Phase 20

91.6K 3.2K 723
                                    

Phase 20




Hindi ko sinuway ang kagustuhan ni Mama sa nagdaan pang mga buwan, kasabay ng aking pangako sa kanya ang pangako sa aking sarili na kahit kailan ay hindi ko siya susuwayin sa kahit anong kagustuhan at palagi lamang susundin. I want to make her happy, at least, that can make her feel my love for her is always sincere as a daughter.

Siya ang nagluwal sa akin, dapat lang na sa kanyang tabi ako sa kahit anong oras o kahit pa nalaman kong mayroon ako ama at mga kapatid na hindi pa kilala. Wala akong balak kilalanin dahil alam kong hindi rin naman ako welcome sa pamilyang mayroon sila.

"Can I sit here?"

Isang pormal na tinig ng babae ang aking narinig habang abala ako sa aking ginuguhit sa papel, hindi ko siya tinapunan ng tingin at tumango lang ako.

This is our school's cafeteria so I won't mind sitting with some students who couldn't find a seat, isang tubig at biscuit lang ang nasa aking lamesa na hindi ko pa nababawasan dahil masyado akong gahol sa oras na maipasa ang disenyo ko sa aming propesor. She gave me one hour and yet I'm still doing this wrong! Marumi at hindi ako makuntento.

"Your linings are perfect." muling pormal na sinabi ng babaeng nakiupo sa harapan ko.

Lumukot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko malaman kung totoo bang pamumuri iyon o talagang insulto dahil sa tono ng kanyang pananalitang walang buhay o liwanag. Nag-angat ako ng tingin habang binubura ang mga dumi sa paligid ng disenyo.

She's... a transferee student, also a classmate. Parati ko siyang nakikita sa paligid bukod sa kaklase ko siya sa ilang subject ay madalas ko rin siyang namamataan kung saan lang na malapit sa akin. Marahil ay wala siyang kaibigang makuha, kaya ngayon ay nagkaroon ng lakas na lapitan na ako.

Well, students here aren't really friendly especially to transferees. Kaso sa akin ay ilag talaga ang iba dahil wala naman akong maiooffer sa kanila gaya ng pagiging susyal at high profile. Hindi ako mayaman kaya walang sumubok makipagkaibigan kahit na ilang taon na ako rito. Iyon lang.

Her lips curled a bit like she knew what I'm thinking. She looked so formal and prim while sitting there, her tray has a pair of different foods and drinks.

"Oh, that's a compliment." she averred steely.

"Thank y-you." medyo alinlangan kong sambit.

Mula sa kanyang buhok at pananamit ay hindi ko nakitaan ng kahit anong gusot at karungisan, her eyes were tantalizing and hazel, nose is embossed, plain thick eyebrows that were actually good on her whole face and thin pinkish lips even without coloring it.

"You're welcome..." she bounced back in her british accent.

I smiled. "Kaklase kita sa ilang subject, hindi ba?"

Hindi siya palasalita sa klase, oras na tanungin siya ay saka lang siya nagsasalita. She doesn't look really friendly, kaya siguro hindi na sumusubok ang mga babae naming kaklase na lapitan siya ay dahil masyado siyang intimidating.

"On purpose." she stated and nodded briefly.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi, pero ngumisi ako ng tipid.

"Siguro boyfriend mo ang isa sa kaklase natin?" biro ko, masyado kasi siyang pormal kaya sinubukan ko nalang.

Puwede naman kasi, iyong isa naming kaklase ay nagpalipat sa kabila dahil doon ang kanyang girlfriend kaya hindi malabo kung ganoon din ang kanyang sadya. Kaya lumipat ng school at doon sa aming section nagpalagay. May ilang guwapo rin sa aming klase pero kahit isa naman ay walang lumapit sa kanya, parang mga takot o ewan.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon