Phase 8

115K 3.5K 512
                                    

Wow. I'm back here! Enjoy reading!

Phase 8



Lesson learned: Don't over tease a daksi.

Dear, Master Buten. Sorry for being so nice, sa sobrang nice ko ay hinayaan kong matikman ang universe ko. I'm so fucking screwed! Ooops, wkwkwk... sorry again for the cursing, I promise to never see him again. O kung magkikita man kami ay iiwasan ko na siya. Sorry talaga, Master. Naging huwaran at mapagbigay ako. Hay. -Truly yours, Bistre the half pure Universe nalang.

Lesson learned: Itali ang buhok at mag turtle neck kapag may ganoong pangyayari para walang sakit at bakas, joke!

Napabusangot ako habang hinahaplos at tinitingnan sa salamin ang aking leeg at dibdib, dalawang araw na simula noong nangyari iyon at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapagsuot ng sleeveless o pang sexy na damit dahil sa mga hickeys na ito.

I could still feel how he kissed me, parang tumatak iyon sa aking balat at hindi ko maalis kahit anong pagligo ang gawin. Pagkatapos ng gabing iyon ay agad akong nagbabad sa banyo para lang alisin ang init na kanyang ibinigay sa akin.

Darn it, I really should stop thinking!

Padabog kong hinubad ang cotton shorts ko, hinayaan kong nakabra at panty lang tutal wala naman tao sa apartment ngayon dahil si Hilda ay sumama sa jutay niyang boyfriend kasama ang pamilya nito. Sinasama pa ako kaso wala akong gana dahil hindi rin ako makakapag two piece dahil sa gawang ito ni Daksi.

No way in hell I'm gonna let my friends see these red spots on my body! Bukod sa half shy ako ay ayaw kong mag ingay pa sila sa ganitong bagay na dapat ay pribado at ako lang ang nakakaalam. Though, my friends aren't keeping secrets when it comes to this but I never asked for them to tell it anyway, so I won't tell mine.

Private experiences should be private and this is nothing to be proud of! Hindi ako proud na natikman kaya hindi dapat ipagmalaki, pero... hmm, sige okay, gwapo naman siya at hindi na masama dahil alam kong hindi naman siya kiss and tell na lalaki. May respeto siya at disente pero hindi niya siguro talaga kinaya ang mga pangdidirty talk ko kaya ganoon.

Lesson learned: Stop dirty talking with a man, they are evil when ulam is in front of them and dirty talking!

Sino ba namang hindi matutukso sa ganoong klaseng babae? Sa akin? Tsss, actually, lahat natutukso pero hindi ako. Isang beses lang akong naging mapagbigay at hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang aking pagiging iresponsable sa oras na iyon.

Maybe I was evil mode on, too. At that moment...

Humiga ako sa carpet sa aming sala habang nag i-scroll down sa news feed ng Facebook, maingay ang telibisyon. Oggie and the cockroaches ang kasalukuyang umeere, bumuntong hininga ako at padabog na pinindot ang remote para patayin iyon.

Wala naman akong maintidihan, kulang nalang mag wkwkwk sila, e. Umirap ako at gumulong padapa habang abala sa aking cellphone, sobrang boring ng bahay at buhay ko sa dalawang araw na lumipas. Puro tulog at kain lang ang ginagawa ko kapag tapos ng trabaho.

Trabaho, uwi, kain, tulog. Repeat.

I opened my messenger, sa sobrang kawalan ng magagawa ay sa messenger ako kakapit. Pwedeng asarin ang mga nasa group chat kong kaibigan o kaya naman si Hilda at Leo na nasa bakasyon. I grinned wickedly and nodded like crazy.

Sunod-sunod ang naging tunog ng messenger notification, karamihan doon ay puro mga lalaking nagchachat sa akin ng "hi" walang kasawaan! Puro hi, mga highschool naman! Mayroon din namang mga kaedaran ko pero hindi talaga ako ginaganahan na magreply.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon