Phase 23

88.8K 2.6K 531
                                    

Phase 23



Kapag dumarating si Mama ay umuwi na rin si Ridley dahil may kasama na ako, madilim na ang kalangitan noon. Madalas na uwi niya kapag ganitong oras dumarating si Mama, minsan kasi ay sa tanghali pero ngayon madalas na sa gabi.

"Nobyo mo ba si Ridley, Tercia?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga unan sa upuan at nilingon siya.

"Hindi, Ma." iling ko.

Huminga siya ng malalim. She looks so tired and depressed, sa nagdaang araw ay ganito naman ang nakikita ko sa kanyang mukha na hindi ko mabatid kung anong pinoproblema pa. Masaya na nga siya at hindi gumagastos sa bahay dahil kinakaya ko naman para sa amin.

"Nanliligaw?"

"Hindi rin, po." amin ko sa katotohanan.

Nagdududa siyang tumitig sa akin at tila tinitimbang ang lahat sa aking mga mata o kahit kilos ng mukha.

"Kayong dalawa ang madalas na nag-iisa sa bahay na ito-"

Napatayo ako agad para suminghap.

"Hindi naman po ibig sabihin noon ay gumagawa kami ng iniisip ninyo, Ma. Hindi po ganoon si Ridley!" halos pasigaw kong sinabi, I couldn't take it anymore.

I just couldn't believe she's saying this! And what is it to her? May pake pala siya sa gawain ko ngayon? Alam ko namang pinoprotektahan niya ako sa mga lalaki at siya ang nag-utos sa akin na huwag akong masyadong malapit sa mga lalaki kaya iniwasan ko ang mga nakikipagkaibigan noon, ngayon si Ridley lang ang nakatagal at talagang nagpursige na kaibiganin ako. Hinayaan ko dahil alam kong disente siya at maayos. I know the nature around, I won't be disappointed in my decision to be friends with him.

"Hindi rin ganoon ang ama mo noong una, Tercia! He never touched me! Sa una lang iyon pero anong ginawa niya, ha? Pinakialaman niya ako kahit alam niyang may asawa siya!"

"Hindi po sila iisa ni Ridley!" iritado kong sambit.

Ngayon lang ako nairita kay Mama ng ganito, masyado na kasi siyang sumusobra at sumasama pa sa bigat ng loob ko ang mga gawain niyang hindi ko naman pinapakialaman pero siya ay ganito sa akin parati. Ni hindi nga pumapasok si Ridley sa bahay! Sa labas lang kami parati nakatambay at naghihintay sa pagdating niya.

Hanggang ngayon pala ay inaalala niya parin ang nangyaring pagkakamali sa kanila ng ama ko? Hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya parin na nagpahawak siya at ako ang naging bunga! That freaking hurts, and damn me for that. Until when she will regret everything? That I'm now here, that I was born and she gave me life? I'm fucking twenty now, and this is still the issue she's arguing.

Lumaki ang mga mata niya sa gulat sa aking pagsigaw at biglaang iritasyon. Dinuro niya ako sa panggagagalaiti.

"At iyan! Iyan ang tinuturo sayo ng lalaki mo? Ang lumaban at sumigaw sa akin?!"

"Ma!" kunot na kunot noong sigaw ko dahil sa emosyong kumakawala, napupuno na ako! "Hindi po ganyan si Ridley! Tumigil kayo sa pag-iisip ng masama sa kanya dahil kahit kailan ay hindi siya gumawa ng mali sa akin!"

He's my only fucking friend in this place! He's the only one who understands me without any judgement! Pati ba naman pagkakaibigan namin ay pakikialaman niya? When can I own my decision?

Nakatanggap ako ng malutong na sampal mula kay Mama dahil sa pagsigaw ko.

"Wala kang karapatang sigaw-sigawan ako, Tercia! Hindi porque napapalamon mo na ako ay mawawalan ka ng respeto sa akin! I'm the only one who raised you! You can never be what you are right now without me!" sigaw niya sa akin.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon