CHAPTER 3JV'S POV
"Panyo oh, punasan mo yang luha mo" sabay ngiti sakin ng lalaki.
Nakatitig lang ako sa gwapo niyan mukha ng bigla siyang magsalita ulit.
"Baka matunaw nako niyan" Nahiya naman ako kaya tinanggap kona ang panyo.
"Salamat sa panyo" Ngumiti lang ito.
"Bat ka pala umiiyak?" Tanong niya sakin. Sasabihin koba o hindi? diko naman siya close kaya wag nalang, baka pagtawanan pako ng lalaking 'to.
Pinunasan ko muna ang mata ko bago nagsalita. "Ahh... wala yun napuwing lang ako." Pagsisinungaling ko pero mukhang di naman siya naniniwala.
"Umiiyak ka kasi tignan mo yang mata mo namumugto at namumula" Wala ding saysay ang pagsisinungalin ko dahil halatang halata naman pala. Nakakainis kasi yung mokong na yun, hindi ko tuloy alam kung paano ako haharap sa mga classmates ko.
"Wala 'to napuwing lang talaga ako" Pagsisinungaling ko pa din kahit na halata na.
"Sure ka? pwede mo namang i-share sakin, handa akong makinig." Ngumiti ito at tumabi ng upo sakin. Mas lalo siyang guma-gwapo kapag ngumingiti.
"Hindi naman tayo close kaya wag nalang" Pagtanggi ko kahit gusto kona talaga ilabas ang sama ng loob. Nababadtrip pa din ako sa Mr. Hambog slash pervert nayon.
"Okay sabi mo eh" tumitig ito sakanya bago nagsalita ulit "Ahh... pwede ba tayong maging magkaibigan? mukhang mabait ka naman kasi" Napaawang lang ang labi ko sa sinabi niya. Isang poging lalaki makikipagkaibigan sakin? syempre sino bako para tumanggi?
"Oo naman. Ikaw palang ang una kong magiging kaibigan rito" Ngumiti ito at pinisil ang pisngi niya. Medyo masakit pero okay lang.
"I'm Kevin Cole Wilson, Building Oregon Section 1 - Perth" Sabay lahat ng kamay niya sakin. Magclassmate kami? pero bakit diko siya nakita kanina?
Tinanggap ko ang pakikipagkamay nito bago nagsalita kahit gulat pa din. "Magclassmate tayo, ang galing. Pero bat hindi kita nakita kanina?" Tanong ko sakanya.
Tumawa ito. "Talaga? hindi kasi ako pumasok kanina pinatawag ako ni coach"
"Varsity ka rin dito?" Mangha kong tanong.
"Yup. btw ano pala name mo?" Edi ibig sabihin magkakilala sila ng mokong nayon.
"Jake Vince Salazar, JV nalang para mas maiksi" Saktong tumunog ang bell at oras na ng breaktime. Nagugutom nadin ako dahil hindi ako kumain kanina.
Tumayo ito at inilahad ang kamay. "Tara sabay na tayong kumain sa cafeteria" Pagaya niya sakin. Tumango nalang ako at tinanggap ang kamay niya para makatayo.
Habang naglalakad kami ang daming mata ang nakatuon sakin este sa kasama ko pala. Kinikilig ang mga babaeng nadadaanan namin, syempre dahil kay kevin yun sobrang gwapo ba naman nitong kasama ko e kahit ako kinikilig. Di pa din ako makapaniwala na magkaibigan na kami. Kahit pala napahiya ako kanina may maganda pading nangyari sa unang araw ko dito.
Naalala ko nanaman si mokong. Mas gwapo patong si Kevin sakanya staka mabait. Si mokong naman feeling gwapo tas pervert at nambubully pa. Nawala ang nasa isip ko ng magsalita siya.
"Ang lalim ata ng iniisip mo. Kanina kapa nakatulala diyan." Nakatitig ito at naghihintay ng sagot niya.
Ngumiti lang ako at hindi na siya sinagot pa dahil nasa loob na kami ng cafeteria.
"Hanap kana ng upuan. Ako na ang o-order, libre ko narin.
Tumango lang ako. Di nako tumanggi sa libre sayang naman makakatipid pako.