Phase 35

104K 3.2K 689
                                    

#EFphase35

Phase 35




Just like what Cyprian said, we went back to Laguna. Kailangan niya rin kasing bumalik ng trabaho, samantalang ako ay mag-aapply naman sa iba't-ibang puwedeng mapasukan. Hindi talaga sapat ang sahod ko sa isang fast food restaurant doon sa Villa Terrazas, mas mataas parin ang nakukuha ko sa dating trabaho. Balak kong bumalik doon at mag-iipon na talaga para sa pagtatapos ko ng dalawang taon sa arkitekto.

Mas maayos ang magiging trabaho ko oras na maging arkitekto, iyon talaga ang pangarap kong trabaho noon pa man. Naniniwala akong may purpose ang talento ko sa pagguhit kaya ito binigay ng Dios sa akin, hindi naman ito ibibigay kung walang kwenta lang. This will help me live.

Marami akong pakiusap sa lola at tiyahin ko bago umalis, iyon ay ang tawagan ako oras na bumalik si Juancho Bernaldez ng Zamboanga. Nagpaalam din ako kay Statice noon, kung noon ay wala akong naiwang contact sa kanya, ngayon ay kinuha namin ang magbibigay koneksyon sa amin kahit na magkalayo. Nabanggit niya sa akin na umuwi si Embry ng Spain kaya wala na rin noong magkita kaming dalawa.

They respected my decision, kahit noong magkita kami ay panay ang banggit niya sa paglelegal sa akin bilang Zobel. Hindi ko iyon pinabulaanan, hindi ko na rin binawi ang balitang nakalap nila tungkol sa pagpapakasal ko kay Juancho. Hindi ko iyon itinanggi pero iniwasan kong pag-usapan.

Mama ko ang iniisip ko, alam ko kung gaano niya kaayaw na magpakita ako sa mga Zobel, partikular sa aking ama. Ganoon din kasi ang gusto ko, ginusto akong mawala ni Amadeo Zobel, bakit pa ako magpapakitang buhay kung ganoon? Mabuti nang maisip niyang wala talaga silang naging bunga ni mama noon. Batid kong sarado rin naman sila Statice sa kaalamang iyon, hindi nila sinasabi o baka wala lang talagang pakialam ang ama ko kahit buhay ako.

"Nakakainis, Ter. Ang hirap-hirap mag move on, buti nalang andito ka na para samahan ako." si Hilda nang tuluyan akong makauwi sa apartment.

Cyprian didn't stay long, hinatid lang niya ako sa gate at umalis na rin. Pagkalapag ng eroplano ay naging mabilis ang oras, he received calls from his mother and other people connected to work. Talagang abala pala ang buhay niya ngayon dito sa Laguna, kung sabagay ay ilang buwan din siyang nawala noon dahil nangibang bansa. Maybe, I can ask about it some other time. Hindi ko kasi tinatanong sa kanya ang bagay na iyon.

He texted me, mga ilang minuto lamang simula nang magkahiwalay kami.

Cyprian:

I'm home, you should rest.

Ngumuso ako, pinakikinggan parin ang hinaing ni Hilda habang binabasa ang text niya. Sumunod pa ang isang text na mukhang pahabol.

Cyprian:

I love you, bibi.

Maghahapon pa lamang nang makarating kami, nakatulog naman ako sa eroplano kaya hindi ko kailangan ng pahinga. Makikinig na lang muna ako kay Hilda.

Me:

I love you, bhebhe qouh.

Cyprian:

Jejecia. Haha.

Cyprian:

Love you, punta muna ako sa bahay ni Mama, bi. I'll text you when I get there.

Me:

Okay, ingat. Lalalabyu. Muwa-muwa chupachups.

He'll be busy here... naiintindihan ko iyon. Nagtaka ako dahil may iba palang bahay si Prian na bukod sa kanyang Mama, hindi ko inaasahan iyon. Akala ko kasi ay nasa iisang bubong parin sila, iyong kapatid niya naman ay nasa ibang probinsya raw ngayon kaya siya ang inaasahan ng mama niya.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon