CHAPTER 23LUCAS'S POV
Napatumba naman siya sakin kaya bumagsak kami sa sahig, naka ibabaw siya sakin at sobrang lapit ng mga labi namin sa isa't isa.
Nakahawak siya sa dibdib ko ng biglang magsigawan ang mga tao nagulat nalang ako nakapalibot sila sakin pati si coach nakangiti.
Tinignan ko lang yung reaction niya halatang nahihiya. HAHAHA gusto kong tumawa ng tumawa ang cute niya kasi parang di alam ang gagawin.
Bigla siyang tumayo tumakbo paalis. hinabol ko naman siya hanggang sa hindi kona nakita kung san siya pumunta kaya naman bumalik nalang ako sa gym para makausap ang iba kopang kaibigan.
Pagbalik ko dun madami paring tao kaya naman pumunta ako sa team namin nakita ko dun si samantha.
Nilapitan niya ko...
"Congrats ang galing galing mo talaga maglaro walang pinagbago"
"Thanks una nako"
Paalis nako ng bigla niya kong hinatak at siniil ng halik...... nagulat naman ako sa ginawa niya kaya naman bumitaw agad ako at naitulak siya.
Umalis naman siya agad umalis nadin ako para umuwi dahil magreready pa ako mamaya.
JV'S POV
Nasa kwarto nako hiyang hiya parin ako sa nangyari kanina nakakainis talaga bakit kasi kailangan pang mangyari yun.
Pero nung nangyari yun may narandaman akong kakaiba bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko na parang ewan pero isa lang ang masasabi ko MAHAL KO NA ATA SIYA MAHAL KO NA SIYA.
Bigla namang tumunog ang cp ko pagbukas ko nagulat naman ako sa nakita ko.
Picture ni lucas at ni samantha na magkahalikan kaya naman napabitaw ako sa cellphone ko.
Sabi ko na nga ba eh sila parin naman ata hindi niya talaga ako mahal mas mahal niya si samantha nayun.
Bumagsak nalang ang mga luha ko sa mata gusto kong pigilan pero hindi ko magawa nagtakip nalang ako ng unan diko namalayan nakatulog nako.
Nagising naman ako dahil ginigising ako ng aking kapatid na si jane.
"Kuya nasa baba na si kuya lucas hinihintay ka na niya"
"Susunod nako" umalis naman siya agad.
Pinagiisipan ko parin kung sasama ba talaga ako o wag nalang ayoko makita muna si lucas.
Kaya naman nilakasan ko ang loob ko bumaba para sabihing hindi nako sasama.
Pagbaba ko nakaupo siya sa sofa nakatitig lang ako sakanya ang pogi niya talaga.
"Hindi nako sasama" sabi ko sakanya nabigla ata siya.
"Bakit naman? may problema ba? may masakit ba sayo?" grabe naman to magtanong daig pa si mama.
"Wala ayoko lang sumama" sagot ko ng hindi makatingin sakanya.
"Dahil bayun sa nanyari kanina? sorry na"
Lumuhod naman siya sa harap ko hinawakan yun dalawa kong hamay.
"Uyy ang oa mo tumayo ka nga diyan makita ka ni mama"
"Hindi ako tatayo hanggang hindi ka sasama sakin" tinitigan niya ko sa mata hindi ako makatitig nahihiya ako eh.
"Fine sasama nako masaya kana?"
"Ayoko nang ganyan sagot gusto ko yung hindi ka napipilitan sumama para wala kang isisisi sakin" aba ang arte niya pumayag na nga ako.
"Oo napo sasama nako sayo" ngumiti naman siya binuhat ako.
"Ibaba mo nga ako" hindi niya ko pinagkinggan.
"Tita alis napo kami" nakita ko naman silang tatlo sa kusina nakasilip tumatawa pa sila hmmmmmm kainis talaga tong lalaking to.
Binuhat niya ko hanggang makapasok kami ng kotse niya.
Nakaupo nako sa kotse niya tinignan ko lang siya ng masama sabay iwas ng tingin.
Lumapit siya sakin nagulat naman ako ng ilapit niya yung mukha niya.
"Anong ginagawa mo?"
"Yung seat belt mo" napanganga nalang ako kala ko hahalikan niya nanaman ako eh.
HAHAHAHAHAHA
Nagulat naman ako sa tawa niya.
"Tinatawa tawa mo diyan? may nakakatawa?"
"Kala mo siguro hahalikan niya noh?" aba hindi ah sabi ko nga oo hehe.
"Kapal ng mukha mo hindi ahh"
"Eh bat nagblublush ka?" napatingin naman ako agad sa side mirror shemay namumula nga ako.
Tumingin naman ako sakanya agad nakangiti siya sakin.
"Magdrive ka na nga bago moko mainis"
"Oo na sungit naman nito pero ang cute mo talaga" sabay pisil ng pisngi ko.
Hindi nalang ako nagreact nagdrive naman siya.
Medyo madilim na ang lugar at lubak lubak dahil sa ibang daanan kami pumunta ang traffic kasi sa isang daan kaya dito niya nalang naisipang dumaan.
Habang naglalaro ako sa cellphone ko bigla namang huminto yung sasakyan nagulat naman ako muntikan ng malaglag ang cp ko.
"Anong nangyari?" tanong ko sakanya na medyo nagaalala.
"Naflat ata yung dalawang gulong natin"
"Hala paano yan mukhang wala pa atang mga sasakyan dito"
"Dito ka muna maghahanap lang ako ng tutulong satin" eh? takot pa naman ako sa dilim tas magisa pako ayoko magisa.
"Di ba pwedeng sumama nalang ako?"
"Edi mawawala tong sasakyan ko walang magbabantay" kainis ayaw niya talaga akong isama inuna pa sasakyan niya
"Pwede naman yan dito walang kukuha diyan staka gabi na ayoko magisa paano kung maholdap ako dito o kaya kunin ako ng multo staka takot ako sa dilim ayoko magisa kaya isama mo nako" sunod sunod kong sabi sakanya.
Bigla naman siyang tumawa ulit.
"Nakakatawa?" pssh lagi niya nalang ako tinatawanan.
"Maiwan kana dito babalik din ako agad promise"
Umalis naman siya agad hindi nako nakapagsalita kaya naman nililibot ko nalang yung mata ko sa paligid baka mamaya nasa likod o harap ko na yung multo huhu.
Bigla namang may umiiyak kinabahan nako kaya naman binuksan ko yung pinto ng sasakyan pagbukas ko biglang....
Bulagaaaaaaaaa
Bigla naman akong napatalon sakanya napadilat nalang ako biglang may tumawa nakita ko siya bwiset talaga tong lalaking to.
"Hindi ko alam matatakutin ka pala hahahahaha"
Hinampas ko siya sa dibdib.
"Bwiset ka talaga ayoko na sayo i hate you" sabay alis naglakad nako palayo sakanya.
"I love you wait lang hintayin moko" nahabol niya naman ako.
"Sabi ko diba hintayin moko"
"Tara na maghanap na tayo ng mekaniko"
"Ok kalang ba?"
Hindi ko siya pinapansin nakakainis siya.
"Uy pansinin mo nga ako"
Bigla namang umulan ng malakas...