Phase 33

91K 3.6K 962
                                    



Phase 33

"I want an annulment, Senyor Juancho." sambit ko, isang araw na sinadya ko siya sa Hacienda niya.

Matagal ko na dapat itong nagawa pero noong mailibing si Mama ay hindi ko na siya nakita ulit, that was exactly three months ago. Nang sabihin sa akin ni Criselda na bumalik na si Juancho Bernaldez ng Villa Terrazas ay agad ko siyang sinadya upang sabihin ang gusto kong mangyari. I couldn't file an annulment because it would cost a lot and I don't have enough money for that.

He looked at me seriously.

"Hindi ko magagawa iyan, hija."

Suminghap ako. "Bakit? Wala na ang mama ko, wala ka nang magagamit pa sa akin. Alam mo kung anong dahilan ng pagpapakasal ko at si Mama lang iyon. Ngayon, gusto ko ng matapos ito!"

Napailing siya.

"I will eventually die, Inocencia. This is your mother's favor, she wants to secure your life. Maaring hindi mo maiintindihan pero iyon lang ang gagawin ko, ang pabor ng iyong ina."

Pumikit ako ng mariin at matalim ding nagmulat ng direkta sa kanya. He was just serious while watching me. Walang bahid ng kahit ano, kundi ang pinal na desisyon lamang.

"Ang huling pag-uusap namin ay hindi na niya ako ibibigay sayo ulit! Ibig sabihin ay ayaw na rin niya sa naging desisyon niya noon! Nagpakasal lang naman ako sayo para sa medikasyon at operasyon ng mama ko! I can file an annulment now that she's not here anymore!"

Hindi ako mapakali. Naiirita ako kay Juancho, wala na siyang dahilan ngayong wala na si mama. Kung ano man ang rason ni Mama ay wala na akong masasabi pa roon, pero ang usapan ay ngayon. Ang kasalukuyang ito, why can't he just give me what I want? If Mama wanted me to marry him for a better life, then I can live with just myself without his help! Hindi ko kailangan ng magandang buhay mula sa isang matandang iniisip na agad ang kanyang pagkamatay.

He wants me to wait for his death so he could give me his riches? I don't fucking need that! I want a life with the man I love and I cannot do that if I'm fucking married to this old man. I don't need the money, I am rich with just Cyprian in my life. I don't need anything but his love and acceptance again.

Maybe if I could break the marriage, he can accept me again. We can marry each other and have a life, hindi ko kailangan ng kayamanan ni Juancho. Hindi ko na kailangan hintayin ang pagkamatay niya dahil hindi ko naman talaga punto ang kanyang kayamanan.

"Sabi ko nga sayo ay hindi mo maiintindihan, miski ako ay hindi maintindihan ang rason ng iyong ina pero alam kong para sayo ang lahat ng kanyang desisyon kahit mali pa. Kung mananatili kang kasal sa akin ay mamamatay akong mapayapa dahil maiiwanan ka ng maayos na buhay."

My eyes watered.

"Pero hindi ko kailangan ng maayos na buhay. I know this is harsh, pero kahit mamatay ka ay wala akong pakialam sa kayamanan mo, Senyor. Kahit mamatay ka na walang iwanan sa akin ay walang problema, I can work for myself. I can feed myself, I'm doing that for years without you, right? Nakapagtapos pa ako sa sariling sikap. Kaya hindi ko na kailangang hintayin ka pang mamatay, bago makawala sa kasal."

Hindi siya nakapagsalita, nanatili siyang nakatingin sa akin na tila pinoproseso ang lahat ng aking sinabi.

"I'll still stick on the idea, I'm sorry... I can't do what you want, Inocencia." kaswal niyang sinabi.

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapagsalita sa galit, hindi ko alam ang mga dapat sabihin dahil baka makabastos lang ako ng matanda at ayaw kong mangyari iyon dahil kahit papaano ay siya parin ang dahilan ng paghaba ng buhay ni Mama noon.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon