Phase 31

87.1K 2.9K 651
                                    

Thanks!



Phase 31

I don't remember how did I fall asleep that night, I just woke up the next morning with my swollen eyes. The pain inside my chest is still unbearable, I probably fell asleep while crying.

My morning feels sick, painful, sad, dark, emotional, wreck and broken... it's painful, how can I get over this pain? I want to escape but it would hurt more. I still want Cyprian, I still wanna try if he could forgive me. I want to at least say sorry for everything. For all the secrets I cloaked, for dishonesty and for the trouble I caused him.

I know my wrongs, I know the clear reason why I'm in this situation. I'm the only one who induced everything, I love him so much that I can't let go but he ended it, so I cannot do anything to make him come back.

He. Ended. Us.

He. Was. Conned.

I. Lied.

I. Bilked.

I'm. Married.

And the most painful part...

He. Broke. Up. With. Me.

I. Hurt. Him.

What else can make me feel like I'm the only girl asshole in this cosmos?

Pero tangina, ang sakit sakit talaga ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano maiibsan kahit papaano. Ang hirap, ni hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa ngayong araw. Alam ko ang lahat ng mali ko kaya ayoko maging unfair pagdating dito, hindi ko siya masisisi na hindi niya na ako pinagpaliwanag dahil sobrang sakit naman talaga ng nagawa ko.

I lied... so fucking bad.

Kung ako ang nasa sitwasyon niya, hindi ko rin kakayanin pang makarinig ng eksplanasyon dahil kasal ang usapang iyon. Kasal ako! Hindi iyon basta-basta mabubura ng pambura lang dahil hindi iyon sulat ng lapis lamang. Nakatatak iyon at habang buhay nang dadalhin.

Bagsak ang aking balikat habang nakatulala sa lamesa, nilagay ko ang mga palad sa aking ulo at nagyuko. My heart crumpled again, maisip palang ang kanyang mga mata kagabi ay nanghihina na ako. Bumuga ako ng hangin habang pigil ang luhang kumawala.

Tinitigan ko ang cellphone sa lamesa, it's already past ten AM. Wala pa rin siyang text. Gusto kong pagtawanan ang aking sarili, nababaliw na ako.

"Break na kayo, huwag na umasang makakatanggap ng text." napabuntong hininga kong sinabi.

"Wow, talking alone." halakhak ni Hilda ang nadinig ko.

Hindi ako kumilos at nanatiling nakayuko lamang.

"May hang over, andiyan ba si Daksi?" takang tanong ni Hilda.

"Wala. Nakasalubong ko kagabi, sabi niya tulog na raw si Bistre kaya hindi na siya nang-istorbo at uuwi nalang. Mukhang badtrip nga, e." ani Leo.

See? He didn't even tell what I'm hiding. He acted normal like nothing happened between us.

"World war kayo, Ter?" tanong ni Hilda.

Tears run down my cheeks, my shoulders were shaking as I cried out on that table. Inubob ko ang mukha lamesa upang itago ang sariling pait at sakit na nararamdaman.

"Hala!" singhap ni Hilda sabay lapit sa aking likuran, she promptly caressed my back. "Anong nangyari, Bis?"

"We b-broke up... he e-ended our relationship." umiiyak kong sinabi.

Sa totoo lang, wala sa plano ko ang maghabol. Sinabi ko na sa sariling hindi ko kailangang ibaba ang pagkatao para lang sa isang relasyong magwawakas. Pero iba ito, ang hirap pala kapag nasa sitwasyon ka na talaga ng isang sakit. Ang hirap nang patunayan ng mga binitiwang salita noon.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon