CHAPTER 6JV'S POV
Naputol ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Nakadilat lang ang mga mata ko dahil sa gulat pero siya ay nakapikit habang patuloy akong hinahalikan.
Sobrang lambot ng labi niya. Pinipilit niyang ibuka ang mga labi ko para makapasok ang dila niya pero hindi ko iyon binuka. Tumagal ng ilang segundo ang paghalik niya sakin.
Natigil lang iyon ng bumukas ang pinto. Biglang lumayo si Lucas sakin. Pagtingin ko ay si Kevin pala yun.
"Jv ang tagal mo naman"
"Uhm... kakatapos ko lang kasing umihi. Natagalan ako sa paghahanap." Pagsisinungaling ko. Napatingin naman siya sa tabi ko at napaangat ang labi ng makita si Lucas.
"Oh, nandito ka pala Lucas. Naguusap ba kayo?" Napansin kong matalim ang tingin ni Lucas kay Kevin.
"Hindi bro nagkasabay lang. Sige una nako" Nauna ng lumabas si Lucas. Hindi man lang ako pinasadahan ng tingin. Nakatayo padin ako at hindi parin makapaniwala na hinalikan niya ko. Bakit niya kaya ako hinalikan? siguro ay lasing lang siya kaya niya iyon nagawa.
"Jv, nakatulala ka nanaman. May problema ba? may ginawa nanaman ba siya sayo?" Ani Kevin. Sasabihin koba sakanya ang nangyari? pero nakakahiya naman kapag nalaman niyang hinalikan ako ni Lucas.
"Wala siyang ginagawa sakin. Nagkasabay lang talaga kami." Ani ko. Pinili ko nalang wag sabihin ang nangyari samin kanina. Mas ok na din iyon para dina humaba pa at makalimutan ko din ang nangyari. Sana lang ay makalimutan ko.
"Tara na. Balik na tayo dun." Pagaya sakin ni Kevin na sinang ayunan ko naman kaagad.
Paglabas namin ay madami ng nagsasayawan. Sobrang lakas ng music. Halos hindi na magkarinigan ang mga naguusap. Bumaling ulit ang tingin ko sa kinauupuan nila Lucas. Nanduon padin siya at panay ang inom. Bumulong naman sakin si Kevin.
"Gusto mona bang umuwi? mukhang hindi ka naman nageenjoy. Nakatingin kalang lagi kay Lucas" Nagiwas naman kaagad ako ng tingin kay Lucas. Naginit naman ang mukha ko sa kahihiyan. Kanina pa pala siya nakatingin sakin. Bat koba kasi siya tinitignan? napansin tuloy ni Kevin. Baka akalain niyang si Lucas ang dahilan kung bakit ako pumayag na sumama sakanya.
"Nageenjoy naman ako. Masaya kaya. Napasulyap lang ako kila Lucas." Ang totoo ay kahit papano ay masaya naman. Minsan lang din naman ako sa mga ganitong party kaya inenjoy kona para din makapag relax.
"Masaya kasi sakanya ka nakatingin." Napalingon ako dahil naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.
"Hindi nga ako nakatingin dun. Nililibot ko ang paningin ko sa buong bahay nato. Tinitignan ko lang kung may kakilala ako" Pagsisinungaling ko ulit kay huli nako sa akto. Bakit koba kasi tinitignan yung mokong na yun? wala naman dapat akong pake sakanya. Wala!
"Uuwi nalang ako, kung gusto mo na umuwi sumabay ka nalang. Wala nakong gana." Ani Kevin at tumayo sa upuan. Maglalakad na sana siya ng tumayo ako at pigilan ang kamay niya.
"Sorry. Promise hindi nako titingin kahit kanino. Dito muna tayo, maya maya na tayo umuwi." Pagkumbinsi ko sakanya at sinamahan pa ng ngiti. Tumingin lang siya sakin ng mataim. Hindi naman siya umalis, bumalik siya sa upuan niya at uminom ulit ng alak. Siya nga ang kasama ko pero sa iba naman ako nakatingin. Iniisip ko padin kasi hanggang ngayon yung paghalik sakin ni Lucas. Para saan kaya iyon?
Napansin kong hindi niya nako kinakausap at kahit tinitignan man lang kaya kinuha ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sakin.
"Kevin? Sorry na. Hindi na talaga ako titingin sa iba. Promise." Tinitigan niya lang ako. Ramdam ko padin ang lungkot niya. Kitang kita sa mga mata niya iyon kahit gabi na.