SYNOPSIS
Si Lucas William Gomez ay isang gwapo, matalino, at campus crush kung ituring sa kaniyang paaralang Phillip University na pagmamay-ari ng magulang niya. He's a spoiled brat. Typical bad boy na mayaman kung tignan. Lahat ng gusto ay kaya niyang makuha sa isang iglap lamang. Ganoon siya pinalaki ng kaniyang mga magulang.
He's a monster. Daan-daan na ang babaeng kaniyang nareject. Kung gusto niya naman sa mga ito, sa huli ay hindi rin nagtatagal. Manakit at magpaiyak na ata ng babae ang kaniyang inaaral sa kaniyang buhay.
The monster he has been building up was destroyed noong bumalik ang kaniyang kababatang kaibigan. Hindi niya inaasahan na sa paglipas ng ilang taon ay magagawa pa nitong magpakita sakaniya na para bang wala lang ang lahat. Galit? Tampo? Lungkot? Hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman niya ngunit nangibabaw sa lahat ng iyon ang PAGHIHIGANTI.
Cold send shivers on him ng malamang niyang hindi nito maalala kung sino siya. Ganoon na lang ba kadali para rito ang nangyari? Ayon lamang ang tanging bumabalot sakaniyang pag-iisip. Ngunit, hahayaan niya ba ang puso na mabalot ng galit para sa kababatang unti-unti niya ng minamahal? Kaya niya bang ipagpatuloy ang nasimulang paghihiganti kahit pa nalaman niya naman na ang rason kung bakit hindi nito maalala ang kanilang pinagsamahan.