EPILOGUESabi nila kapag nagmahal ka ibigay mo lahat pero kailangan mo din magtira para sa sarili mo, para kapag nasaktan ka hindi sobrang sakit.
Ang tadhana ay mapaglaro, minsan swerte sa pag-ibig kasi akala natin dumating na yung taong mamahalin tayo ng pang habangbuhay pero hindi pala. Minsan malas yung tipong walang nagmamahal sayo at feeling mo wala ng dadating.
Si kupido ang pumipili kung sino ang kapareha mo, pero minsan namamali din ng pili si kupido.
Minsan sinisisi natin ang tadhana o si kupido kung bakit siya pa yung binigay na akala natin panghabang buhay na pero iiwan rin pala tayo.
Mapapatanong nalang tayo kung kailan kaya yung the right one? May forever ba talaga? Siya naba yung forever ko?
Pero kahit gaano pa kadami ang tanong natin wala paring sagot.
Madalas nasasaktan tayo o naiinggit kapag may nakita tayong dalawang taong nagmamahalan. Mapapasabi ka nalang ng ang swerte niya naman. Sana ako din merong ganyan.
Sa pag-ibig wala ding pinipiling kasarian. Kahit ano kapa basta nagmamahal ka ituloy mo hanggang wala kang natatapakang tao.
Wag kang magpapadala sa sasabihin ng iba kasi hindi naman sila yung nagmamahal kundi ikaw.
Wag kang panghinaan ng loob. Gawin mo kung ano yung sinasabi ng puso mo, kung ano yung tinitibok nito.
Ipagsigawan mo sa mundo, wag kang matakot. Maging proud ka sa sarili mo at wag mong ikahiya yung kasarian mo.
Habang nakamasid sa asul na tubig ng dagat at ulap nakaramdam ako ng yakap. Mainit na yakap mula sa likod ko.
"Tara na sa loob mahal, kumain na tayo" naramdaman kong hinalik halikan ni Lucas ang batok ko.
Kahit lagi niya yang ginagawa hindi parin ako masanay, nakikiliti parin ako sa mga ginagawa niya.
Hinarap niya ako sakanya at siniil ng halik, halik na puno ng pagmamahal ang nararamdaman ko.
Bumalik nanaman tuloy ang mga alaala kung paano kami una nagkita hanggang sa maging kami.
FLASHBACK
Unang pagkikita
Kasalukuyan kong hinahanap ang section ko ng naramdaman kong tumama ako sa matigas na bagay.
Napatingin ako sa lalaking nabunggo ko, napatulala nalang ako dahil sa nakita kong lalaki.
Ang brown niyang buhok, ang nakakaakit niyang brown na mata, ang manipis at mapula niyang labi, ang makinis at maputi niyang balat at ang malaki niyang katawan.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya, hinahanap ko kasi--" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
"Anong hindi sinasadya, wag ka ngang tanga ang laki laki ng daanan, staka wala akong pake kung hinahanap mo yung room mo. Wag kang paharang harang sa daanan" napatulala nalang ako at napatitig sa bulto ng lalaking nakabungguan ko.
Ang sungit naman nun, gwapo nga ang suplado naman.
•••
Unang halik
"Ang tahimik mo may problema ba?" tanong ko habang nakatitig sa kulay brown niyang mata.
"Meron, ano namang pake mo?" saad niya sa mataas na tono na ikinagulat ko. Galit ba siya?
Ang sungit talaga ng lalakeng 'to. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob ng mama niya? Bakit laging masungit?
"Wala lang, gusto kolang malaman" umiwas ako ng tingin dahil hindi kona siya kayang titigan.