CHAPTER 12

13.7K 345 25
                                    


CHAPTER 12

JV'S POV

Nakauwi naman ako ng maaga samin. Hindi kona pinatagal dahil baka kung ano pang mangyari. Hinatid naman ako ni Lucas pauwi. Napapikit nalang ako ng bumalik saking alaala ang nangyari kagabi.

FLASHBACK

Minulat ko ang mata ko at nanlaki ito ng makitang nakaunan ako sa braso ni Lucas at nakayakap sa katawan niya. Nakayakap din ang kamay nito sa gilid ko. Shit! Ibig sabihin buong pagtulog ko ay nakayakap lang ako sakanya?

Napabalikwas ako ng bangon at napansing nakadilat pala ang mata niya. Bakit ang aga niya namang magising? Hindi ba siya natulog?

"Gising kana pala. Kamusta ang tulog mo baby? Masarap bang matulog sa tabi ko?" Nakangisi pa ito na ikinatalim ng tingin ko. Letche talaga 'tong lalaki na'to.

"Teka! Bakit magkayakap na tayo? Ang pagkakatanda ko natulog naman akong hindi ka kayakap. Shit! May nangyari ba satin?" Nanlaki pa ang mata ko sa huling sinabi. Bakit ko ba sinabi yun? Nakakahiya.

"Ikaw tong malikot matulog kaya kasalanan mo kung bakit nakayakap kana sakin. Tsaka walang nangyari satin... Ok lang naman din kung meron. Ready naman ang alaga ko sa gyera." Ani Lucas. Pakagat kagat pa ito ng labi. Kinuha ko ang unan at hinampas sa ipokritong lalaki nato. Buti nalang at kaya kopang magpigil.

Bumangon naman ito at nakipaghampas din ng unan samin. Namalayan ko nalang ang sarili ko na tumatawa katabi siya. Hindi ko alam pero kapag kasama ko si Lucas piling ko ay ligtas ako at hindi ako masasaktan.

END OF FLASHBACK

Pagbaba namin ay nakita agad namin ang Mom and Dad niya sa hapagkainan. Masayang naguusap ang dalawa. Namiss ko tuloy si Papa. Ganun din kasi lagi ang naabutan ko kapag gumagising ako. Masaya silang nagkukulitan ni Mama.

Natigil naman ang usapan nila at ngumiti ng makita kami. Naiilang padin ako sa Mom ni Lucas at baka ayaw padin nito sakin. Ang sabi naman nito ay joke lang ang sinabi niya kahapon sakin. Nung sinabi niyang si Samantha ang bagay para kay Lucas ay may kung anong kumirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero binalewala ko nalang iyon.

"Gising na pala kayo. Halina kayo sabayan niyo na kami." Nakangiting sambit ng Mom niya. Ngumiti naman ako. Pinaghatak pa ako ni Lucas ng upuan bago siya naupo. Gentleman din pala ang lalaking 'to kahit na malibog.

Nilagyan nanaman ako ng maraming pagkain ni Lucas sa plato. Balak ata akong patabain nitong mokong na'to eh. Kahapon din ay madami ang nilagay. Nakakahiya namang magtira kaya inuubos ko kahit na busog na busog na ako.

Nagsimula na kami kumain. Naguusap naman sila tungkol sa business kaya nanahimik nalang ako dahil wala naman akong alam sa mga bagay na ganun. Pansin ko na madami ng alam si Lucas sa business kahit nagaaral palang ito. Siguro ay tinuruan na ito ng Dad niya bata palang kaya magaling na ito sa ganung larangan.

"Kamusta naman ang anak ko sa school iho? Nagaaral naman ba ng mabuti?" Napainom naman kaagad ako ng tanungin ako ng Dad ni Lucas. Kahit simpleng tanong lang at kayang kayang sagutin ay kinabahan padin ako. Maotoridad kasi ang boses nito at masyadong seryoso.

"Ok lang naman po... Pasaway po minsan pero minsan lang naman." Nahihiya kong sagot. Ayoko namang masyadong i-down si Lucas kaya sinabi ko nalang na minsan. Sigurado namang makakarating din sakanila ang ginagawa nito dahil sila naman ang may-ari ng universidad.

Akala ko ay tapos na ang tanong ng Dad niya pero mas lalo akong kinabahan sa sunod niyang tanong.

"Nanliligaw naba sayo ang anak ko?" Piling ko ay hindi ko malunon ang sasabihin ko. Paano nga ba ako sasagot? Pero bago ko pa mabuka ang bibig ko ay naunahan na ako ni Lucas.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon