CHAPTER 8JV'S POV
"Tao po! May tao ba dyan?" Sigaw ko. Takot pa naman ako sa dilim at nandito pako sa abandonadong room. Baka mamaya may multo dito.
Napatili ako ng may humawak sa likudan ko. Masyadong mabigat ang kamay ng humawak sakin. Nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko sa kaba. Kikidnap-in kana niya ako? tapos ibebenta ang laman loob? jusko lord mahal ko pa po ang buhay ko.
Lalo akong nanginig ng may bumulong sakin.
"Miss me, Jv?" Ani ng tao sa likod ko. Naramdaman ko ang lamig ng hininga nito sa tenga ko. Pati ang pabango, teka! pamilyar ang amoy ayun ah.
"S-sino k-kaba? anong kailangan mo sakin?" Pinilit kong patatagin ang boses ko para magmukhang hindi ako natatakot kahit na nanginginig nako.
Narinig ko naman ang mahihinang kaluskos na parang may naglalakad. Nanlaki ang mata ko na may humalik sakin. Takte! bakit niya ko hinalikan? hinampas ko ang dibdib ng taong humalik sakin at panay ang tulak kaso masyadong malakas ito at parang hindi man lang nauusad sa pagkakatayo.
Ilang segundo iyon tumagal. Hindi ako gumaganti ng halik kahit na pinipipit niyang ibuka ang mga labi ko para makapasok ang dila niya sa loob.
Kumalas ito sa pagkakahalik saakin. Ilang saglit pa at biglang bumukas ang pintuan at tumakbo ang lalaki duon. Nakahoodie ito kaya hindi ko natandaan ang bulto. Napatakbo nadin ako para mahabol ang lalaki pero bigla nalang ito nawala.
Naisipan ko nalang bumalik sa room at humabol sa klase kahit na late nako. Sana pala pumasok nalang ako. Nasa isip ko padin ang paghalik sakin ng misteryosong lalaki kanina. Pamilyar talaga ang pabango at paghalik nito. Parang hindi ito ang unang beses na nangyari iyon. Ang bango ng hininga nito at ang lambot ng mga labi. Sa totoo lang ang sarap ng halik na iyon. Iniling ko ang ulo ko dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
Pagbalik ko sa room ay wala ang prop namin. Siguro ay wala ito. Mabuti nadin iyon dahil bukas ang quiz namin. May time ako makapagreview.
Dumako ang tingin ko sa upuan nila Kevin at Lucas. Wala sila duon. Kahit sila Miguel at Seth ay wala. Nasan kana ang mga iyon?
Nginitian naman ako ni Renzo. Naisip kong tanungin siya kung nakita nila sila.
"Renzo, nakita moba sila Kevin? o kahit si Lucas?" Ani ko. Di kaya isa sakanilang apat ang lalaking iyon? pero baka naman nagkakamali lang ako.
"Hindi ko sila nakita pinsan e. Kanina pako nandito ang boring nga wala akong kausap. Ang tataray pa ng mga tao dito." Ani Renzo. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Buti nga at nasanay nadin ako sa mga classmates kong matataray. Ayaw talaga nilang makipagusap sayo kapag hindi ka nila kilala o hindi ka famous sa school. Buti nga at nakilala ko si Kevin kundi lagi akong tahimik sa room.
Nilagay ko nalang yung mukha ko sa desk at inisip padin ang nangyari kanina. Sino ba kasi ang lalaking iyon? bakit hindi nalang siya magpakilala ng maayos? di kaya isa sa apat nayun ang taong yun? pero imposible din kasi kilala na naman nila ako, pwede na nila akong lapitan kung gusto nila.
Hindi na talaga dumating ang prop namin kaya naisipan ko nalang magreview para hindi ako mapuyat mamaya. Kailangan kong makapasa sa quiz namin kahit quiz lang iyon. Wala naman ding gagawin at mabobored lang ako kung titignan ko ang mga kaklase kong nagiingay at may sari sariling mundo.
Inisip ko nalang na baka may practice ng basketball ang mga iyon kaya wala sila. Kung may practice nga sila ibig sabihin hindi isa sakanila ang lalaking iyon. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil nalilito nako sa nangyayari. Simula ng pumasok ako sa school na'to ay madami ng weird na nangyayari.