CHAPTER 9

14.8K 395 19
                                    


CHAPTER 9

KEVIN'S POV

Ang sarap magising sa umaga kapag may inspirasyon ka. Nakangiti ako araw araw bumangon dahil makakasama ko nanaman si Jv. Ang aking pinakamamahal. Maaga talaga ako nagigising lagi dahil sinusundo ko siya sakanila. Nagtataka nga ako kung bakit hindi niya ako maalala.

Buti nalang at natatandaan pa ako ni Tita. Kinausap ko siya at tinanong kung bakit hindi ako naaalala ni Jv. In explain niya naman sakin ang nangyari at naunawaan ko naman.

Gusto ko ng ngang ligawan si Jv pero kinakabahan ako at baka ayaw niya naman sakin. Pero handa akong sumugal at masaktan para sakanya. Kahit maghintay ako ng matagal ay kakayanin ko para lang sakanya.

Habang kumakain ng agahan ay napansin ni Mommy ang pagngiti ko kaya naman sinimulan niya nanaman akong tuksuin.

"Anak, ang lawak nanaman ng ngiti mo. Dahil ba yan kay Jv?" Tumango naman ako na ikinangiti din ni Daddy.

"Bakit kasi hindi mopa bakuran agad anak? kapag ikaw naunahan ewan ko nalang sayo. Tignan mo tong mommy mo binakuran ko kaagad kaya hindi na nakawala." Hinampas naman ni Mommy sa braso si Daddy. Napangiti nalang ako sa nakita. Kahit ang tagal na nila ay magkasama padin sila at sweet padin sa isa't isa. Daig pa nila ang mga teenager kung magharutan.

"Kinakabahan kasi ako Daddy... Baka mabasted ako ng wala sa oras." Tinanong ko si Daddy kahapon at humingi ng advice kung paano manligaw. Sa totoo lang ngayon ko lang ito gagawin. Wala naman kasi akong naging girlfriend. Binabalewala ko lang ang mga babaeng nagpapapansin sakin dahil hindi ko naman sila gusto. Tanging si Jv lang ang nakakapagpabilis ng puso ko.

"Sundin mo lang anak yung tips na binigay ko sayo tyak mapapaibig mo din si Jv." Napatango naman ako at inalala ang mga binigay niyang tips sakin.

Natapos kaming kumain at nagpaalam na ako sakanila na susunduin kona si Jv para sabay na kaming makapasok. Hinalikan ko sila sa pisngi at pumasok na sa sasakyan.

Habang nagdadrive ay may nadaanan akong nagtitinda ng bulaklak at naisipang bilhan si Jv. Sisimulan ko na ang pag the moves ko.

Inamoy ko ang bulaklak at napili ko ang isang boaque ng puting rosas. Sana lang ay magustuhan niya ito.

Nagdoor bell ako at pinagbuksan naman ako ni Tita. Ngumiti ito sakin ng makita ang hawak kong bulaklak.

"Pasok ka iho. Naliligo pa si Jv. Kumain ka naba?" Tanong sakin ni Tita.

"Salamat ho. Kumain naho ako. Hihintayin ko nalang ho siya dito sa sofa." Ani ko. Tumango naman si Tita at dumiretso ng kusina. Nanuod nalang ako ng palabas sa TV nila habang hinihintay ang pagbaba ni Jv my loves.

Ilang minuto ang lumipas ng bumaba si Jv at nagulat ng nanduon ako. Tumakbo naman ito sakin at sinunggaban ako ng yakap na ikinagulat ko. Napaatras naman ito ng malaman ang ginawa. Gusto ko pa sana ng yakap kaso nakakahiyang magrequest sakanya.

"Sorry. Nagulat lang ako kasi nandito ka, ang aga pa kaya." Ani Jv. Ngumiti naman ako at itinapat sakanya ang bulaklak.

"Flowers for you. Sana magustuhan mo." Ani ko. Napakamot pako ng ulo at hinihintay ang magiging reaskyon niya. Baka kasi ayaw niya sa ganitong bulaklak.

"Salamat. Nagabala kapa." Ani Jv. Napangiti naman ako ng tanggapin niya iyon at amuyin. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Kapag naging asawa ko'to hinding hindi ko kayang lokohin 'to. Sobrang bait niya para saktan at paiyakin. Sana lang ay parehas kami ng nararamdaman...

Napabuntong hininga nalang ako ng wala padin akong lakas na tanungin siya kung pwede ba siyang ligawan. Ayoko munang madaliin ang mga bagay. Baka masira pa ang friendship namin kapag nagkataon.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon