Phase 26

91.7K 3K 631
                                    

Thank you.



Phase 26





Panay ang hiyawan nila Hilda at iba pang kaibigan ni Leo nang umiling si Ridley at nagtaas ng kamay upang tumanggi na sa palaro, tumayo ako at inayos ang dress kong bahagyang tumaas dahil sa pag-upo.

"No, man. I know this girl." Ridley shook his head and chuckled a little.

Nagulat si Leo sa sinabi ni Ridley. Ganoon din ang reaksyon ng iba pa. Suminghap ako, hindi ko alam kung anong dapat na gawin. I want to walk away and hide myself, kasama si Ridley sa nakaraang ayaw kong balikan dahil isa rin siya sa nagpapaalala noon.

And heck, no one knows about my life here. Miski si Hilda ay walang alam sa totoong nakaraan ko, maaring may nasabi ako sa kanya pero puro iyon peke. Yeah, I know that's sick. I'm a big fat liar who doesn't deserve friends like them.

I'm still lucky that they're not some kind of friends who asks a lot about each other's life. Hindi sila ganoon, hindi sila kailanman nagtanong sa buhay ko. Wala akong naikwentong nakaraan sa kanila, kung ano lang nila akong nakilala ay hinayaan nilang hanggang doon lang samantalang ako ay alam halos lahat ng problema nila, miski sa pamilya pa o kahit ano.

I am the secretive one, everything they knew about me was all lie or let's say, just a front of this facet. Gaya nalang na ang mama ko ay nasa ibang bansa at doon nakatira, ang totoo ay nasa probinsya lang at doon naninirahan kasama si Lola at ang kapatid nito.

Tapos ngayong narito si Ridley at mukhang malapit pa na kaibigan ni Leo, ano na ang kahahantungan ko? Baka malaman nila Hilda ang nakaraan ko, paano kapag nalaman nilang nagsinungaling ako tungkol sa buhay na mayroon ako?

Kalahati ng buhay ko ay alam na ni Ridley, iyong naiwan ko sa Villa Terrazas na mga kapatid at ang aking pagiging anak sa labas. Lahat iyon ay nasabi ko sa kanya noon, natatakot ako ngayon na lahat iyon ay mabunyag oras na magkausap sila ni Leo.

Lumunok ako at kumuha ng sigarilyo sa lamesa, sumunod si Nana at Hilda sa akin na tatawa-tawa at nagtatanong na patungkol sa nasabi ni Ridley. Naiwan naman si Ridley sa mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay nag-aasaran din dahil doon.

"Hoy! Paano kayo nagkakilala nun?" ani Hilda sa manghang tinig.

I lit my stick and puffed it casually. I'm back, stress reliever smoke! Kabado ako sa mga maaring mangyari, I feel uncomfortable with his sudden presence here. Nagbubutil ang pawis na malamig sa aking noo, I smiled at my friends.

"J-Just a random guy..." I answered uneasily.

"Tinder?" tawa ni Hilda.

Umiling ako bilang pagtanggi at muling hinithit ang yosi, kinuha ko ang purse sa upuan at umambang aalis na.

"Break lang, hindi na talaga ako makahinga." natatawa kong sinabi.

"Saan mo nga nakilala? Binooking mo?" panghuhula pa ni Nana.

"Gago, hindi." iling ko sabay peke na tawa.

Binato pa ako ng panunukso nila Nana at Hilda bago ako tuluyang nakalayo para makalabas ng bar na iyon. Hilda said I can tell if I wanna go home already, maghohotel lang siguro kami sa malapit o baka sa condo unit ni Leo tutuloy pagtapos namin dito. Sinabi ko namang kaya ko pa at magpapahangin lang.

Gusto ko lang talagang iwasan si Ridley doon, masyado akong kabado sa dulot ng presensya niya. Hindi ako makapaniwala na pinaliliit talaga ng mundo ang aking espasyo rito.

Nagpalipas ako ng oras sa labas ng bar, hanggang dito ay dinig ang napakalakas na musika ng bar. May iilang grupo rin ang nagpapalipas sa labas para magyosi habang nagkukwentuhan.

Villareal #3: Embracing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon