CHAPTER 2

21.4K 571 26
                                    


CHAPTER 2

JV'S POV

"Gusto mo ba matikman ang Lucas Jr. ko?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, malakas ko siyang tinulak kaya napaatras siya.

"Anong pinagsasabi mo? kadiri ka!" Singhal ko sa malibog na lalaking 'to.

"Sus, kanina ka pa nga nakatitig sakin pinagnanasaan mo ata ako e" Wow! ang hangin grabe. saang lupalop ba nito nakuha yung kayabangan niya.

"Ang kapal mo naman mokong, sa pagkakatanda ko ikaw ang nakatitig sakin hanggang matapos yung subject natin." Kainis tong mokong na 'to kadiri siya. Pervert.

"Pwede mo namang hilingin, hindi naman ako madamot" saad nito staka tinaas ang polo, napatingin naman ako dun at nakita ko ang pandesal sa katawan niya. Bakit ba kasi bigla bigla niya nalang tinataas.

Baka kung ano pang mangyari kaya tinulak kona siya sabay takbo sa labas, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makalayo ako sa lalaking yun. Nakakainis kadiri tikman ko daw yung ano niya yung ano basta alam niyo nayun.

Nakakainis unang araw ko palang ganun na agad mangyayari nasira tuloy araw ko. Kala ko pa naman mae-enjoy ko ang unang araw ko sa school na'to. Tumungo nako sa cr at naisipang bumalik na sa room para sa next subject ko, habang naglalakad ako bigla nalang ako mapatid, napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga tao na nagtatawanan. Nakakahiya. Tinignan ko kung sino yung taong nagharang ng paa ng dahilan ng pagkatisod ko.

Paglingon ko nakita ko si mokong na tumatawa, kasama yung mga kaibigan niya. Nakakainis. Tumayo nalang ako at tumakbo palayo sakanila dahil parang maiiyak nako sa kahihiyan kabago bago ko palang sa school ang lampa lampa kona agad.

Pagbukas ko ng room nakatingin silang lahat sakin at parang nagpipigil ng mga tawa, dumako ang tingin ko sa board na may nakadikit na print ng mukha ko at nakalagay doon ay "Jake want's my dick" gusto kong sumigaw sa galit dahil sa nakita. Nakakainis na, may araw din yung mokong nayun sakin, tinanggal ko ang print sa board at pinunit sabay tapon sa basurahan lalong lumalakas ang tawanan nila kaya hinayaan ko nalang. Kaya mo yan Jv!

Bumalik nalang ako sa upuan ko at tinago ang mukha, bwiset talaga yung mokong na lucas na yun ang sama sama ng ugali wala naman akong ginagawa sakanya staka wala akong pake kahit siya pa anak ng may-ari nitong school.

Pumasok na sa room namin si prof at nasa tabi ko nanaman ang lalaking nagpahiya sakin kanina, nakangiti pa ang loko at kinindatan pako. Diko siya pinapansin at binalik ang tingin sa harap ng may inabot siyang papel. Tinitigan ko siya ng masama bago ko binuksan ang papel na inilapag niya sa desk ko. Nakadrawing dun yung nasa pagitan ng dalawa niyang hita at nakasulat ang "Subo muna" ang bastos talaga!

Tinignan ko siya ng masama pero nagtawanan lang silang tatlo, hindi ko pa pala nasasabi yung pangalan ng dalawang kaibigan ng mokong na ito.

Una si Miguel Cruz, matalino, matangkad, matangos ang ilong, moreno, singkit ang mga mata, at narinig ko na siya daw ang pinakamabait sa tropa nila at basketball player.

Yung isa naman ay si Seth Lopez siya daw ang pinakababaero sa tropa nila, papalit palit daw siya ito girlfriend kada araw o linggo, at moreno din ito at basketball player din.

Syempre ang pinakahuli si Lucas William Gomez, matalino, captain ng basketball team dito sa school, siya daw ang pinakagwapo sa group nila at siya ang leader ng group.

Hambog, Mayabang, Pervert.

Habang nagtatawanan sila diko namalayan na nakatingin na pala samin ang lahat pati si ma'am. Mr. Salazar and Mr Gomez may problema ba?" Napatingin ako kay Lucas bago sumagot.

"Ah- Eh- Wala po ma'am" nahihiya kong sagot.

Bigla naman nagsalita si mokong na ikinagulat ko. "Ma'am nananahimik po ako at nakikinig sainyo kaso si Jv kinukulit ako, gusto niya daw ako tikman kaso di ako pumayag, kanina nga after nung first class sineduce niya ako" Nanlaki ang mga mata ko. Anong pinagsasabi niya?Anong sineduce ko siya? Sa pagkakatanda ko siya ang nagsabing tikman ko yung Jr niya, tumingin naman ako sa paligid at lahat ng mata nila nakatingin sakin habang nagtatawanan. Lupa kainin mo nako ngayon din.

Tuloy padin ang tawanan nila at diko na maiwasan pigilan ang luha ko.

"Gay ka pala Jake"

"Inaagaw mo pa samin si Fafa Lucas"

"Bumigay na si gurl

"Kapal naman ng mukha mo, gusto mo pa tikman si Lucas ko"

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa paligid. Tinignan ko siya at nakangisi pa ang loko habang yung dalawa niyang kaibigan tawa ng tawa.

"Mr salazar totoo ba yung sinasabi ni Mr Gomez?"

"Ma-am, h-hindi po to-totoo yun gumagawa lang po siya ng kwento" Pagdepensa ko pero sumingit ulit si mokong.

"Bat naman ako gagawa ng kwento aber? Gusto mo natungin pa natin si Miguel at Seth, diba nakita niyo yun?

"Oo nakita namin yun" saad ni Miguel.

"Narinig ko din na hinahaya mo si Lucas kanina sa CR" singit ni Seth.

"Mr-Sala-" hindi kona pinatapos ang sinabi ni maam, tumakbo ako palabas ng kwarto dahil tulo na ng tulo ang luha ko. Puro kahihiyan ang nangyari sakin ngayong araw, nakakabwiset talaga yung lalaking yun gumawa pa ng kwento.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakakita ako ng puno at walang tao dun, umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko staka umiyak ng umiyak. Lahat sila tingin sakin malandi na gusto kumain ng saging ng lalaki.

Bigla naman akong nakakita ng anino sa tapat ko balak ko sanang wag tignan pero dahil sa kuryosidad inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yun. Napanganga ako sa taong nakita ko.

"Panyo oh, punasan mona yang luha mo" saad ng lalaki sabay ngiti sakin.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon