CHAPTER 32

10.3K 237 40
                                    


CHAPTER 32

LUCAS'S POV

Pabalik nako kung san ko iniwanan si JV. Sa wakas nakita ko nadin ang susi ng sasakyan, naiwan ko pala ito sa locker kanina.

Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung sino ang nagsend ng video na iyon kay JV.

Alam kong si Samantha lang ang makakagawa nun dahil gusto niyang sirain ang relasyon namin. Ito naba ang sinasabi niyang gagawin niya?

Ngayon ko lang din nalaman na kinuhaan niya pala ng video yung nangyari nung gabing yun. Ginawa niya bayun para ipang blackmail sakin?

Pwes diko siya hahayaang magtagumpay.

Mahal na mahal ko si JV, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Lahat gagawin ko wag lang siya masaktan. Kahit sino kaya kong banggain. Gusto ko lagi nakikitang masaya si JV na masaya lang sa piling ko. Sana ganun nalang palagi.

Ngayon lang ako nagmahal ng lalaki, at kay JV kolang narandaman ang pagmamahal na 'to.

Kung paano bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya, kahit makita kolang siya sobrang saya kona. Kapag hinahalikan niya ako para akong tangang nangingiti na akala mo nanalo sa lotto.

Kapag tumatawa siya natatawa nadin ako, feeling ko kasi masaya siya kapag kasama ako. Kapag naiinis siya natatawa naman ako dahil ang cute niya kapag nakasimangot. Kapag galit siya konting lambing kolang patatawadin niya na agad ako.

Kaya subukan niya lang gawan ng masama si JV at baka makalimutan kong babae siya.

Bumalik nanaman sa alaala ko ang nangyari 2 taon na ang nakakaraan.

FLASHBACK

Nandito ako sa bahay nila drake nagpaparty siya dahil nanalo kami ng laban kanina sa basketball.

Simple lang ang suot ko. Polo at Khaki Short.

Marami din ang pumunta. Sobrang ingay ng lugar, may nagiinuman, nagtatawanan, naghahalikan, yung iba nakahubad nadin na walang pake sa paligid.

Balak ko na sanang umuwi ng maaga dahil tinawagan nako ni Dad at lasing nadin ako pero di natuloy ang paguwi ko dahil dumating si Samantha.

Nilapitan niya agad ako at pinulupot ang kamay sa braso ko.

"Hi, baby Lucas" bati niya sakin pero di nako sumagot dahil wala naman akong pake sakanya.

Alam kong may gusto sakin si Samantha at patay na patay siya sakin. Para siyang linta na sunod ng sunod sakin.

Kay Miguel ko siya nakilala, magkaibigan daw sila at magkababata pa.

Simula ng nakilala ko siya lagi na siyang nakasunod sakin na parang anino ko. Nagtransfer din siya kung san ako nagaaral para daw lagi niya akong nakikita.

Naging magkakaibigan kami hanggang sa nalaman ko na may gusto pala siya sakin. Sinabi ko namang diko masusuklian ang pagmamahal niya pero mapilit talaga siya.

Lahat daw gagawin niya, kahit daw sambahin niya ako at magpagamit daw siya ng katawan ay handa siya. Dun ako nagalit dahil ayoko sa babaeng walang respeto sa sariling katawan.

Yung mukhang sex lang ang alam at binibigay lang ang puri kahit kanino.

Kaya simula nun iniwasan kona siya, pero sunod parin siya ng sunod. Hanggang sa gumagawa na siya ng bagay na diko gusto.

Naalala kopa nung kaming dalawa nalang ang naiwan sa room ay bigla niya nalang dinakma ang pagkalalaki ko. Umiwas agad ako at nagmadaling lumabas ng room.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon