A|N: Before reading this story, be warned na may incorrect grammars and incorrect spellings na present dito.
CHAPTER 1
JV'S POV
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto ng aking kwarto.
Binuksan ko ang pintuan, nakita ko si Mama at ang bunso kong kapatid na si Jane.
"Anak anong oras na diba ngayon ang first day mo sa bago mong school?" Tinignan ko ang alarm clock sa tabi ng kama ko 6:30 na pala 30 mins nalang magsisimula na ang klase, kumaripas ako ng takbo sa cr at naligo pagtapos maligo ay nagbihis nako. Agad ako bumaba at palabas na sana sa pinto ng tawagin ako ni mama.
"Anak kumain ka muna" haya sakin ni Mama at dahil malalate nako tinanggihan ko nalang si Mama kahit labag sa kalooban ko.
"Ma dun nalang po ako kakain sa school, malalate napo ako kapag kumain pako." nginitian ko si mama.
"Sige anak ingat ka" Sabi ni mama at hinalikan ako sa pisngi.
"Bye kuya" Singit ni Jane. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na dahil malalate nako.
Sumakay agad ako ng jeep medyo may konting kalayuan pero okay lang. Habang nasa byahe pumasok nanaman sa isip ko ang dahilan kung bakit bago nanaman ang school ko.
Flashback
"Anak anong nangyari sayo? bakit puro pasa ka?" tanong sakin ni Mama habang hinahaplos ang pisngi ko. Yari nanaman ako kapag nalaman nila ang totoong dahilan.
"Ma, wala lang yan bumangga lang ako sa bakal kaya ako nagkapasa" pagsisinungaling ko. Umiwas ako ng tingin para hindi ako mahalata ni Mama na nagsisinungaling.
"Jv, wag mo nga akong pinagloloko. Alam kong hindi aksidente tong mga pasa sa mukha at katawan mo, pupunta tayo sa school mo kailangan malaman ko kung sinong may gawa niyan" Sabi ni Mama na ikinabahala ko naman dahil baka ano pang mangyari. Ayoko ng magkagulo kaya mas mabuting manahimik nalang at kalimutan ang nangyari.
"Ma hindi na kailangan, kaya ko naman ang sarili ko at kakayanin ko" sabi ko pero parang di naman naniniwala si mama.
"Tatawagan ko ang papa mo kailangan malaman niya ang nangyari sayo." Nilabas nito ang cellphone sa bulsa saka nagsimulang mag-dial.
Patay ako nito, ang kinakatakutan ko kapag nalaman to ni papa siguradong magkakagulo. Bahala na magagalit nanaman yun at papalipatin nanaman ako ng school.
End of Flashback
Ayun na nga ang nangyari pinalipat ako ng school at dito nako nag-aaral sa Philip University ngayon.
Mahilig ako magluto bata palang ako tinuruan nako ni Mama. Si papa kasi hindi magaling sa pagluluto kaya kay Mama ako natuto. Mahilig din ako magbasa ng libro.
Niyuko ko ang ulo ko at sumilip sa bintana ng jeep, malapit na at natatanaw kona ang destinasyon ko. Bumaba na agad ako at nakita kona ang napakalaking eskwelahan sa harap ko.
Natulala ako ng ilang segundon, hindi ko alam na ganto pala kaganda ang paaralan na ito. Pumasok na ako sa gate at tinignan ang id ko at nagcheck ng bag bago ako pinapasok.
"Welcome to Phillip University, sir" nakangiting bati ni manong guard. Ngumiti nalang ako pabalik.
Pagpasok ko nilabas ko na agad ang COR ko o yung Certificate of Registration.
Building Oregon
Room A - 101
Section 1 - Perth
7 buildings yung nandito paano ko kaya mahahanap ang room ko sa sobrang laki nitong school na ito, bahala na magtatanong tanong nalang ako. After a minute nakita ko narin ang hinahanap ko.