Chapter 9

5.4K 209 0
                                    

CHAPTER 9

Kapuna-puna ang bigla pagbabago ng mood ni Nimfa. Panigurado naman na may kinalaman iyun sa pinabalik  nitong lesson plan.

Imbes na icomfort niya ito hinayaan na lamang niya ito. Nahihiya nga siya kay Ms.Esferial dahil base sa sinabi ng Dean nila parang alam ng mga ito ang ginagawa ni Ma'am Nimfa na may kinalaman sa kanya.

Nag-ikot-ikot na lang siya ilang oras na lang tapos na ang klase para sa araw na iyun.

Huminto siya sa ilalim ng punong mangga. Nakakatuwa na isipin na hindi pinaputol ang mga puno sa paligid.

Hindi pa man niya nakikita ng personal si Ms.Mia-Ashly Esferial hinahangaan na niya ito. Marami na siyang magagandang bagay na naririnig mula sa kapwang guro niya kahit na kahit sino sa kanila na wala nakakakita rito.

Hmm,ilang taon na kaya ito?

May balak kaya ito na magpakita sa publiko?

Marami ang nasasabik na makita ito ng personal at isa na siya roon.

Bumuga siya ng hangin at nilanghap ang hangin. Sariwang hangin,salamat sa papanatiling nakatayo ang mga puno.

"Sir Axel Jax," anang ng isang boses.

Agad na pumihit siya sa pinagmulan ng boses na iyun.

"Good afternoon,ma'am.." agad na pagbati niya rito na si Ms.Rostov pala iyun.

Agad na natuon ang mga mata niya sa bitbit nitong kahoy na may pabilog na net sa dulo at isang plastic bag.

Napukaw siya ng mahina nitong pagtawa.

"Pinasusungkit kasi ko ng mangga ni Boss eh!"anito sa natatawang turan.

Tiningala niya ang punong mangga. Hitik na sa bunga ang puno. Kung ganun mahilig pala sa mangga si Ms.Esferial kaya naman pala hindi ito pinaputol. Napangiti siya sa kaisipan iyun at sa nalaman na iyun.

Namamangha pa rin na napangiti siya.

" Ako na manunungkit,Ma'am Valerie,mas malalaki kasi sa bandang taas,"boluntaryo niyang pagtulong rito.

"Oh sure! Tamang-tama matangkad ka kaya maaabot ng panungkit sa bandang itaas,"agad nito pagpayag.

Nakangiti na kinuha niya rito ang tatlong dipang panungkit na kahoy na gawa sa kawayan.

" Naku,Salamat,Sir Axel Jax ha,matutuwa nito ang mahal na prin--uh,I mean ni Boss,mga pahinog na!"anito na tuwang-tuwa sa mga nasungkit niyang hinog na mga mangga.

Nakangiti na tinanguan niya ito.

"Pwede ba akong magtanong ng medyo personal?" aniya bago ito makaalis at naglakas na siya ng loob na magtanong rito.

"Sige,ask away.." nakangiti nito turan habang binubuhol nito ang plastic.

"Matanda na ba si Ms.Esferial?"kuryuso niyang pagtatanong.

Natigilan ito saglit at kinakaba niya iyun pero bigla ito tumawa ng mahina na may lambing.

Bintbit nito ang plastic na puno ng mangga at ang panungkit. May ngisi sa mga labi nito. Siya naman. Biglang napahiya sa itinanong niyang iyun. Masyado bang mapangahas ang naging tanong niya?

" Hmm..dahil tinulungan mo ako manungkit ng mga mangga niya sasagutin kong yan tanong mo,"nakangiti nitong sabi.

Lihim siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nitong iyun. Akala niya magagalit ito sa pagtatanong niyang iyun.

"She's only in 30's," anito at agad na tinalikuran siya.

Napaawang ang mga labi niya.

Ganun pang kabata ang may-ari ng Esferial University?!

Hindi siya makapaniwala sa nalaman iyun. Ang alam ng lahat matanda na ang may-ari ng Esferial University.

Kung ganun,kaedad lang niya si Ms.Esferial?!

Damn!

Dalaga pa kaya ito?

May asawa na kaya at anak?

Hell,gusto tuloy niyang habulin si Ms.Rostov para magtanong ulit. Mas lalo lang tuloy siya nacurious sa tunay na pagkatao ni Ms.Esferial.

Pumihit siya pabaling sa kinaroroonan ng pribadong opisina ni Ms.Esferial.

May nag-uudyok na sa kanya na alamin kung sino ba talaga si Ms.Esferial.

Pero syempre hindi pa nababaliwa para gawin ang  bagay na yun. Mas malalagay lamang siya sa alanganin sitwasyon. Nasira na ang reputasyon niya bilang guro at hindi na niya dadagdagan pa yun.

Dapat makuntento na lamang siya sa nalaman niyang iyun.

Kinabukasan,habang naghihintay ng klase niya nakipagkwentuhan sa kanya ang dalawa guro na tulad niya ay naghihintay rin ng oras para sa klase nito.

"Malapit na ang anibersayo natin dito,magpapakita na kaya satin si Ms.Esferial?"anang ng isang guro na may makapal na salamin sa mata.

"Umasa ka pa! Ilan taon na ko nagtuturo rito hindi naman nagpapakita yun. Minsan nga iniisip ko na baka si Ma'am Valerie si Ms.Esferial, alam niyo yun. Kahit sino makakapansin na hindi lang siya basta Dean lang kahit ang simple lang niya kumilos at manamit,"hinuha naman ng maliit na guro na siyang palagian nagmumula ang ingay at tsismisan.

Napangiti siya. Sabagay kung wala ka naman talagang ideya kung sino talaga si Ms.Esferial mapapaisip ka na lang kung sino at pwede mong maisip ang isang tao na palagi mong nakikita.

"Matanda na siguro yun noh?"

Napukaw siya sa pagtatanong niyun ng isang guro na may salamin sa mata.

"Malamang. Lahat naman may-ari ng mga ganitong pag-aari,eh matatanda na talaga"tugon ng isang guro.

"Paano kung bata pa si Ms.Esferial?"bigla niyang pagsabad sa mga ito.

Sabay na napabaling sa kanya ang dalawang guro.

Nagkibit siya ng balikat sa mga ito.

"Bakit,Sir Jax,nakita mo na si Ms.Esferial?"anang ng nakasalamin na guro.

Agad na umiling siya sa tanong nito. "Hula ko lang. Sa maynila kasi maraming negosyante na ang babata pa,"komento niya.

Tumango-tango ang dalawang guro. "Sabagay. Pero malay natin matanda na talaga si Ms.Esferial, "saad ng maliit na guro.

Tahimik na ngumiti na lamang siya sa sarili. Siya lang ang kauna-unahang tao na nakakaalam sa tunay na edad ni Ms.Esferial!

He keep it to himself lalo pa nga pinagkatiwalaan siya ni Ms.Rostov na sabihin rito ang edad ni Ms.Esferial kahit alam niyang wala siyang karapatan malaman iyun.

Sana hindi lamang ang edad nito ang malaman niya. Sana makita na rin niya ito ng personal.

Ang pagiging kuryuso niya ay nahaluan na ng excitement. Paano kaya kung siya lang din ang unang tao na makakakita kay Ms.Esferial?!

Eh di ikaw na ang pinakamswerteng nilalang sa buong mundo!

Sana dalaga pa ito!

Lihim siyang natawa sa naisip niyang iyun.

The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon