CHAPTER 29

9.5K 265 31
                                    


CHAPTER 29

JV'S POV

Nagising ako sa isang puti na silid. Pinikit ko ulit ang mata ko dahil malabo ang nakikita ko.

Ilang segundo ang pinalipas ko bago ko ulit minulat ang mga mata ko.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at si Lucas iyon. Nakita ko din ang pamilya ko at pamilya ni Lucas sa kwarto.

"Ok naba ang pakiramdam mo, baby?"

"B-bat ako n-nandito? Anong n-nangyari?" pagiba ko ng usapan.

"Hinimatay ka habang pauwi ka sa sainyo" si Lucas ang sumagot.

Pumikit ako at inaalala ang mga nangyari kung bakit ako hinimatay pauwi.

Ilang segundo at nagsink-in din sa utak ko ang nangyari kagabi.

Si Kevin.

Okay lang ba siya? Maayos ba siya? May masama bang nangyari sakanya?

"Nasan si Kevin?" Naghintay ako ng sagot pero wala akong narinig na tugon.

Sinubukan kong bumangon pero nakarandam lang ako ng pagkahilo.

Inalalayan niya ako para humiga. "Baby wag ka munang bumangon. Dipa masyadong maayos ang lagay mo."

"Lucas nasan si Kevin?"

"Ma, Pa, Jane nasan si Kevin?"

Ilang minuto ako naghintay ng sagot pero nanatili silang walang imik at di makatingin sa mga mata ko. Kahit na si Lucas.

Magsasalita na sana ako ulit ng pumasok si Renzo at Seth na magkahawak ang kamay.

Diko pinansin yun dahil nakatuon padin kay Kevin ang iniisip ko.

"Gising kana pala pinsan" saad ni Renzo na nakahawak padin ang kamay kay Seth.

Sila naba?

"Pinsan, sagutin moko. Nasan si Kevin?" pagiba ko ng usapan. Hinawakan ko siya sa kamay at naghihintay na sagutin niya ako.

"Wala na siya. Patay na si Kevin" si Lucas ang nagsalita pero di parin tumitingin sakin. Lahat ng balahibo ko nagsitaasan at nanlamig ang buo ko katawan. Nanginginig din ang kamay ko sa narinig.

"Nagbibiro kalang diba? Hindi patay si Kevin"

"Patay na siya baby. Tanggapin nalang natin ang nangyari"

"Bakit ba ang dali nalang sayong sabihin yan? Naging magkaibigan din naman kayo ni Kevin ah. Baka siguro plinano mo 'to?" singhal ko kay Lucas. Nakita ko namang nagtagis ang bagang niya at puno ng galit ang mata.

Nagulat din ako sa lumabas na salita sa bibig ko.

"Ganyan ba tingin mo sakin ah? Papatayin ko siya para lang masolo ka? Ganun ba gusto mong palabasin?" ani Lucas na walang emosyon sa mga mata.

"Anak kumalma ka makakasama sayo yang ginagawa mo" singit ni Papa sa usapan.

"K-kasalanan ko 'to. Niligtas niya lang ako, dapat ako yung nanduon eh. Dapat ako yung mabubunggo"

Pumasok nanaman sa utak ko ang nangyari kagabi. Parang nagslow motion ang palagid at nakita ko si kevin na puno ng dugo.

Bumungtong hininga si Papa. "Anak walang may kasalanan sa nangyari. Hindi mo kasalanan yun"

"Sabi ng doctor malakas daw ang impact ng pagbangga sakanya at tumama ang ulo niya sa sahig at maraming nawalang dugo kaya hindi na siya naisalba" saad ni Papa.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon