Phase 12

106K 3.3K 370
                                    

Phase 12







"What keeps you so busy, my girl?" Caelan laughed a bit as he sat down beside me, kinulong ako ng kanyang mga binti sa pagitan nito at tinukod niya ang siko sa lamesa para mas maharap niya ako.

I lazily threw a potato chip and caught it in my mouth, matunog iyong nadurog sa aking bibig habang nginunguya. Ngumuso ako at inirapan si Caelan na nakangisi habang pinapanuod ako na tila aliw siya.

"Pwede ba, Caelan. Huwag kang malandi! May pa-my girl ka pang nalalaman, nahiya ka pa. Hindi mo pa ginawang "my gorgeous prospect" of the night." tamad kong sinabi.

Humalakhak siya at nilapag ang kanyang isang braso sa hita niya kaya nagmukhang nakapulupot iyon sa aking baywang mula sa likuran. I pushed his hand away but he didn't budge, he only placed it behind me again.

Shingina talagang 'tong manyak na 'to!

Pumangalumbaba ako habang tamad na tinitingnan ang patay na screen ng cellphone ko. Wala pa rin akong natatanggap na text kay Prian, baka hindi pa tapos ang meeting? Kainis talaga iyon.

"You're not a prospect, you'll never be just like that." he said. "Sa tingin mo ba tatagal ako sa pagiging single kung wala akong hinihintay na sagot mula sayo?"

Narinig ko ang paghagikgik ng mga kaibigan kong abala sa kanilang pinaggagawa pero nakikinig din. Mangha kong tiningnan si Caelan, sa sobrang mangha ko ay sinampal ko ang panga niya. He just laughed and caught my hand as I wriggle.

"Shingina, ang lupet naman pala." sarkastikong sambit ko, patuya. "Single pero ang daming dinodog style sa gabi, 'no? Galing! Ang galing mo!" I mimicked Ted Failon's accent.

Mas lalo siyang humalakhak. Wow, tuwang-tuwa si fucker. Sana hikain!

Binato siya ni Leo ng chip at tumama iyon sa noo niya. Napamura si Caelan at bumawi ng pagbato, napairap ako at bumuntong hininga lamang.

"Gago, makalingkis ka kay Bistre, nadaig mo ang ahas!"

Tumawa si Hilda. "Cae, tigilan mo na 'yan. May universe na si Bistre, off limits na. Mabagal ka kasi kaya huwag ka na ring magtaka."

Kumunot ang noo ni Caelan at sinulyapan ako, humawak siya sa aking baywang para tawagin ang pansin ko.

"Sino? Iyong palaging sumusundo sayo o iyong naghahatid?"

Ogag, ginawa rin akong lalakero. Inirapan ko lang siya at inalis ang kamay niya sa baywang ko.

"Tigilan mo paghawak sa akin, Caelan. Baka mabayagan kita." I warned.

He laughed sexily. "Oh, I would love to."

Wala na, finish na 'to. The most underrated "pasimpleng malandi" in town goes to... charan! Caelan Hernandez! Tsa-tsarap, tsarap magchacha! Boom tarat-tarat with album para sayo by Many Pacman and Wil phone.

"Oo, tangina kang fuck boy ka. Napunta ka lang ng Brazil mas lalo kang natuto ng iba't ibang posisyon!" si Pau habang naglalaro ng ROS sa cellphone niya. "Hindi kayo bagay ni Bistre!"

Mayabang na natawa ako.

Alam niya talaga na sobrang ganda ko para kay Caelan kaya hindi kami bagay masyado. Although, Caelan is also good looking with a bitch look on his face. His eyes were hazel and chinky, too, mas singkit nga lang si Cyprian at mas mahilig ako sa chinito na kapag tumatawa ay nawawala ang mga mata. Ganoon si Prian kaya nakakaaliw talaga kapag natatawa siya o ngumingisi.

Back to Cae, Caelan's just a flirt, matagal na at sanay na ako sa kanya. At the end of the day, our friendship stays like that. We do hugging and hold hands, he was touchy. Hindi lang naman sa akin, pati rin kila Nana at Pau ay ganoon siya kasweet.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon