Phase 25

96K 3.2K 513
                                    

I acidentally published a chapter while editing lately, sorry.




Phase 25





"Happy birthday, mahal!"

Panglimang pagbati na ni Hilda kay Leo iyon, lasing na yata siya. Panay din ang pagyakap-yakap niya sa leeg ni Leo. Napairap ako sa kanilang dalawa roon, nangingisi lang si Leo habang sinasalo si Hilda at inaalalayan sa baywang kahit na may kausap siya sa harapang kaibigan. Normal na tanawin na iyon para sa kanila, para sa amin. They are really sweet everytime and everywhere.

Kumpleto ang mga kaibigan ni Leo ngayon sa isang eksklusibong bar sa Manila. Dito kasi naisipang idaos ni Leo ang kanyang kaarawan para raw maliit na reunion na rin kasama ang mga kaibigan at ilang kaklase noon, as usual to our group, kung nasaan si Hilda ay sasama naman kami. Puwera nalang kung solo time sila, hindi talaga ako sasama kahit yayain pa ako.

And this is the birthday of the only man in our group, we really should celebrate it! Madalas na ito sa amin kapag mayroong kaarawan, kahit nga wala.

Suminghap ako pagkainom ng isang shot at tumuon sa aking cellphone.

Cyprian:

I thought you were just home.

Nangunot ang noo ko sa text niya, kanina kasi ay nagtanong siya kung nasaan ako kaya sinagot ko naman na nasa Manila kami ngayon kasama ang mga kaibigan. Hilda was telling me to call him and invite but I didn't, masyado naman yatang clingy ang dating ko kung ganoon.

Me:

Hindi, umalis kami kaninang tanghali para bumiyahe pa Manila. Birthday kasi ni Leo ngayon at may reunion celebration din sila ng mga kaibigan niya. Nagpunta ka sa bahay?

Cyprian:

Yes, I'm actually here outside and Kiray told me you went out with your gang.

Shit, what?

I immediately checked the time. Oras nga ng kanyang out mula sa office, kahit kasi CEO siya sa kumpanya nila ay mayroon siyang nilalaang oras para sa trabaho at hindi iyon nililiban lang. He's managing his time of work and everything. He's very organized when it comes to time. Iyon ang napansin ko sa kanya tuwing magkasama kami sa ilang buwan.

Me:

Sorry. I forgot to tell. Uwi ka na, Daksi.

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko, it sounds like a command for damn's sake Bistre! Hindi talaga tama pero iyon na ang naitipa ko at nasend, wala na akong magagawa at hindi ko na mababawi.

Hindi ako nakatanggap ng reply sa kanya simula ng oras na iyon, nagpatuloy sa paglalim ang gabi at wala parin akong maramdamang pagkalasing o miski pagkahilo. Batid kong nasa kundisyon talaga ako ngayong gabi. Kung sabagay, matagal-tagal din akong napahinga. Nitong nakaraan kasi ay madalas lumabas sila Hilda kasama sila Pau pero hindi ako nakakasama dahil si Prian ang madalas kong nakakasama kung saan-saan.

He already brought me to some places that he wasn't really familiar to, wala lang. Trip niya lang din kung saan kami dadalhin ng sasakyan niya, minsan din sa madaling araw ay nagtetext siya na lumabas ako at nadadatnan ko siyang nakamotor lang. Tapos kung saan din niya maisipang pumunta ay doon ako dinadala, madalas sa matataas na lugar ng Laguna.

We went to a cliff, some rooftop space and any high places we could see the city lights under us. Mukhang paborito niya ang tanawing ganoon, ako naman ay hindi mapigilan ang malungkot tuwing nakakakita ng ganoong tanawin.

I don't know why I feel sad everytime we get to places and see such views. I don't really fancy nighttime and duskiness, it felt so dark and cold as ice that I don't wanna really feel when alone, but since he's with me. I am enjoying the dark nights, the lone time and the view of city lights.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon