CHAPTER 21JV'S POV
Umuwi ako ng maaga para makagawa ng banner at napagisipan kong dalawa ko nalang silang gagawa para walang gulo kakapalan ko nalang mamaya kahit nakakahiya.
Pero baka kung ano ano sabihin sakin ng mga babae dun mamaya sabihing pinagsasabay kopa sila.
Kaibigan lang naman kaya ok lang yun hayaan ko nalang sila staka kasama ko naman si renzo.
Makalipas ang 1hr natapos ko din yung ginagawa kong banner nilagyan kopa ng design para naman hindi magmukhang binilisan lang.
Habang nagliligpit ako ng gamit may kumatok naman sa pinto ng aking kwarto.
Pasok....
Nakita ko si mama na may hawak na isang baso ng gatas .
"Anak inom ka muna bago ka matulog"
Ininom ko naman agad.
"Kamusta naman sa school mo? wala ka nabang problema?" tanong sakin ni mama.
"Wala naman po ma hindi na katulad ng dati" kahit meron paring nagbubully kaya ko naman na ipagtanggol yung sarili ko.
"Mabuti naman staka tumawag pala sakin ang papa mo kanina malapit na daw siyang umuwi" nagulat naman ako sa sinabi ni mama, talaga? uuwi na si papa? 6 years din namin siyang hindi nakasama.
Kaya naman sobra ang ngiti ko sa wakas uuwi narin si papa sobrang miss ko na kasi siya lalo na mga bonding namin.
"Sige na matulog kana diba sabi mo manunuod kayo ng laban sa school niyo bukas?"
"Opo ito nga po yung banner na ginawa ko" pinakita ko naman kay mama yung banner na ginawa ko parang nagulat naman siya sa nakita niya.
"Bat dalawa ginawa mo?" bigla naman niya kong nginitian.
"Eh dalawa po kasi silang may gusto syempre kapag si kevin ginawan ko magagalit sakin si lucas kapag si lucas magagalit naman si kevin kaya dalawa nalang ginawa ko.
"Ganun ba pero matanong ko lang sino ba mahal mo sakanila?" nagulat naman ako sa tanong ni mama sakin.
"Mahal? hindi ko pa alam ma eh"
"Sige na nga staka mo nalang sabihin sakin kapag sigurado kana basta tandaan mo follow your heart"
Lumabas naman si mama ng pinto at pinatay kona ang ilaw sa lampara.
•••
Ginising naman ako ni renzo.
"Pinsan gising na"
Tumayo naman ako at siya nakatulala.
"Oh bat ka nakatulala diyan?"
"Wala lang kasi kapag ginigising ka humihirit kapa ng 5mins pero ngayon bangon agad"
"Ok na yun staka para makapagayos narin ako"
"Sus papaganda ka lang para kapag nakita ka ni lucas at kevin, haba talaga ng hair ng pinsan ko natapakan kona" tumawa naman ako sa sinabi niya.
Tara na nga kumain na tayo nagugutom nako.
Natapos naman ako kumain agad nagayos narin ako.
"Ma alis na kami"
"Wala atang sumundo sainyo?"
"Syempre ma naghahanda sila sa laban mamaya kaya hindi na kami nasundo staka kaya naman namin pumasok"
"Oo nga po tita" singit naman ni renzo.
"Sige na umalis na kayo baka matraffic pa kayo.
•••
Nakarating na kami sa school at ang daming tao may ibang uniform siguro sa kabilang school to dito kasi gaganapin sa school namin yung laban.
Pumunta na muna kami ni renzo sa locker para ilagay yung mga gamit namin para makapunta na sa gym.
Naglalakad naman kami ni renzo ng biglang magsitabihan yung mga tao at nagtilian naman yung mga babae at bading.
Nakita ko naman ang limang lalaki na nakapang basketball uniform siguro sila na yung kalaban ng school namin.
Nakatulala lang ako hindi ko namalayan na hinahatak pala ako ni renzo patabi pero nakatulala parin ako kaya naman nagkabanggaan kami nung lalaking nasa harap nila.
"Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong tumilapon" napatayo naman ako sa sinabi niya nakakatakot naman tong lalaki nato.
Kaya naman tumabi nalang ako para wala ng gulo.
"Pinsan bat kaba kasi nakatunganga sa gitna binangga ka tuloy nung lalaking yun"
"Wala hindi ko din alam"
"Tara na nga baka madami ng tao dun maubusan pa tayo ni upuan"
Nagtungo na kami sa gym at naupo madami dami naring tao.
"Nakakaloka ang daming tao kanina pa tayo nakikipagsiksikan buti nalang nakaupo na tayo" pagrereklamo ni renzo.
"Ok lang yan basta nakaupo na tayo ngayon"
5mins din kaming naghintay bago maglabasan ang mga player.
Unang lumabas si Liam 08 ang numero niya sa jersey nagtilian ang mga babae pogi din naman siya at medyo matangkad.
Susunod naman si John 20 ang numero niya sa jersey ang lakas ng hiyawan ng mga babae.
Sumunod sakanya si Seth 11 sakanya grabe ang tilian ng mga babae at bading ang dami niya ring banner.
Next namang lumabas si Kevin 02 sa jersey niya sobrang lakas ng tilian din.
At huli si Lucas 07 sa jersey niya grabe ang tilian ng lahat para guguho ng ang gym sa sobrang ingay sabagay siya ang captain ng team nila.
Sumunod na tinawag ay yung sa kabilang school.
Si Oliver ang unang tinawag 10 ang nasa jersey niya madami ding tumuli maputi naman siya at medyo matangkad.
Sumunod si Matthew 03 ang nasa jersey niya moreno ito at matangkad.
Next si Jacob 27 ang nasa jersey niya madaming tumili at madami din siyang banner maputi ito at may salamin.
Makakalaro kaya siya ng may salamin? pano kapag nabasag? tanong ko sa isip ko.
Sumunod na lumabas si Luke 19 and nasa jersey nito maputi din siya at matangkad.
At ang huli ang captain nila si Ethan 23 ang nasa jersey niya sobrang lakas ng tilian ng mga tao nung lumabas siya maputi ito at same lang sila ng tangkad ni lucas.
Matapos tawagin lahat nagsalita ng yung lalaki.
"LET'S GET READY TO RUMBLE"