CHAPTER 19KEVIN'S POV
Nagdradrive ako ngayon papunta kila jv namimiss ko na kasi siya ilang araw narin kami hindi nagkikita kaya naman nagdecision akong puntahan siya.
Hininto ko yung sasakyan ng makita ko si renzo sa tindahan kaya naman bumaba ako para kausapin siya.
"Hi renzo nandiyan ba si jv sainyo?"
"Oh nandyan ka pala oo nandiyan siya kaso" hindi niya naman tinuloy ang sasabihin niya
"Oo nanduon na sila kumakain bumibili lang ako ng softdrinks" saad niya ng mabilis.
"Ganun ba pwede bang pakituloy sainyo gusto ko lang sanang bisitahin si jv" nakita ko naman siyang hindi mapakali.
"Ah eh sure tara na" sumunod naman ako sakanya.
Nasa tapat na kami ng bahay nila may nakita naman akong sasakyan familiar tong sasakyan nato wag mong sabihin nandito siya?
Pumasok na kami sa loob hindi nga ako nagkamali nandito siya, ano kayang ginagawa niya dito?
"Jv may bisita ka" saad ni renzo nagulat naman si jv at lucas.
"Nandito ka pala anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni jv na nauutal.
"Binibisita ka"
"Ah bat hindi ka man lang nagtext o tumawag" napansin ko naman si lucas nakayuko lang hindi nagsasalita naiinis ba siya dahil nandito ako? hindi naman siguro manliligaw naman ako ni jv kaya pwede ako dito.
"Namiss na kasi kita kaya pumunta ako" sabay kindat.
"Oh tara na iho sumabay ka narin samin" singit ni tita.
Umupo nako sa tabi ni babe bali nasa gitna namin siya ni lucas sa harap naman si renzo at jane sa unahan naman si tita.
Tahimik lang kami kumakain hanggang nagsalita si lucas.
"Try mo tong hipon jv" nilagyan niya naman sa plato si babe kaya naiinis ako dapat ako gumagawa nun eh syempre hindi ako papatalo.
"Try mo tong beef steak" inabutan ko naman siya sa plato niya nakita ko naman si lucas ang sama ng tingin sakin.
"Eh kaya ko naman kumuha ng pagkain hindi niyo nako kailangan ikuha" saad ni babe ko hehe babe gusto ko itawag sakanya kaya wag kayong ano.
Habang kumakain kami nabubulunan na si jv kakasubo kaya naman kumuha ako ng juice.
"Ito oh dahan dahan lang kasi" paano ba naman ang bilis sumubo parang mauubusan ang takaw talaga ng babe ko.
"Wag yan ito tubig mas mabisa" singit naman ni lucas na unggoy epal talaga siya.
"Nako baka mamatay yung anak ko sa pinaggagawa niyo" napahinto naman kami nakakahiya tuloy.
Nakahinga naman na ng maayos si babe ko kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain.
Natapos narin kami kumain hanggang sa nagpaalam na si lucas buti naman dahil hindi ko masolo si babe.
"Tita salamat po sa pagpapatuloy uuwi napo ako" saad ni lucas.
"Sige iho ingat sa pagdridrive ah"
"Sige po"
"Ma hatid ko lang siya sa labas" bakit hahatid niya pa lampa ba yan kaya naman wala akong nagawa kundi umupo sa sala nila.
•••
JV'S POV
Ayun na nga ang nangyari nandito sila ngayon sa bahay hindi ko alam bakit nandito kasi si kevin siguro namiss niya lang ako kasi bihira nalang kami nakapagusap.
Ihahatid kona si lucas sa labas dahil sabi niya uuwi na daw siya nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot ewan ko ba bakit ganyan siya.
"Mauna nako" maikli niyang saad nakasimangot pa siya ano kayang problema nito?
"May problema ba?" hindi kona maiwasang magtanong baka siguro yung nangyari samin kanina.
"Wala naman pagod lang siguro" ngumiti siya pero alam kong pilit lang yun.
"Wala pero ganyan ka?"
"Wala nga promise sige na pumasok kana dun baka hinihintay kana ni kevin"
"Sure ka ok ka lang? parang hindi naman eh" kala niya maloloko niya ko alam kong malungkot siya.
Tatalikod na sana ako ng bigla niyang hablutin yung kamay ko wahhhhhh...... ang lapit ng mukha namin sa isa't isa ito nanaman yung puso ko tibok ng tibok sobrang bilis parang nagsslow motion na yung paligid yung parang kami lang yung tao dito sa mundo.
Bigla niya nalang nilapit yung labi niya sa noo ko totoo kiniss niya talaga ako sa noo?
"Goodnight" saad niya sakin sabay kindat at sakay sa kotse niya umalis naman siya agad ako naman parang statue lang na nakatayo dito sa gate namin hindi ko parin talaga matanggap kiniss? ako sa noo? bakit niya naman gagawin yun.
Pumasok nako sa loob ng bahay nakita ko naman si kevin na naglalaro ng online game sa cp niya habang nakaupo.
"Oh ang tagal mo ata" nagulat naman ako napansin niya pala ako.
"Ah eh may sinabi lang siya sakin kaya natagalan kami" pagsisinungaling ko.
"Ano naman yun?" haysss ang kulit niya talaga.
"Wala yun btw anong oras kang uuwi gabi na ah hindi kaba hahanapin sainyo?"
"Ayaw mo ata ako dito eh sige alis nako" tinanong lang ayaw agad ang ano dalaga nitong lalaking to.
"Tinatanong ko lang po kung anong oras wala po akong sinabing ayaw kita dito ok napo kamalahan?" tumawa naman siya.
"Nakakatawa?"
"Anong tinatawa mo diyan?"
Ewan ko sayo kainis tawa ng tawa nababaliw na ata wala namang nakakatawa sa sinabi ko
Nakasalubong ko naman si mama sa hagdanan.
"Umuwi na yung dalawa mong manliligaw?
"Ma si kevin lang nanliligaw staka si kevin nandiyan pa nasa sala"
"Ganun ba" kala talaga ni mama nanliligaw sakin yung mokong na yun.
"Sige ma akyat nako" umakyat naman ako sa kwarto pagbukas ko sumampa na agad ako ng kama ko ang daming nangyari ngayon na nakakaloka iniisip ko parin yung nangyari samin ni lucas bakit kaya siya ganun? parang iba siya.
Habang nasa pagiisip ako may kumatok naman.
"Sino yan?" walang sumagot kaya tumayo ako para buksan.
Nakita ko naman si kevin na nakangiti.
"Anong ginagawa mo dito"
"Dito na daw ako matulog sabi ni tita..."