CHAPTER 27

10.6K 307 15
                                    


CHAPTER 27

LUCAS POV

Diko alam kung paano sisimulan. Kung paano ko sasabihin kung sino ba talaga ako, Kung sino ba talaga kamI noon sa buhay niya.

"Anong bang pinagsasabi mo Lucas, Di talaga kita maintindihan. Anong kailangan kong malaman?" Bakit ba kasi di niya ako maalala? May nangyari ba? O baka naman sinasadya niya lang at nagpapanggap siya na di niya ako kilala. Masakit, Sobrang sakit.

Napasinghap ako. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan noon?" Paninigurado ko bago ko sabihin sakanya kung sino nga ba talaga ako sa buhay niya noon.

Napailing siya. "Hindi talaga eh, siguro dahil toh sa aksidente kaya nawala ang memorya ko" Napatulala ako sa sinabi niya. Aksidente?

Pinagpapawisan na ako dahil sa nalaman ko. "A-aksidente?"

Tumango siya. "Oo, sabi sakin yun ni mama at papa. Naaksidente kami nung pauwi na kami dito sa pilipinas, Sabi sakin ni mama sabi daw ng doktor 90% ng memorya ko ang nakalimutan ko." Napabuntong hininga siya. "Ang tanging naaalala ko lang ay ang pangalan ko, pangalan nila mama at papa tapos wala ng iba pa." Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya na parang sobrang tagal niya nang dinadamdam iyon.

"Bakit dimo sinabi sakin agad?" Umiwas ako ng tingin. "Kung alam kolang edi sana di kita ginaganun dati. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil akala ko kinalimutan mo nako ng walang sapat na dahilan."

Tumingin ako sakanya at nahuli kong nakatitig siya sakin.

"Sino kaba talaga Lucas?" Tanong niya sakin. Sasabihin ko naba? Diko alam kung ngayon naba ang tamang oras pero ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Kaya moto Lucas!

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Ako si Lucas yung saviour mo nung bata pa tayo, nakilala kita dahil magkapit-bahay tayo dati unang kita ko palang sayo parang ang gaan na ng loob ko." Binasa ko ng laway ang mga labi ko bago magpatuloy. "Lagi kitang nakikita sa school at palagi kang binubully kaya ako naman ay todo rescue, dahil ayokong nakikitang sinasaktan ka nila. Ginawa ko lahat maging magkaibigan lang tayo hanggang sa naging magbestfriend na."

"Palagi tayong magkasama, Pumasok, Umuwi, Kumain, Maglaro lahat lahat na ng gawain ay palaging sabay tayo, at ang paborito nating puntahan ay sa park. Naaalala mo paba si manong? Sakanya tayo lagi bumibili ng ice cream pero binibigay niya satin ng libre, sabi niya bagay daw tayo sa isa't isa. Di naman natin pinansin yun dahil baka nagbibiro siya. Walang araw na di pwedeng mawala ang isa, Hanggang sa dumating si Kevin naging magkakaibigan tayong tatlo." Umiwas ako ng tingin sakanya. "Napansin ko na konti nalang yung oras mo sakin, may kaagaw nako sa oras mo diko alam bata pa tayo nun pero tingin ko nagseselos ako. Sobrang saya ko kapag wala si kevin pero kapag nandiyan siya inis na inis ako. Isang araw nangako ka sakin na di moko iiwan na sabay tayo magtatapos ng pagaaral, kahit mga bata pa tayo nun pinanghawakan ko ang sinabi mona di moko iiwan na ako lang ang nagiisang bestfriend mo."

Diko napansin na may pumatak na pala na luha ko na agad ko namang pinunasan. "Hanggang sa isang araw sabay tayo umuwi dinala kita sa park, Kumain tayo ng ice cream hanggang sa may dumating na sasakyan lumabas dun ang isang lalaki. Tumakbo ka sakanya sabay sabing Papa, may sinabi siya sayo na diko narinig dahil malayo ang inuupuan natin. Pumasok ka sa kotse ng di man lang nagpapaalam sakin, akala ko umuwi kalang pero yun na pala ang huli nating pagkikita. Araw araw akong pumupunta sainyo pero ang sabi wala na kayo dun."

Tumulo nanaman ang isang butil ng luha ko. "Di ako naniwala kasi sabi mo dimo ko iiwan, naniwala ako kaya diko pinansin ang sinasabi nila, araw araw pumupunta ako sainyo nagbabakasakaling umuwi na kayo na baka may pinuntahan kalang. Araw araw din akong naghihintay sa school sa park hanggang sa umabot ng taon, nagsawa nako kahit isang salita wala akong natanggap diko alam kung bakit bigla ka nalang nawala ng walang paalam. Sinasabihan nako ng mga magulang ko na nababaliw na pero diko sila pinansin umasa lang ako ng umasa pero tama sila nababaliw nako, umasa lang ako sa wala." Tumingin ako sakanya at napansin kong umiiyak din siya, Nilagay ko ang palad ko sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. "Sobrang sakit jv, sobrang sakit na yung bestfriend ko na nangako sakin, iniwan ako ng biglaan ng di man lang nagpaalam na kahit isang sulat wala."

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon