CHAPTER 28

11.2K 247 37
                                    


CHAPTER 28

JV'S POV

Nagising ako dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko. Pinalibot ko ang mata sa napakalaking kwarto na kulay itim at puro mamahalin ang gamit. Mga ilang minuto ako nakatulala bago naalala ang nangyari kagabi, napabaling naman ako sa katabi ko at nakita ko si Lucas na mahimbing na natutulog.

Nakakahiya ang nangyari kagabi sigurado akong wala akong mukhang mahaharap kay Lucas nito. Inapak ko ang mga paa ko sa sahig para sana lumabas ng kwarto ng makaramdam ako ng sakit sa butas ng pangupo ko. Napamura nalang ako sa sakit dahil diko kayang maglakad kahit makatayo ay diko kaya.

Wala akong nagawa kundi bumalik sa pagkahiga at matulog nalang ulit pero nanatiling buhay ang diwa ko at paulit ulit pumapasok sa isip ko ang nangyari samin ni Lucas kagabi. Napabaling ulit ako sa katabi ko na tulog parin. Napangiti nalang ako habang nakatitig sa gwapong katabi ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sakin kahapon na mahal niya ako nuon pa. Gusto ko din sabihin na mahal ko siya pero natatakot ako at baka hindi naman talaga siya seryoso sakin.

Natigil ang pagiisip ko ng marinig ko ang boses niya.

"Baka matunaw nako sa kakatitig mo sakin" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Gising naman pala siya. Bakit diko man lang narandaman?

Hinampas ko ang dibdib niya. "Wag ka ngang nanggugulat ng ganun" Sabi ko sabay alis sa kama kahit masakit parin at diko kaya tiniis ko para lang di makita siya mokong. Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa na lalo kong ikinasimangot.

Pero dahil sa sakit ng pangupo ko, natumba ako pero bago ako mapunta sa sahig may mga brasong sumalo sakin. Nakita ko si Lucas na nakakunot ang nuo.

"Bakit kaba umalis sa kama? Masakit ba ang butas mo?" Tanong niya sakin habang nakakunot ang mga nuo.

Hindi ako sumagot sa halip naglakad ulit ako at sinubukang makalabas ng kwarto pero wala din nangyari, natumba lang ulit ako pero sa pangalawang pagkakataon sinapo nanaman ako ni Lucas at binuhat ako at inihiga sa kama.

"Baby, tinatanong kita. Masakit ba ang butas mo?" Ulit niyang tanong habang hawak ang kamay ko.

Tumango ako sabay irap sakanya. "Oo, kasalanan moto eh dapat kasi di mangyayari yung nangyari kagabi. Kasalanan mo kaya di ako makalakad." Singhal ko sakanya.

"Di kaba masaya sa nangyari? Napilit ba kita? Sorry diko naman sinasadya." Natulala ako sa sinabi niya. Di tuloy ako makatingin sakanya dahil maling mali ang sinabi ko. Pumayag ako sa gusto niya ng buong puso at walang pagaanlinlangan.

"Dito kalang kukuha lang ako ng pagkain mo dahil alam kong gutom kana." Tinuro naman nito ang isang closet na malapit sakanila. "Diyan nakalagay ang damit ko maligo ka pagtapos mong kumain at kumuha ka nalang ng damit diyan." Sagot niya ng walang emosyon at di man lang tumingin sakin. Galit ba siya? Gusto kong sabunutan ang sarili ko, dahil sa sinabi ko kanina kaya siya nagalit.

Napatingin nalang ako sakanya habang lumalakad palayo sakin. Bakit koba kasi siya sinisi eh ginusto ko naman ang nangyari.

Ilang minuto ang lumipas ng bumalik si Lucas at may dalang Tray na puno ng pagkain.

"Kumain kana para may laman yang sikmura mo" Saad niya ng wala paring emosyon na nakikita sa mata at di parin tumitingin sakin.

Fried Rice, Hotdogs, Egg, Sandwich and Pancakes.

Yummy.

Kakain na sana ako ng mapansin kong di kumakain si Lucas at abala ito sa cellphone.

Nakakahiya man pero nilakasan ko ang loob para magtanong. "Kumain kana?"

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon