Phase 21

92K 2.7K 1.5K
                                    

Phase 21






I did not... believe.

Natawa ako kahit na todo ang kabang dala noon sa akin. "Ano bang pinagsasabi m-mo, Harris?"

"I'm saying, marry me... was my voice so low that you didn't hear precisely?" he smirked cynically.

My chest pummeled, uminit ang mukha ko.

"You know we can't do that," iling ko.

Alam kong naaawa siya sa akin kaya niya ako sinasalo ng ganito, marahil ay naguilty siya noong inayawan niya akong maging kapatid kaya ngayon namang hindi na talaga mangyayari iyon ay saka niya ako sasaluhin gamit ang pagpapakasal. Heck, he don't like me! Why would he ask me a marriage? Pity, for sure.

His eyes sharpened. "Paanong hindi puwede, Bistre? Ako na ang nag-aalok ng kasal, ano pa ang hindi puwede roon?"

Suminghap ako.

"Nag-aaral ako." I chose to be safe. "At ayaw ko pang maikasal. Alam mong kapatid lang ang turingan natin, naaawa ka lang sa akin pero hindi ko ito matatanggap, Harrison." umiling ako.

Hindi ko matatanggap sa maraming dahilan. Una na roon na hindi ko naman siya mahal, bakit ko siya pakakasalan? I wouldn't marry someone I don't love, I swear. Ayaw kong mangako sa harapan ng Dios, sa loob ng simbahan habang kinakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.

Marrying someone would be my last promise, so I don't wanna be greedy. I want to take my time thinking, falling and loving someone, I want to feel those things leisurely and sincerely. Ngayong wala pa ako sa aking magandang katayuan ay hindi ko muna iisipin ang ganoong mga bagay at magfofocus sa bagay na dapat iinuuna sa lahat bago ang pagbubuo ng pamilya at pagmamahal ng iba.

Family is my first priority, before my life with someone.

I hurdled in surprise when his hand cupped my chin, mabilis ang pangyayari halos hindi ako makakilos nang ilapit niya ang mukha sa akin at tinagilid iyon habang nakatitig sa aking labi. I wanted to dodge but I couldn't in fear that our lips would touch in just one move I make. Mariin pa ang hawak niya sa aking baba.

"Kung hahalikan ba kita ngayon, sa tingin mo kapatid parin ang turing ko sayo?" magaspang siyang natawa at naamoy ko agad ang kanyang hiningang mabango.

I moved my hand to hold on his shirt, pinandilatan ko siya ng mga mata habang tinitikom ang aking labi. Natatakot akong gumalaw sa takot na mas malakas siya sa akin at kaya niya akong halikan sa konting piglas ko lang.

"Harrison, stop this." halos pabulong kong sinabi.

Mabilis ang pagtambol ng dibdib ko sa kaba at para na akong hihikain kung magtatagal pa ito ng ganito kalapit.

Tumaas ang isang kilay niya, halos kadulingan ko na ang mukha niyang malapit sa akin.

"Ano bang ginagawa ko? Tinititigan lang naman kita, ah." mapaglarong aniya at mas lalong tinagilid ang kanyang ulo.

Halos mangamatis ang mukha ko sa sobrang pagpipigil ng paghinga, mas lalo kong nilamukos ang dulo ng kanyang t-shirt. Hindi na ako makahinga ng maluwag dahil sa sikip ng aming pagitan, I couldn't believe he'd do this!

He chuckled playfully.

"Shit, Bistre Santiago... let me do the proposal properly before I take the first kiss." he said in a whisper.

Pumikit ako ng mariin at nilipat ang kamay ko sa hita niya, kinurot ko siya doon at sinuntok dahil hindi ako makapagsalita sa kahihiyang maamoy niya ang hininga ko. He giggled a bit and let my chin go finally, I gasped harshly, mabilis akong umayos ng pagkakaupo bago siya hinampas sa braso sa panggigigil.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon