Phase 36

106K 3.2K 2.6K
                                    

#EFphase36

Phase 36

My relationship with Cyprian do nothing but a pure blissfulness. Next days since that morning we shared, we became each other's pill. Pill of happiness, tiredness and all the feelings.

"Dude, hindi madaling maging CEO at engineer the same time." halakhak ni Zarjiel Alarcon.

"Engineer ka ba?" maarteng tanong ng babae niya ngayong gabi.

Nagtawanan ang mga kaibigan nila, Cyprian was playing with my hair while listening to their talk.

"He's a psychology grad," tawa ni Phallius. "And being a woman with a name in Star Company would be a prospect of his program."

Mas lalo silang nagtawanan, nakikisabay ako sa tawanan dahil naiintindihan ko naman ang usapan. Kanina pa nga nagbabarahan at nag-aasaran si Zarjiel, Bronson at Phallius. Sila ang madalas kong marinig na bumabangko sa bawat usapan kaya umiingay lalo ang kanilang pagsasama, kasi kung si Cyprian, Cali, Linus, Primo ang maiiwan? Siguradong kanina pa ako nakatulog dahil sa pagkapanis ng laway ko.

I don't get it, Cyprian was talkative when we're alone but not with his group of friends and cousins. Hindi ko siya makitaan ng makulit na aura kapag kasama namin ang mga kaibigan niya sa isang lugar, pero nakikitawa naman siya sa napag-uusapan. Iyon nga lang ay nakakapanibago sa akin kapag kaming dalawa nalang ang magkausap.

Come on, Cyprian Altair Villareal Segovia is a fucking talkative, naughty and damn childish! He usually baby talks, use 'opo, po' in his deep childish tone. Tapos kapag kasama ang mga kaibigan ay hindi siya masyadong nagsasalita.

"Bakit ang tahimik mo kapag kasama natin mga friends mo at pinsan?" naisipan kong itanong ngayon.

I want him to be entertained, kahit na dapat ako ang ini-entertain niya. Wala, e. Narito ako sa gitna ng kaingayan kasama namin ang mga kaibigan niya pero heto siya at abala lang sa paglalaro at pag-amoy sa aking buhok. Nakakahiya naman sa akin, baka maboring ang boyfriend ko.

Marahan niyang inamoy ang aking buhok at hinaplos ang kanyang ilong sa aking sentido.

"Do I need to be noisy around them?"

"Why not? At least, sana nakikipag-usap o nakikisali ka. I just noticed how quiet you are with them. Kinakahiya mo ba na kasama ako?"

His friends were all nice! Masayang makasama at makausap dahil tila lahat ay mapag-imbita, noong una ay medyo nahihiya pa ako dahil baka may nasabi si Prian sa kanila noong nakaraang tatlong buwan. Baka nasabi na kasal ako o ano man. I just don't like the judgement, sensitive ako sa ganoong usapan kahit na ang ugali ko sa Laguna ay talagang nakakahusga.

His forehead wrinkled while staring at me.

"What made you think kinakahiya ko ikaw?"

"Kasi, kapag tayong dalawa lang naman ay madaldal ka at maharot. Madalas, malandi pa. Pero kapag kasama na natin sila parang nagtatago ka nalang sa dilim. Naisip ko baka nahihiya ka kasi kasama mo ako."

"Tss, don't think like that again. Hindi kita kinakahiya, never. Kung may kinakahiya ako, it's them." hinalikan niya ako sa pisngi ng madiin. "Ang gorgeous ng girlfriend ko, I'm fucking proud."

"Sus, hindi ako kasing ganda ng mga jowa ng kaibigan mo. They're so fit for them unlike me... I'm never proud to see that." nakanguso kong sinabi.

Magaganda talaga ang mga nakikita kong nakakasama sa aming paligid, lalo na ng mga dinadala ng kaibigan niya. Hindi ko maiwasang magkumpara, para kasing sampal iyon sa akin. I mean, they are free while I'm still the forbidden and Prian was unfortunate for having someone like me with a chain. Sa kanila, walang mali. Walang kasalanan.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon