Ricie's POV
Kinabukasan, it's friday. Ginawa ko na ang morning routine ko at pumasok sa school. Kahit na masama ang aking pakiramdam, pumasok parin ako.
Habang naglalakad sa hallway may naririnig akong mga nag-bubulungan.
"Uy bes alam mo ba nagsuntukan daw si Nath at Jm dahil kay Ricie." sabi nung babaeng nasa harap ko.
"Ehh talaga kanino mo nalaman?" tanong naman nung kasama nya.
"Malamang kay Kyle." sabi ulit nung isa.
Pano naman nila nalaman yun, ako lang naman ang taong nandun nung nagsasagutan yung dalawa. Ayaw ko silang sumbatan dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko, kaya habang naglalakad ako ay nakayuko lang ako. Nang malapit na ako sa room namin may nagsalita sa harap ko, kaya tinignan ko kung sino ito. Si Kyle, kasama yung tatlo nyang mga bubwit.
"Ohh look who's here." sarkastikong sambat ni Kyle. Kilala ko sila dahil sila yung mga sinasabihang mga warfreak.
"Akala mo naman sobrang ganda mo para pag agawan ka ng mga bagong transfer, pero mas maganda parin ako sayo." sambat ni Kyle at tumawa, nakitawa naman mga bubwit nya.
"AKIN SI NATHAN!" sigaw nya sa tenga ko.
Sobrang sama ng pakiramdam ko tapos dagdag pa sila.
"Magsusumbong ka na ba sa Mom mo? Mommy inaway po ako nung girl sa school." sabi nya sabay umaktong parang bata na naiyak.
Sa totoo lang, hindi ako yung taong nagsusumbong sa magulang pag may nakaaway or may mga nangyaring masama sakin.
"Akin na yang hawak mo Lyam." sabi nya kay Lyam na may hawak na tubig.
"Ang dapat sayo pinaliliguan ng malamig na tubig dahil ang landi mo!" sigaw nya sabay buhos sakin nung tubig. Ngayon ko lang napansin na sobrang dami na palang nanonood na mga ibang estudyante.
"HOY!" rinig kong sigaw isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
"What are you doing?" sabi nya sabay hawak sakin.
"Mang-aagaw kasi yang Ricie na yan, inagaw sakin si Nath." naiiritang sabi ni Kyle.
"Bakit may kayo ba? Kilala ka ba si Nathan? Kilala mo ba kung sinong binabangga mo?" tanong ni Toni. Oo si Toni na kasali sa GWAPONG 10.
"Walang kami pero kaya ko syang agawin sayo Ricie." sabi ni Kyle.
"Wala namang masamang ginawa sayo ni Ricie! Di mo kilala ang binabangga mo. At sino ka nga ba?"galit na sabi ni Toni.
"Toni tama na please." bulong ko pero parang walang narinig si Toni.
"Ako si Kyle taga 10 - C at ako lang naman ang pinaka maganda sa buong campus." sabi ni Kyle kay Toni.
"Anong nangyayari dito?" sigaw ni Mommy.
"Wala po Principal." nakangiting sabi ni Kyle.
"Anaaak!" Bakit basang basa ka?" baling sakin ni Mommy sabay lapit.
"Mommy mo?!" gulat na gulat na tanong ni Kyle.
"Yep, mommy nya ang Principal." sabi naman ni Toni.
"Ahhh sige balik na kami sa room. Bye Ricie." biglang takbo naman nila pati na ang mga nakikiusyo.
"Wala po Mom." sabi ko.
"Bakit basa ka?" tanong naman ni Mom.
"Ahh natapon po kasi yung hawak kong tubig kanina." pagsisinungaling ko.
"Sige anak, magpalit ka ng damit dun ha." sabi naman ni Mom sabay alis.
Pagkaalis ni Mommy, kinausap ako ni Toni.
BINABASA MO ANG
Always Falling Inlove With The Wrong Person
RomanceAUTHOR'S POV Ricie Mae Alcantara, a girl who have everything. Nice, beautiful, rich, and everything that boy wants, in short PERFECT. Pero bakit ang malas nya sa pag-ibig? She don't deserve to be hurt all the time. But one day, nakilala nya ang lala...