CHAPTER 31

9.4K 213 16
                                    


CHAPTER 31

JV'S POV

Nasa terrace ako at ine-enjoy ang view.

Sobrang pagod ko dahil di ako tinantanan ni Lucas kahit madaling araw na. Ayun tulog na tulog si manyak.

Sobrang luwag kona siguro. Kahit nanginginig nako at sinasabi kong tama pero ayaw niya parin tumigil at hinahalikan lang ako dahilan para mawala ako sa huwesyo.

Mamaya ay papasok na kami dahil ilang araw nadin akong absent. Sobrang dami kong hahabulin dahil malapit na ang exam.

Babalik sana ako sa kama para matulog ulit sa tabi ni Lucas. Kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at binuksan, nagtaka ako kung sino ang nagmessage sakin at may sinend na video.

Bigla nalang akong kinabahan. Wala sana akong balak i-open pero dahil sa pagtataka kung ano iyon binuksan ko nalang.

Habang pinapanuod ang video. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Parang gumuho ang mundo at parang may tumatapak sa puso ko.

Di ako makahinga at iyak lang ako ng iyak ng walang ingay.

Makita mo ang taong mahal mo at isang babae sa kama na nakahubad habang naghahalikan. Masakit. Sobrang sakit. At si Samantha pa ang babaeng kahalikan niya.

Parang pinapaso ang puso ko. Nanginginig din ang kamay at mga tuhod ko.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at di pinansin ang mga nababangga ko. Basta takbo lang ako ng takbo, hanggang sa makalabas ako ng gate at pumara ng taxi.

Umiiyak parin ako habang nasa taxi, binigyan pako ng tissue ng driver, nakakahiya tuloy.

Sinabi ko nalang ang address ko at hinatid niya naman ako ng maayos.

Tinuyo ko muna ang mga luha at inayos ang sarili bago pumasok sa bahay. Ayokong makita ako nila mama at papa na umiiyak.

Nakita ko naman ang gulat sa reaction nila. Dahil ang pagkakaalam nila mamayang hapon after class pako uuwi.

"Good morning anak" bati sakin ni papa at mama.

"Bakit ang aga mo umuwi? Kala koba sabay kayong papasok ni Lucas? Hinatid kaba niya?" Ani papa.

"O-opo hinatid niya ako. Umuwi lang po ako kasi nakalimutan ko yung uniform ko" pagsisinungaling ko.

Tinitigan ako ni papa na matalim at parang nagtatanong. "Bakit namamaga ang mata mo?" sabi na nga ba eh, kabisado kona si papa kapag ganun ang tinginan niya.

Hindi ka niya tatantanan habang dika nagsasabi ng totoo.

Pinilit kong ngumit kahit feeling ko ay may babagsak nanamang luha sa mga mata ko.

"Kulang lang po siguro sa tulog." nagmano ako sabay takbo sa taas.

Nilock ko ang pinto at napadausdos paupo sa pinto.

Nagsimula ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Nagflash nanaman ang video nayun sa utak ko.

Niloloko niya lang pala ako? Kailan pa?

Sabi niya wala silang naging relasyon nung babaeng yun pero may patunay na eh. Hindi naman siguro sila magsesex kung trip trip lang.

Pumasok ako sa banyo sabay hagis ng cellphone sa pader. Pinutol ko ang sim ko at ni-flash iyon sa inidoro.

Buti nalang konting gasgas lang ang nangyare sa cellphone ko at gumagana pa.

Binagsak ko ang katawan sa kama at nakatulala lang sa kisame habang patuloy parin ang luha.

My Pervert Bully | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon