for you," pag-abot nito sa kanya ng wine glass na may red wine.

"Thanks," aniya na tinanggap niya.

Matamis itong ngumiti at muntikan na siyang masamid ng kumapit itong bigla sa braso niya.

"Picture tayo! Ang gwapo mo kasi sa getup mo ngayon!" anito sa malakas na boses dahil maingay ang banda tumutogtog kailangan pa nila sumigaw.

Bago pa man siya makasagot may tinawagan itong istudyante na may hawak na digicam na siyang kumukuha ng mga larawan sa mga nangyayari sa paligid.

"Kuhanan mo kami,okay?!" anang nito sa senior student.

"Yes,ma'am!" agad na talima ng lalaking istudyante.

Napakibit na lang siya ng balikat at seryosong tumingin sa camera habang todo ngiti naman ang co-teacher niya.

Bago pa man siya maistock sa atensyon ni Ma'am Nimfa nagpaalam siya na magbabanyo at tila ayaw nitong mahiwalay sa kanya. She's acting like they are couple. Damn!

Mabilis na tinalikuran niya ito bago pa man isipin nito na samahan siya magbanyo.

Bago pa man marating niya ang kinaroroonan banyo na malapit ay kusang lumiko ang mga paa niya at natagpuan niya ang sarili na nasa harapan ng opisina ni Ms.Esferial.

He sighed. Hindi naman niya maenjoy ang party dahil ang mismong nagpaparty iyun ay wala naman ng mga oras na iyun.

Marahas siya napabuga ng hangin. Aalis na lang sana siya ng bigla bumukas ang pintuan. Agad na pumintig ang puso niya ng sobrang bilis.

She's here!!

Awtomatiko na humakbang ang mga paa niya papasok sa opisina.

Nakabukas ang ilaw sa loob pero hindi mahagilap ng mga mata niya ang may-ari ng opisina.

Nahagip ng mga mata niya ang isang bahagi ng pader. Lumapit siya roon at namamangha ng makita kung ano iyun.

Ngayon lang niya nakita na may ganun pala sa opisina ng dalaga.

Nakaawang iyun at pinangahasan niya na itulak iyun para makapasok siya at agad na sumalubong sa kanya ang malamig na hangin at ang amoy ng mga gumamela.

Sekretong daanan?

Hmm,dito siguro siya dumadaan. Tanging tanglaw ng liwanag ng buwan lang ang panglaw sa paligid at dinig pa niya ang tumutugtog na banda.

Where is she now?

Sino nagbukas ng pinto?

"Bakit hindi ka nakikisaya sa kanila?"

Marahas siya napapihit sa nagsalitang iyun. Nalingunan niya ang hinahanap niya.

"Mia-Ashly,uh,Ms.Esferial.."usal niya habang nakatitig sa dalaga.

Kumikinang ang kaputian nito sa ilalim ng liwanag ng buwan. Napakaganda nito. Tila isa itong diwata.

Nakalugay ang mahabang buhok nito na kasingputi ng ulap at napakaganda nito sa suot nitong puting bestida na umabot sa tuhod nito na pinaresan ng sandals na puti na nakapulupot sa mahubog nitong binti ang straps niyun.

She looks so georgous and...so beautiful like a fairy.

Naengkanto na siya sigurado siya dun. She's enchanting him big time!

" Akala ko hindi kita makikita ngayon gabi.."wala sa sariling usal niya habang nakatitig pa rin rito.

Ang lame ng banat mo,Shuck!

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon