Phase 2

132K 4.7K 2.2K
                                    

Phase 2





Magaang tampal sa aking pisngi ang bahagyang nag pagising sa kalahating ulirat ko, I murmured sleepy curses. Bakit ba ginigising ako? Kapag tulog, dapat hayaan. Kaya nga natulog, e. Dahil inaantok, hindi dahil alive! Kung bet kong magpagising, dapat hindi na ako natulog!

Where's the common sense? Naging common since na?

Kabobohan ng peeps ngayon, iba!

"Huwag mo akong gising, puta naman. Sarap sarap ng wet dreams ko, e." I murmured sleepily.

Hinawi ko ang kamay na tumatampal sa aking pisngi at tumagilid ako ng pagkakahiga, inunan ko ang aking pisngi sa magkasiklop kong mga kamay at lumunok-lunok para bawiin ang patulo ko ng laway. Sayang naman, tubig din 'to. Iwas dehydrate.

I heard a low like ice chuckle.

"Wake up, your friend is waiting." he whispered then tapped my cheek again in a very gentle manner.

Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay para hulihin at pahintuin sa paggising sa akin, I placed his huge hand on my cheek. It feels nice for a man to have a soft hand like this. Parang hindi lalaki. Mas lalong nakakaantok ang dalang init noon sa aking balat.

Sino kaya ito sa cast ng Alice in wonderland?

I smiled sluggishly.

"Maya na kapag hindi na wet dreams. Mabibitin ako." bulong ko ulit nang wala sa sarili.

Hinihila ako ng kalangitan ng dreamland, hindi naman wet dreams pero feeling ko ako si Alice in wonderland dahil sa setting ng lugar. There are tall trees around with a lot of bunnies, may kambal na nakastripes at kalbo. May isang babaeng maliit ang labi na hugis pwet ng manok at mataray ang mga kilay.

"The fuck, how can I dry you up, then?" he uttered so low, para sa akin lang.

"BJ kita," pikit ang mga matang ngumisi ako. "Bugbog Jutay to get bigger, tutal deserve mo naman. Ano? Fight me!"

Akmang magmumulat na ako ng matalim na tingin nang bigla kong maramdaman ang lagutok at hapdi sa aking pisngi. Isang sampal mula sa palad na kasing gaspang ng paa na may kalyo ng basketball player. Masakit iyon pero walang talab sa aking kaantukan kaya nagpatuloy ako sa pagpapahatak muli sa antok, kinalimutan ko ang sinabi noong lalaki.

I heard him gasp just near beside me. Narinig ko na ang tila makina ng yate na boses ni Hilda.

"Hoy, Inocencia Bistre Santiago itchy worms keps! May pa wet dreams ka pang nalalaman diyan, e, hindi ka pa nga nakatikim ng KFC! Inocencia! Inocenci-"

Napamulagat ako na parang kwago, nawala ang antok ko biglaan dahil sa kanyang pagtawag sa pangalan kong hindi ko kailanman binulgar kahit kanino.

"Putanggala ka! Pakyu ka, Hilda! Gago! Sige ituloy mo! Papakain ko sayo ang kamao ko kasama ang jutay ng boyfriend mong si Leo de nakulangan sa titan na expired! Fuck shit!" sigaw ko sa sobrang galit.

The fuck with her! Why does she have to mention my fucking ugly name at the moment I am this fucking sleepy and tired!? Hinahamon ba talaga ni Hilda ang mala Flame of Recca kong kamao?

My eyes were blazing as I looked at her directly, kinuyom ko ang aking kamao. She laughed so hard with Leo and Nana, naroon sila at ngayon ko lang napagtantong wala pala ako sa kamang malambot gaya ng aking nasa panaginip kanina.

"Tanginamells, Inocencia, pero ang bunganga... swak sa pagiging inosente! Nahiya ang spanish name, uy! Ah my gold, I feel bad for this man who brought you home here. Sayang, turn off na sayo. Daksi pa naman." sambit ni Nana habang napapailing at tawa ng tawa.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon