Phase 30

107K 3.5K 1.7K
                                    

Phase 30

I told Cyprian about Auntie's need, sinabi ko ang mga ilang detalye gaya lamang ng panganganak ni Criselda. Iyon lang at wala ng iba. And I didn't let him help me, I can't just accept it. Mas ayos na sa aking manghiram sa mga kaibigan kesa sa boyfriend ko. Iyon tuloy ang parati niyang inuungot sa akin sa bawat araw.

"Okay na nga, daksi. Nakahiram na ako kila Hilda kahapon pa at naipadala ko na kay Auntie." sambit ko.

"Uhuh, so she delivered normally?" he asked about Criselda's condition.

I nodded at him and smiled, hinagis ko sa basket ang mga damit na natuyo mula sa sampayan. Tinatanggal niya rin sa hanger ang mga damit ko at tinutulungan ako sa pagsisikop.

"Oo, babae ang anak niya."

Kahapon ko pinadala ang nahiram kila Hilda, Pau at Nana. Nagdagdag din si Leo roon, hindi naman sila nagtanong sa akin noong sinabi kong kailangan ko lang talagang tulungan ang Auntie ko. Madali silang hiraman pagdating sa pera kaya binabayaran ko rin kahit hindi buo agad, paunti-unti tuwing sahod lang. Hindi nila ako minamadali tuwing nangungutang.

Nakakahiya nga iyon dahil may trabaho naman ako pero nakukuha ko paring manghiram, minsan nga ay hindi na ako nakakapagshare sa mga gastusin lalo na nitong buwan dahil madalas ding sabihin ni auntie na nagkakasakit si Lola.

Maybe I can find a more better job for me or I'll work part time. May ilan namang kumukuha sa akin para magdisenyo sa bahay man o mga suotin. Tulong din nila Nana iyon, panay kasi ang kuwento nila sa mga mayayamang kaibigan tungkol doon.

Nanganak na si Criselda last week, at kahapon siya dinischarged. Sinabi ko rin kay Auntie na wala na akong mahihiraman, kaya iyon ang desisyon niya. Ang iuwi ang mag-ina, panay ang pasasalamat niya sa akin dahil sa pagtulong ko. Iyon nga lang ay may mga kailangan pa siyang nasabi, baka sa ibang linggo ko pa maibigay dahil wala na akong pera.

Ngumuso siya at nilapitan na ako, kinuha niya ang basket sa lapag at inakbayan na ako para makapasok sa bahay. Natapos na namin ang pagkuha sa mga sampay at dumiretso kami sa kwarto.

"Can we see her?" he asked casually while folding some of my clothes.

My chest clenched, huminga ako ng malalim habang sinisikop ang mga underwear ko sa drawer.

"A-Ah, malayo kasi. Hindi ako pwedeng mag leave sa trabaho." rason ko. "Babayaran ko pa sila Hilda."

Totoo iyon, dahil siguradong mababawasan ako at hindi ko talaga gusto ang ideya na iyon. Bukod sa naroon si Mama nakatira ay ayaw ko ring bumalik ng Villa Terrazas, masyado iyong masikip para sa akin. Ayaw kong dalhin si Prian doon.

"Why don't you just let me spend some for that? Hindi ko naman sinabing lahat ay ako magbabayad." may tampo sa boses niyang sinabi. "I just wanna help you, you don't need to drown yourself only."

Muling napiga ang puso ko, lumapit ako sa kanya. He was just sitting on the edge of my bed while watching me closely and seriously. Nakakunot ang noo na tila pati siya ay problemado sa mga iniisip ko, tumayo ako sa harapan niya at humawak sa magkabilang balikat niya.

"Hindi naman sa ganoon... pero problema ko iyon, bibi." banayad kong sinabi.

Suminghap siya sa sinabi ko at mas mariin akong pinakatitigan. Tila malulusaw ako at masasaktan anumang oras na magpumilit pa ako sa ayae ko.

"And that's also my problem," he said rigidly.

"Hindi, akin lang 'yon. You just have to stay with me, that's all." I opposed.

Suminghap siya at mas nalukot ang noo.

"I don't know, Cencia. You're always like this, we concerted the same bound why we're here, in this relationship." he refined. "Kaya tayo nandito dahil mahal mo ako, mahal kita. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mong sarilihin ang lahat ng iyo when we can damn share all the time."

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon