Phase 10

107K 3.3K 397
                                    

Phase 10





"I want to stay till dinner, sana..." Fern chuckled while caressing the hood of his fortuner, patagilid siyang tumingin sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Why not?"

Sa totoo lang ay gusto ko nalang siyang makasama ng buong araw ngayon upang hindi ko maisip iyong sinabi ni Cyprian, wala parin akong balak makipag-usap sa kanya lalo pa ngayon dahil ramdam ko parin ang kanyang epekto sa aking sistema kahit na ilang linggo na ang pinalipas ko.

I failed.

"We have a family dinner tonight, umuwi si Dad."

Napatango ako at mas lalong tumulis ang nguso.

"Enjoy, then?"

He smiled slightly and nodded at me, marahan niyang ginulo ang aking buhok pero inayos din kalaunan sa pamamagitan ng pag-ipit niya sa likuran ng aking tainga. Nagpabebe naman ako ng slight, I smiled and chuckled "ahe" while putting my hair behind my ear in a girly way.

He supressed his laugh while staring at me like I'm some clown in front of him. Psh, sanay na ako sa mga ganyan. Ginagawa akong clown. Partida wala pa akong make up at ganda lang. Paano pa kaya kung iyong mga may make up na? Clown uberlodi na? Baka namatay na sa katatawa si Fern.

Well, as if they got my humor? Sabagay, iba parin talaga ang appeal ko sa ibang babaeng mukhang clown lang talaga. Mayroon kasing babae na nakakatuwa dahil sa mga pinagsasabi at kilos, at mayroon din namang effortless, kahit hindi magsalita. Tumayo lang sa harap mo ay matatawa ka na. That's what we call, effortless joke.

"Wanna come with-"

I hit his arm quickly to cut it.

"Not this, Fern." iling ko agad. "Ayokong makisama sa mga ganyang family dinner, nakakahiya. Baka isipin hindi naman kapamilya ay nakikikapuso ako." tawa ko sa huli.

Pero naalala ko naman iyong walang hirap na sumama ako kay Prian sa isang lunch, sus. Epal talaga sa utak ko iyon, e. Sarap iumpog sa semento ng ulo ko tapos amnesia ang bagsak. Iyong tipong, "sino si Cyprian?" sino raw pero alam 'yong pangalan. Ibang amnesia ang tumama sayo, Bistre. Amnesia ng tanga.

"Tss, as if they would think like that. Hindi ganoon sila Mama." depensa niya.

I scowled.

"Miski na, 'no! Ayoko parin, kaya sige na, Fern! Get out of here and be prepared for your dinner! Pagwaps ka pa!"

We both laughed. Pagkatapos ng ilang panghaharot niya pa sa akin ay namaalam na rin siya nang tumungtong ang alas quatro para umuwi. Masarap kakulitan at kausap si Fern, noong unang nakilala ko siya ay nakita ko ang aura sa kanya ng pagiging aroganteng malamig pero malayo pala iyon sa kanyang ugaling totoo.

I easily judged him by his looks when in fact he's really not as what I expected. Hindi talaga magandang basehan ang itsura ng tao sa pagkilala, hindi lahat ng panlabas na nakikita ay iyon na rin ang nasa kalooban dahil ang katotohanan ay kalaunan mo palang na malalaman habang tumatagal. Knowing someone is a process to do, hindi ko pa malalaman iyon kung hindi dahil sa pagkilala ko kay Fern habang tumatagal na nagkakasalamuha kami.

Inakala kong sobrang seryoso niya at tahimik lang base sa unang kita ko sa kanya, at nang dumating ang oras na napapanatag na kami sa isa't isa at nagkakasundo ay alam ko na rin ang ilang pag-uugali niyang hindi ko naman inasahan noon.

Huminga ako ng malalim at tamad na binagsak ang sarili sa kama, padapa akong nahiga at tinitigan ang cellphone ko sa harapan. I sighed blandly and shook my head.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon