CHAPTER 14

11.4K 315 5
                                    


CHAPTER 14

JV'S POV

Nakarating ako sa park at umupo dun sa bakanteng upuan ng biglang... May humawak sa balikat ko humarap ako para tignan kung sino yun.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Hahatid kana bat kaba tumakbo ah dahil ba sinabi kong pangit ka? joke lang yun" sabi niya sakin ng nakangiti. Joke moto.

"Nakakainis ka kasi sinigawan mo pa ako at ininsulto pa"

"Tara na hahatid na kita"

"Mamaya na dito muna ako" ang ganda kasi ng view oh tignan mo may sunset dito kaya ang ganda.

"Edi samahan na kita"

"Paano si renzo dun maghihintay yun"

"Hayaan mo na siya dun makakapaghintay yun"

Tumabi siya sakin sa upuan kung saan ako nakaupo.

"Tignan mo oh ang ganda dito" sabi ko sakanya na totoo namang ang ganda madami ding tao nandito pumapasyal, kumakain, nagpipicture at kung ano ano pa dahil sa ganda at masarap na simoy ng hangin.

"Oo nga eh sobrang ganda dati din dito ko dinadala yung bestfriend ko eh" sino kaya yung bestfriend niya baka isa kay john or seth yun.

"Nasan na yung bestfriend mo ngayon?" tanong ko sakanya.

"Umalis kasi siya nung bata pa kami pumunta sila ng ibang bansa hindi man lang siya nakapagpaalam sakin ngayon miss na miss ko na siya pero hindi niya na ata ako naalala hindi ko alam kung anong nangyari sakanya parang kinalimutan na niya ata ako" nakikita ko naman sa mata niya na seryoso siya.

"So nakita mo naba siya? nasubukan mo ng kausapin?"

"Hindi ko pa napapaalam sakanya pero nakita ko na siya at nakita niya narin ako pero mukhang iba na yung pagkakakilala niya sakin parang hindi niya nako naaalala." sino kaya yung bestfriend niya? bat hindi siya naaalala?

"Edi sabihin mo sakanya na ikaw yan para matandaan niya malay mo hindi lang namukhaan kasi matagal narin yun sabi mo bata pa kayo nun" nakangiti kong sabi sakanya.

"Hindi kopa kaya eh malay mo kinalimutan niya nako gusto ko kasi siya eh at hindi kopa nasasabi sakanya yun" nakikita ko sa mata niya ang lungkot.

"Okay lang yan may tamang panahon din para sabihin sakanya malay mo sa pahanong yun may gusto din siya sayo"

"Sana nga ganun eh pero ang labo naman ata niyang sinasabi mo" anong malabo dun ang weird nitong mokong nato ang bipolar din minsan masama tapos tumatawa tas ngayon ang seryoso.

"Anong malabo dun?" taka kong tanong sakanya.

"Wala yun tara kumakain kaba ng ice cream?"

"Oo naman favorite ko kaya yan"

"Oo nga pala" nagtaka naman ako sakanya alam niya?

"Ano yun?"

"Wala sabi ko nga favorite mo halata eh"

Hinila niya ako sa naglalako ng ice cream.

"Anong flavor gusto mo?"

"Cookies 'n' cream" favorite ko yan eh

"Hello iho ang laki muna ah nandito kana pala ulit" nagulat naman ako sa tanong ng sorbetero nandito na ulit ako kilala niya bako?

"Excuse me po magkakilala mo ba tayo?"

"Hindi mo bako natatandaan iho?" natatandaan hindi ko naman siya kilala ang weird talaga ng araw nato.

"Hindi po eh" nakita ko naman si lucas na may sinesenyas na ewan.

"Ah iba nga yun" nagtataka naman ako bakit kaya sumensyas si lucas ang gulo talaga.

Nakabili na kami ng ice cream at bumalik na kami sa upuan.

"Cookies and cream din binili mo?" favorite niya rin kaya yun?

"Oo favorite natin to nung"

"Nung?"

"Ngayon nalaman ko na same pala tayo ng favorite hehe" nakangiti nitong sabi.

Tumango nalang ako kumain lang kami ng kumain hanggang sa naubos yung ice cream namin.

Tara na hatid na kita gabi na baka pagalitan kapa.

"Sige baka kanina parin naghihintay si renzo dun"

Pagdating namin si renzo tulog na sa kinauupuan niya tumawa naman kami ng sabay ni lucas.

Nagsimula na siyang magmaneho nakatingin lang ako sa harap.

"Jv? manuod ka ng laban namin sa basketball ah malapit lapit na yun gusto ko nanduo ka" gusto niya nanduon ako para san?

"Oo naman papanuorin kita" nakangiti kong sabi.

"Gawan moko ng banner gusto ko hawak mo yun" naalala ko naman si kevin kasali pala siya sa maglalaro.

"Eh kasi" hindi ako makasagot.

"Kasi si kevin yung gagawan mo hindi ako?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganun pero baka magalit kasi siya sakin isipin niya inuuna pa kita"

"Sige okay lang siya na unahin mo" nakita ko naman yung mukha niya ang lungkot nalungkot din tuloy ako dahil hindi ko alam kung sino gagawan ko baka kasi magalit yung isa sa kanila saka nanliligaw pa naman sakin si kevin magagalit yun.

Nakarating naman kami sa bahay na walang imikan nagising narin si renzo.

"Salamat naman nakauwi na tayo ang tagal niyo ano bang ginawa niyo?"

"Wala tara na pumasok kana" pumasok naman agad si renzo si lucas ang lungkot parin.

"Salamat sa paghahatid ingat ka" hindi niya ako pinansin pumasok na siya sa kotse niya sabay alis nalungkot din tuloy ako kanina okay siya tapos ngayon ang lungkot na.

Umakyat naman ako sa kwarto ko nagbihis ng pantulog sabay higa sa kama.

Nagiisip parin ako kung parehas ko nalang kaya silang gawan kaso baka sabihin naman ng mga tao ang landi landi ko dalawa pa gusto ko eh suportang kaibigan lang naman pero nakakahiya parin yun kung dalawa sila magtataka din sakin ni kevin bakit ko siya ginawan.

Nakatulog nalang ako sa kakaisip sa kanilang dalawa.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon