CHAPTER 4

18.3K 515 19
                                    


CHAPTER 4

JV'S POV

Nagising ako at napatingin sa orasan. 5am palang pala. Ang aga ko nagising ngayon pero madaling araw nako nakatulog.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago bumaba. Pagkababa ko ay nadatnan ko si mama na nagluluto.

"Ma, bakit ang aga mo naman nagising?" Tanong ko sabay halik kay mama sa pisngi. Nakagawian ko ng halikan si mama at hindi ko ikinahihiya iyon.

"Anak. Maaga naman talaga ako nagigising. Kailangan makaluto nako bago kayo nagising dahil maaga ang pasok niyo ni Jane" Naaamoy ko ang mabangon sinangag na niluluto ni Mama. Uminom ako ng tubig at naisipan kong matulog nalang ulit dahil sobrang aga pa para magayos.

"Ma, matutulog muna ako. Gisingin mo nalang ako maya maya" Bilin ko kay mama dahil baka malate ako ng gising at hindi ako makapasok. Hindi pa naman pwedeng um-absent ng walang matinding rason. Bababa ang grado ko kapag lagi akong umaabsent.

Tumango lang si Mama bilang pagsangayon. Bumalik ako sa kwarto ko para matulog dahil medyo inaantok pako. Anong oras nako nakatulog kagabi kaya kailangan kong bumawi ng tulog. Tinapos ko kasi yung assignment ko kagabi kaya 1:00 nako nakatulog. Iniiwas ko pa namang magpuyat pero kailangan talaga e.

Akala ko makakatulog ako pero kahit anong ikot ko sa kama hindi parin ako makatulog. Dahil hindi ako makatulog, naisipan ko nalang na magbukas ng facebook account ko. Nakita ko agad ang mga friend request. Mga bago kong classmate at in-add din ako ni Kevin pati narin si Lucas. In-accept ko nalang ang mga request ng mga 'to at iniwan ang mga hindi na kilala.

Nakita kong kasali nadin ako sa groupchat para sa section namin at sobrang ingay non. Ni-mute ko nalang dahil wala din naman akong balak magchat duon pwera nalang kung importante. Naisipan ko nalang magscroll dahil matagal din ako hindi nagbukas ng account. Habang nagscroll up may natanggap akong message.

Lucas William Gomez • Active Now

Goodmorning! baby jv ko.

Jake Vince Salazar • Active Now

Baby? Ayos kalang? Oh baka naman epekto yan ng dimo paginom ng gamot dahil nababaliw kana. Umagang umaga iniinis mo nanaman ako.

Lucas William Gomez • Active Now

Oo baliw nako, baliw sayo hahaha. Kiss moko baby jv.

Jake Vince Salazar • Active Now

Kiss mo mukha mo! Magpacheck up kana siguradong malala nayang sakit mo.

Hindi kona hinintay angreply niya. Naisipan ko nalang bumaba dahil nagugutom nadin ako. Pagbaba ko ay naabutan ko si Mama at Jane na naghahanda sa lamesa.

"Anak, gising kana pala. Tara na kumain na tayo" Pagaya sakin ni mama kaya umupo nako agad dahil kumukulo na ang sikmura ko. May sinangag, hotdog, itlog, tinapay at prutas na lamesa. Habang kumakain kami ay nagtanong sakin si Jane.

"Kuya? may mga kaibigan kana ba sa school mo? madami bang gwapo don? pakilala mo naman ako kuya" Naningkit naman ang mata ko dahil sa sinabi nito. Kabata-bata pa pero puro gwapo hinahanap.

"Hoy ikaw puro gwapo hinahanap mo. Magaral ka nga muna. At dun sa tanong mo kung may kaibigan nako, isa palang. Lalaki" Buti nga ay nagkaroon pa. Sa lahat kasi ng napasukan kong school e kahit isa wala man lang nakipagkaibigan sakin kaya sobrang tuwa ko nung makipagkaibigan sakin si Kevin.

"Gwapo ba siya kuya?" Nako ito talagang kapatid ko mahilig mukhang gwapo. Ewan ko nalang kung mabuntis to ng maaga.

"Hmm, oo gwapo siya. Bakit jojowain mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kung balak niyang jowain si Kevin ay malabong mangyari yon, sa dami ng naghahabol kay Kevin malamang wala sa oras nito ang pakikipagrelasyon.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon