Phase 17

96.4K 3.4K 820
                                    

Huli ang kwento ni Eliteia, kaya huwag niyo po sanang madaliin dahil may iba akong on-going. Salamat.

The group page name is Cinnders Diary, sa mga nagtatanong at may pake po.




Phase 17


My mouth's still separated while scrolling down the comment section of his posted video.

"Who's the girl? She's gorgeous!"

"Wow! Didn't know you have this taste of girl."

"She's so pretty doing those faces!"

"Congrats, man. Moved on?" it was Zarjiel.

Cyprian replied to his comment: Yeah, you should.

Zarjiel: Puta, bigat! Aral ka muna Tagalog, 'ya. Hindi kayo bagay. Mas bagay kami.

Cyprian: Lul.

"Who's this chic now, Prian?"

Nagngalit ng husto ang bagang ko, hindi niya dapat pinost iyon! Hell, hindi niya alam ang sitawasyon ko, wala siyang alam. I immediately sent him a text.

Me:

Prian! What the hell? Delete the video or I'll kill you when you get here!

Nakakainis, hindi niya nalang dapat pinost iyon. It should be private, I trusted him that's why I sent it. Hindi ko naman inasahan na ilalabas niya talaga, hindi naman ako kilala ng karamihan pero hindi rin dapat ako padalos-dalos sa mga ganoong bagay.

Busangot at padabog na nagsuot ako ng pajama, pagtapos ay nagsuot ako ng isang malaking t-shirt para kumportable sa pagtulog. Ganito ang madalas kong suotin kapag mag-isa lang, iyong tipong walang pupuna sa kasuotan kahit maging pangit pa o mukhang basahan.

Noon, parati akong magmemake up dahil ang nasa isip ko ay baka bangungutin ako sa pagtulog, at least my make up was ready, I would still look beautiful and good when they found me lifeless. Handa na ako sa mga ganoong bagay na hindi dapat kinatatakutan dahil lahat naman ay doon hahantong.

Ilang minuto ko pa siyang tinadtad ng texts dahil sa kainisan, sinabi ko na sa kanyang huwag siyang pupunta rito kapag hindi iyon binura. He didn't reply at all. Tatawagan ko na dapat siya ngunit naunahan na ako ng pagpihit ng door knob, marahang bumukas iyon at unti-unting dumungaw ang mukha ni Cyprian habang nakahawak parin sa door knob ng pinto.

Suminghap ako sa kanyang itsura. He's just wearing a simple cotton white shirt, checkered shorts and a pair of Fila slippers. Hawak niya sa isang kamay ang susi ng sasakyan at isang paper bag.

Uminit ang ulo ko nang tuluyan na siyang pumasok habang walang ekspresyong nakamasid sa akin, he inaudibly closed the door behind him and put his car key in his pocket. Napairap ako sa kainisan, nagdadabog na bumaba ako ng kama at nilapitan siya.

His eyes widened while watching me, walang habas kong kinapa ang kanyang bulsa para hanapin doon ang cellphone. Nalanghap ko agad ang normal niyang bango. He looked fresh and clean tonight, mukhang kaliligo lang din bago magtungo rito. Nang makuha ko ang cellphone ay tumakbo na ako pabalik sa kama.

"What's your problem with it?" he asked modestly.

Inirapan ko siya habang kinakalikot ang cellphone niyang may passcode pa, nag-indian sit ako sa kama at hinulaan ng ilang beses ang passcode niya dahil apat lang naman na numero ang kailangan.

"What's your passcode?" I snorted irritably.

Sumulyap siya sa akin, nakita kong nilapag niya ang paper bag na dala sa isang lamesita roon malapit sa single couch. Tamad siyang naupo sa couch at binuksan ang paperbag.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon