Phase 11

111K 3.5K 1.4K
                                    

Phase 11



I wake up early in the morning, to be honest, I haven't had a good sleep because of thinking about how I'd face him today. Hindi ako mapakali sa aking paghiga at alas quatro na yata ako talagang nakahanap ng kahimbingan, sinadya kong gumising ng maaga para makapagluto ng almusal.

Batid kong nakauwi na rin si Hilda at Leo, mahimbing pa siguro ang tulog ngayon dahil alas singko na sila nakakauwi sa madaling araw at hindi ko na alam kung gumagawa pa ng milagro kaya hinahapon o ginagabi na ang kanilang paggising.

Cyprian is still asleep, mukhang tinamaan talaga ng lintik. Mabuti nalang ay may mailuluto na ako dahil kumpleto na ang nasa ref namin nang buksan ko ito. Marahil ay namili na sila Hilda bago umuwi rito, that's nice! May isip din naman pala kahit half lang, baka naawa pa sa akin dahil wala talaga akong makain at tamad pa naman akong lumabas para mamili lalo na kapag mag-isa.

I prefer to be with someone out, kaya nga kapag kasama naman si Fern ay nakakalabas kami para bumili ng lutong ulam sa kanto. Naiilang kasi ako sa mga taong panay ang tingin sa akin kapag naglalakad mag-isa, ayoko nalang magyabang dahil hindi naman ako mayaman pero iyon ang totoo.

It was obvious that many admires me anywhere, hindi naman ako maganda masyado, sobrang ganda nga lang! Kaya hindi ko talaga masisi ang mga taong natutulala sa akin minsan, pero syempre joke lang 'yon, half pure meant.

I cooked bacon and eggs, hot noodles and a cup of white coffee for Cyprian. Walanghiya, naalala ko na naman ang karakas ni Kiray kaninang madaling araw. Naku talaga, Kiray. Maghanda ka sa revenge ko, pasalamat siya at hindi narinig ni Cyprian ang mga paratang niya sa akin. Kung hindi, ipapahiya ko rin siya!

Feeling boneless bangus kasi siya, iyong tipong makakain lahat dahil walang itatapon pero ang totoo ay isa siyang hipon! Hipon! As in shrimp! Sugpo! Tapon ulo!

I hummed sweetly while swaying my hips with the rhythm of the music I'm playing. Naglagay ako ng konting kape sa kutsarita para tikman ang pagkakatimpla ko, I sucked at this by the way. Kailangan ko pang tikman ng ilang beses kapag natimpla kahit na hilig ko naman ang kape at ready to drink na iyon ay hindi ko parin magawang hindi makulangan o masobrahan sa lasa noon. Kaya ako parin mismo ang tumatantiya, dila ko parin ang may desisyon kung matitipuhan ang lasa.

I don't know, it's weird.

Pagkatapos kong maiayos ang mga pagkain at kape sa lamesa ay maingat akong tumungo sa pintuan ng aking silid, hinayaan ko iyong nakaawang kanina para masilip ko muna bago ako pumasok. Advanced ako mag-isip, baka kasi gising na siya o ano man. I breathe and relaxed my nerves for a bit, nang medyo kumalma ay sinilip ko ang loob.

I hurled in shock when the door suddenly opened widely without a warning.

"Ay, shimmy-shimmy kokobap!" sigaw ko sa sobrang gulat doon, agad akong napasinghap at sinapo ang aking dibdib. "Nakakagulat 'yon, ha? Pesteng yawa ka man, doi!" bawi ko sa inis.

Sa tingin ko pumangit ako ng one second dahil sa pagkagulat, iyon ang tinatawag na shock si pretty. Bakit kasi bigla-biglang lumalabas! Ang nakakagulantang pa lalo ay wala siyang pang-itaas, he's illegal! Muntikan na akong mahimatay at mag wet dreams.

Naku, Bistre. Hindi na maganda ang mga pinag-iisip mo. Bawas, 0.1 beauty!

Prian's forehead was wrinkled while looking at me like he got startled by my beauty. Oha, puta bigat ng bangko ko sinamahan pa ng hanging Alwina! Ugok, Bistre, wet dreams pa! 

"H-Hey..." he stammered a bit.

O, 'di ba? Shingina, nagandahan talaga sa akin sa umaga! Sabagay, sabi nila kapag bagong gising sa umaga ay doon nakikita ang totoong ganda ng babae. Napairap ako sa isip, duh? Kahit nga walang tulog ay maganda ako, huwag lang walang gising. Iba na iyon.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon