Phase 32

85.2K 3.1K 773
                                    

#EFphase32

Phase 32



I was just crying the whole time.

"Hindi mo ba nakakausap ang mama mo?" Ridley asked quietly.

"H-Hindi na..." iling ko, pigil ang hikbi.

He helped me out. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na kailangan ko ng tulong pero kinabukasan matapos niya akong itext nang gabing iyon ay nasa bahay siya, naalala ko pa ang ilang tukso ni Hilda sa amin na hindi ko pinuna pa dahil wala talaga ako sa tamang huwisyo.

He had two plane tickets for us that morning, patungong Zamboanga. I was damn thankful to him, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling walang gabay niya sa mga oras na iyon. I was devastated and so tired. Balak kong kumuha ng ticket pabalik ng Zamboanga pero hindi ko naman alam kung paano maging mag-isa sa oras na kailangan-kailangan ko ng karamay.

Ni hindi ko alam kung paano tumagal ng isang oras na hindi ako naluluha. Ang dami-dami kong iniisip, ang dami kong sakit na nararamdaman na tila pati aking katawan ay gusto nalang bumigay at ang utak ay gustong matulog na lamang upang hindi na maramdaman pa ang kahit anong sakit.

My soul wanted to come out of this body because of tiredness, emosyonal man ang sakit ay damay ang pisikal. I tried to hurt myself that night, I'm regretting everything... I'm fucking scared that I might lose myself before losing everything I have loved. Parang ginusto ko nalang na masaktan ang sarili ko upang maibsan ang sama ng loob.

Napatingin ako sa aking pulsuhan, mabilis ko iyong tinabunan ng aking jacket pero bago pa man maitago ay hinaklit na ni Ridley ang aking braso. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, agad kong binawi ang braso pero mariin na niyang hawak iyon. Halos masaktan pa ako dahil sa paraan ng paghawak niya dahil may sugat.

"What the hell, Bistre? What did you do?" he hissed and looked at me promptly with anger and frustration in his eyes.

Suminghap ako at umiwas ng tingin.

"I didn't do that deeply, it's just nothing." malamya kong sinabi at binawi ang braso ko.

I didn't really cut deep, it's just three scratches actually. Malayo sa bituka, wala akong balak magpakamatay kung iyon man ang naisip niya. Gusto ko lang talagang magbuhos ng sama ng loob sa pamamagitan noon. I just tried to hurt myself 'cause I thought it would somehow ease the pain I'm feeling inside, well... it was a bit relieving but I won't do again. It's a sin.

"Hindi iyan ang solusyon sa mga problema, Ter." aniya sa iritasyon. "If you think, hurting yourself physically can make you better then no, Bistre. It wouldn't help you, mas lalo ka lang masasaktan."

Bumuntong hininga ako at tumango na lamang, nakatitig lamang ako sa cellphone ko sa higit isang oras na biyahe ng eroplano. I was just swiping our pictures on my gallery, it's my calming view. Cyprian's candid photos and our pictures together, we looked so happy and content with each other.

I gasped sedately and started marking our pictures one by one, I know I can't go back again. Hindi ko na rin kailangan pa ng mga alaalang mahirap kalimutan, I really need to delete all the memories we had and shared. Wala lang, ayaw ko nalang muna ulit masaktan habang nasasaktan pa sa sugat ng kahapon at kasalukuyan.

Mabigat ang aking dibdib habang pinapanuod ang isa-isang pagkawala ng mga litrato namin. My heart crumpled painfully, slowly stabbing me in different ways of pain I don't wanna feel anymore.

Oras na tumungtong akong muli ng Villa Terrazas ay alam kong hindi na ulit ako makakaalis, that's the reason why I don't wanna go back to the home of my reality... and everything. Kasi kahit anong tanggi ko na ito ang katotohanan ko ay dito parin ako babalik dahil narito ang mahal kong ina.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon