Phase 24

101K 3.3K 1.2K
                                    

Phase 24





Napamulat ako nang may yumugyog sa aking braso, bullets of cold sweat on my forehead were brushing down my cheeks as I felt myself in my awoken right mind. My eyes immediately heated with unshed tears, suminghap ako sa gitna ng pagkahingal.

"Bad dream?"

I heard a cold and deep but gentle voice beside me, kunot ang aking noo habang hinihingal at halos maiyak na. I tried to turn my head to where the voice came from, and there I found myself crying like a kid when I finally saw him. My heart is crumpling terribly, he gasped and howled like a tamed beast and I felt him embracing me tightly.

"Shhh..." he hushed modestly. "It's just a bad dream, Cencia. Come on..." he cupped my cheeks and looked into my full of tears eyes.

He embraced me in his right arm, while his other hand caressed my cheek to wipe the tears away. Panay ang paghikbi ko, parati namang ganito. Magigising sa gitna ng pagtulog mula sa madilim na panaginip, madilim na kahapong patuloy na sumasariwa sa bawat paggising.

Napasulyap ako sa aking cellphone sa bedside table, I wanted to run and get it to text Mama but... I know, I should not. I ran away from her, I left her because I want to live my own. I don't want her hold anymore, I don't want her light again so I should stay where I chose to go on. Myself. Here. Without her.

And this is just my usual dream in every night, dapat masanay na ako roon. Sa loob ng dalawang taon, halos magtatatlo na ay hindi na dapat ako naaapektuhan ng panaginip ng kahapon.

Hinayaan akong magpakalma ni Cyprian sa kanyang bisig hanggang sa nakatulog ulit. I woke up without him beside me, mabibigat ang mga mata ko nang magmulat. Marahan akong umupo at kukunin sana ang cellphone ngunit napansin ko agad ang isang sticky note sa aking balikat kaya hinila ko iyon.

Sorry for leaving early, I received an urgent meeting call with mom and Caspian. I prepared you breakfast, eat well. —Daksi :D

Napaisip pa ako kung siya nga ang nagsulat nito? It looks like a penmanship of some engineers. Malinis at nasa wasto, hindi iyon naglalakbay na parang kinalayod ng manok.

Napasinghap ako at umiling, I smiled slightly in awe. Tuluyan kong kinuha ang cellphone, napunto ang tingin ko sa tukador. Naroon ang isang tupperware, bottled mineral water at fresh milk. Mas lalo tuloy akong napangiti, I opened my phone and I saw his name in the screen.

May mga texts na siya roon magmula kanina.

Iyong totoo, anong mayroon? Bakit ang sipag ni Daksi magparamdam bigla?

Cyprian:

Still sleeping?

Cyprian:

Meeting started.

Cyprian:

The meeting is boring, I want your texts.

Ilang minuto na ang lumipas sa text na iyon.

Napairap ako habang nanunulis ang nguso. So kapag boring ako agad ang maiisip niya? Hindi naman ako ginawang clown 'no? Arte mo, Bistre! Feeling ganda ka na naman, shoo!

Cyprian:

Still on the meeting. Wake up, Cencia.

Cyprian:

Cencia. Cencia. Cencia.

Unti-unting pumarte ang labi ko. Seriously? Pagkatext niya na nag-umpisa na ang meeting ay ilang minuto palang at humabol na ng ganitong text! Ang OA, ah! Kalahating oras palang siyang nasa meeting kung ganoon. Anong oras siyang umalis dito?

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon