CHAPTER 10JV'S POV
Nakaawang padin ang labi ko habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Hindi padin ako makapaniwala. Siya ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito? Pero paano? Bakit hindi nalang siya lumapit sakin at magpakilala.
"Yung laway mo tumutulo. Alam ko namang gwapo ako pero hindi mo naman kailangan ipahalata na naglalaway ka. Mukha kang aso na naglalaway sa buto." Humalakhak ito na ikinasara ng labi ko. Aba! Hambog talaga. Siya na talaga ang pinakahambog na malibog sa buong paaralan na ito. Walang iba kundi si mokong... este si Lucas na malibog.
"Hoy! Hindi ako naglalaway sa katulad mo. Kadiri ka! At isa pa bakit ngayon kalang nagpakilala?" Mataray kong sagot habang nakaangat pa ang kilay. Wait! Ibig sabihin siya yung humalik sakin? Ibig sabihin din na dalawang beses niya nakong nahalikan? Shit! Bakit sa dinami dami ng taong pwede kong mahalikan, bakit ito pang ungas na ito. Oo gwapo naman siya at disente tignan kaso yung ugali. Hindi ko talaga matatanggap!
"Wala kang pake kung kailan ko gusto. Pasalamat ka nga at gwapo ang humalik sayo. Pano bayan naka two points nako, baby." Ani Lucas sabay kindat sakin. Ngumuso pa ito at napairap nalang ako. May pa baby baby pa siya dyan babaero naman.
"Mas ok nako sa pangit ang nakahalik sakin pero maganda ang ugali kaysa sayo. Manyak ka na nga, malibog kapa at hindi lang iyon babaero ka din kaya ayoko sayo!" Ani ko. Tinalikudan ko siya at palabas na sana ng higitin niya ang braso ko dahilan para mapalapit sakanya at magkadikit ang dibdib namin.
"L-lucas? Ano ba! Binatawan mo nga ako." Ani ko. Nakahawak siya sa baywang ko dahilan para hindi ako makawala sakanya. Hinahampas ko na siya sa dibdib pero parang hindi man lang siya nasasaktan.
"Paano kung ayoko? Anong gagawin mo? Kahit hampasin moko ng paulit ulit hindi ako masasaktan, baby." Ani Lucas. Napatigil nalang ako sa paghampas. Nakakainis naman kasi e. Bakit hindi siya nasasaktan! Bakal ba ang dibdib ng lalaking 'to?
"B-bitawan mo nalang ako, please? Papasok nalang ako. Baka mahabol pa." Ani ko. Binitawan niya naman ako na ikinahinga ko ng maluwag. Kanina kasi ay nagpipigil pako ng sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Sige. Tara na sabay na tayong bumalik. Baka mahuli pa tayong nags-skip ng classes." Aangal sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinatak paalis sa abandonang room na iyon. May ilan pading studyanteng nakakalat at nagugulat nalang ng makita kaming magkahawak ang kamay.
Yumuyuko nalang ako dahil nahihiya akong humarap sa tao. Huminto si Lucas na ikinaangat ko ng tingin. Nakatingin ito sakin at napatingin ako sa kamay ko ng pagsiklubin niya ang bawat daliri namin. Ngayon ay magkaholding hands na kami na ikinangiwi ko.
"Better. Dapat ako lang ang pwedeng humawak sa kamay mo. Ako lang ang pwedeng humawak sa baywang mo at higit sa lahat ako lang ang hahalik sayo. Maliwanag?" Ani Lucas. Nakatitig lang ako sakanya at nasa isip padin ang mga sinabi niya. Bakit naman niya ko inaangkin? Hindi ko naman siya jowa. Kung makaasta naman 'tong lalaking 'to.
"Maliwanag ba? Oo o hahalikan kita?"
"H-ha?" Takang tanong ko. Shit! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Oo o hahalikan kita? Sagot! Ayoko ng mabagal!" Maotoridad na saad ni Lucas na ikinataas ng balahibi ko.
Tumango naman ako na ikinangiti niya. Mas ok ng pumayag kaysa naman halikan niya ulit ako. Wala naman nakong magagawa sa mokong na'to.
"Good. Ano kaya kung buntisin na kita para hindi na makalapit yung Kevin na yun." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Takte naman Lucas bakit kaba ganyan! Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko. Piling ko nga ay namumula na ang pisngi ko dahil sa mga linya niya.