CHAPTER 25

9.7K 271 10
                                    


CHAPTER 25

JV'S POV

Dinilat ko ang mga mata ko dahil sa patuloy na pagtapik sakin.

Naaninag ko naman agad ang mukha niya syempre walang iba kundi ang lalaking laging nambwibwisit sakin na si lucas.

Bigla naman akong natulala ng maisip ang nangyari kagabi. Isa iyong nakakainis na panaginip, Sana diko nalang napanaginipan yun para akong babangungutin.

Naalala kopa nung hinalikan niya ko purong pagmamahal ang narandaman ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa naisip ko, NO NO ERASE ERASE.

Bumuntong hininga ako, Arghhh anong pinagsasabi ko pagmamahal? Halik? Nababaliw nako sa pagiisip ng panaginip ko kagabi. Bigla naman akong napakurap ng magsalita si Lucas.

"Jv kanina pa kita kinakausap, ano bang iniisip mo at kanina kapa nakatulala?"

"Hmmm w-wala may p-pumasok lang sa isip ko" pagsisinungaling ko.

"Bumangon kana diyan at magayos dahil aalis na tayo, Kanina pa nandiyan yung mayari ng kubo nakakahiya naman kung tatagal pa tayo dito" bigla naman akong bumangon sa sinabi niya, Nakakahiya dito pa kami natulog sa kubo ng may-ari, baka mamaya kung ano ano isipin niya.

"N-nandiyan na y-yung m-ayari? Tanong ko habang tinitiklop ang hinigaan namin.

"Oo at nakipagkilala nako, kanina pa kasi kita ginigising tulog mantika ka" tinignan ko siya ng masama, Eh bakit ba ang lamig kaya masarap matulog.

"What?" Masungit niyang tanong.

"Wala sabi ko tara na magpaalam na tayo."

Paglabas namin nakita ang isang medyong may-edad na lalaki na nakaupo sa kahoy na upuan. Nagtinginan muna kami ni lucas at alam kong wala siyang balak magexplain kaya inunahan kona.

"Hi po lo, Goodmorning po. Sorry po dito kami natulog sa kubo niyo, Malakas po kasi ulan kagabi kaya naghanap kami ng masisilungan, Nasiraan din po kasi kami ng sasakyan." mahaba kong pagpapaliwanag sana naman di magalit si lolo.

"Walang anuman iho" nginitian ko si lolo at ngumiti din siya sakin.

Napansin ko naman si lolo, Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot kaya naman tinabihan ko siya sa upuan at sinimulan magtanong.

"Lo kayo lang po ba magisa dito sa kubo na tinitirahan niyo?" Nagbuntong hininga siya bago sumagot.

"Ako lang ang nakatira dito iniwan ako ng asawa ko kaya simula nun magisa nalang ako" nagulat ako sa sinabi niya kitang kita ko sa mata niya ang lungkot, Kaya gusto kopa malaman ang lahat di dahil chismoso ako parang gusto ko lang ng mga gantong bagay yung nagkwekwentuhan about sa buhay.

"Namatay po ba ang asawa niyo? Ano pong nanyari? Umiwas ng tingin si lolo kaya naman nagsalita nako.

"Kalimutan niyo napo yung tanong ko masyado napo akong nangingimasok sa buhay niyo"

Tinignan ko si lucas nakatitig lang siya sakin kaya tinaasan ko ng isang kilay nagpapahiwatig ng bakit, Umiwas lang siya ng tingin at tumabi sa kanan ni lolo.

"Okay lang gusto ko din ng may kausap matagal nakong walang nakakausap" paano siya nabubuhay ng walang kausap? Ang lungkot nun ah.

"Iniwan ako ng asawa ko sumama siya sa mayaman na lalaki na kayang ibigay lahat ng kailangan niya na diko kayang maibigay sakanya." Pahayag ni lolo na kitang kita ang sobrang lungkot na emosyon. Magtatanong na sana ako ng inunahan ako ni lucas.

"So di napo kayo naghanap ng bago pagtapos niya po kayong iwan?"

"Di nako naghanap dahil siya lang ang mahal ko sabi niya pa nun ako lang ang mahal niya pero iniwan niya ako para lang sa pera" nakakainis yung mga ganung tao mukhang pera.

Nagsimula ng pumatak ang luha sa mata ni lolo kaya naman hinimas ko ang likod niya para comfort.

"Okay lang yun lo tinadhana talaga kayo na ganun ang ending" wala naman kasing happy ending kasi kung meron bat nagend?

"Wala po ba kayong anak o kamaganak na pwede niyong makasama?" Sunod na tanong ni lucas ewan koba kung gusto niya talaga makausap si lolo o pinipilit niya lang sarili niya, Kanina kasi madaling madali umuwi.

"Wala akong anak at wala narin akong mga kamaganak nabubuhay lang ako sa pagtatanim araw araw.

"Teka magkasintahan ba kayo?" Nagulat naman ako sa tanong niya seriously lolo? Namumula na tuloy ako, Sasagot na sana ako ng biglang lumapit sakin si lucas at inakbayan ako.

"Opo magkasintahan po kami bagay poba kami?" What? Ito talagang mokong nato gustong gusto din.

"Oo naman parehas kayong gwapo, ingatan niyo ang relasyon niyo at pagpalain kayo ng diyos, Hayaan niyo lang ang mga tanong mapanghusga wag niyo silang pansinin ang importante mahal niyo ang isa't isa." Napangiti naman ako sa sinabi ni lolo. Wala nakong nagawa kundi tumahimik si lucas naman sobrang saya parang nanalo ng lotto dahil sa laki ng ngiti.

"Lolo dahil diyan may gift ako sayo" saad ni lucas sa matanda.

"Ano naman iyon iho?"

"Ipapahanap po natin ang asawa niyo malay niyo po single parin siya at magkabalikan kayo." Nakita ko naman ang gulat na may halong saya sa mukha ni lolo.

"Nakoo totoo bayan? Nako maraming salamat iho kung alam mo lang ginagawa ko lahat para lang magkapera at magkapamasahe para lang mahanap ang babaeng mahal ko sa simulat hanggang ngayon." Halos mangiyak ngiyak na si lolo sa saya.

"Walang anuman po lolo" tumayo naman si Lucas at parang may kausap sa telepono.

"Hintayin niyo lang po lo ah malay niyo po malapit niyo ng makita at babaeng mahal niyo" ngumiti naman si lolo at ginulo at buhok ko, Lumapit si lucas samin at may tinanong.

"Lo ano pong pangalan ng asawa niyo?"

"Elizabeth Velasquez" Ilang saglit lang wala ng kinakausap si lucas at bumalik sa upuan.

"Lolo pinapahanap ko napo ang information niya sa ngayon po papasundo po kita at para sa hotel napo kayo manirahan muna pansamantala habang inaayos papo namin ang titirhan niyo."

"Nako iho wala akong pambayad sa bahay nayan at sa hotel na sinasabi mo"

"Libre po yun lo may foundation po ako na para sa mga matatanda na di na kayang magtrabaho ay binibigyan nalang po ng allowance kada buwan at bagong tirahan" napangiti naman ako sa sinabi niya dik o akalain na tumutulong pala tong mokong nato at may mabuti din palang nagagawa.

Dumating na ang mga tao na nakasakay sa van at dinala na si lolo sa hotel na pansamantala niya munang titirhan sobrang pasasalamat naman si lolo dahil sa ginawa ni Lucas at ako rin ay napangiti sa nasaksihan kong kabaitan niya.

"Thank you" sabi ko habang nagdridrive siya.

"Para san?"

"Sa pagtulong kay lolo ngayon ko lang nakita na may kabaitan pala diyan sa puso mo" ngumiti naman siya sabay kindat.

"Di porket ganto ako wala ng kabutihan sa puso ko" ngumiti lang ako sakanya ok naman pala siya sana mabait nalang siya araw-araw para magkasundo kami.

"Kain tayo san mo gusto?" Sasagot na sana ako ng biglang magring ang phone ko.

Nakita ko naman si kevin iyon sasagutin kona sana ng biglang inagaw ni Lucas ang cellphone ko at....

PINATAY IYON ARGHH BAKA MAGALIT SAKIN SI KEVIN...

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon