Phase 13

107K 3.4K 1K
                                    

Phase 13




Ngumuso ako habang tamad na sini-sway ang aking shoulder bag. This whole day wasn't really nice for me, ang sakit ng ulo ko at mga braso sa hindi malamang dahilan. Nginitan ko ang ilang mga katrabaho na nagpapaalam at bumabati na sa akin, nilapag ko muna ang bag sa aking paanan nang marating ng bus stop sa tapat lamang ng kumpanyang pinapasukan ko.

I entwined my hands and started stretching my arms and waist, I gasped in relief as I felt my bones resounded. Ilang binatilyo mula sa kilalang eskwelahan ang nakita kong napalingon sa akin na naghihintay din sa bus stop. I smiled and raised my brow because of their looks, agad silang nag-iwasan ng tingin na tila kabado.

Scared, fuck boys? Tss, bibilangan ko lang iyan...

I smirked pensively.

Wala si Caelan ngayon kaya wala akong kasabay magbus, napabuntong hininga ako nang maalala ang huling pag-uusap namin ni Cyprian noong isang gabi. Hindi ko na siya pinansin simula noon, tumakbo agad ako sa loob ng bahay at nagkulong sa silid. I got fifty six missed calls from him only that night and forty eight last morning.

Not bad, but nice try. Muntikan ko nang masagot sa pang fifty seven at forty nine, mabuti nalang at hindi na ulit nasundan ang maraming pagtawag na iyon. Kaninang umaga naman ay nasa locker buong maghapon ang cellphone kaya hindi ko rin nasagot. He didn't text me any word, talagang tawag lang at isang "sleep well" galing din talaga, e. Siya ang nambadtrip sa akin, may gana pang magtext ng ganoon.

Nilabas ko ang cellphone ko nang nagvibrate iyon. For sure, Hilda, Caelan, or Fern, or some others trying to get my reply every day. Tsk.

I immediately scowled when I saw the name.

Cyprian:

Where are you? I'm here outside your company.

Nagtext agad ako, I forgot to be pabebe slight.

Me:

Sml?

Pinigilan ko ang matinding pagngisi dahil naisip ko na agad ang reaksyon niya kapag nabasa iyon, surely forehead wrinkled like a problematic lolo.

Cyprian:

So Much Like?

Nainis ako roon. Feeling close! Epal! Dapat napikon siya, dapat nainis siya!

Me:

So Much Lul, for you.

Cyprian:

Tss, nasaan nga ikaw? Sagutin mo nalang ng maayos.

Tumaas ang kilay ko agad. Aba, demanding pa. Close ba kami? We're now enemies, huwag siyang paepal.

Me:

You don't deserve a nice answer, huwag kang epal. Hindi naman tayo close.

Cyprian:

Because you're slipping away from me. :-|

My eyes widened, I gasped in disbelief and shook my head while typing a text back. Ogag 'to, ah. Pinapakaba ako sa mga linyahang laos naman. Sa daming may pick-up line na ganoon, kulang pa ang kanya. Kulang ng "boom!".

Me:

Oh wow! Share mo lang? Share mo sa MMK baka pumasa kay Mel Tiangco.

Cyprian:

I want it to share to only you.

Isa pa, baka sumayaw na ako ng boom kara-karaka. At ang walanghiya, humabol pa ng isang text.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon